CHAPTER 3

34 0 0
                                    

---

HAYLEY CASSIDY VILLAGARCIA

"Oh nandito na pala ang prodigal kong anak na dalaga." narinig ko agad ang boses ni Mama kaya agad akong napabangon para magmano sa kanya.

"Ma, kain ka na oh." sabi ko sa kanya at agad din naman siyang dumulog sa hapag kainan kasama ni Hiro. Tahimik lang ako habang nakamasid sa kanila. "Asan na yung pera? Akin na at ipangtataya ko sa binggo mamaya hay nako! Natalo na naman ako ng lintek na Leth na yan." Sabi niya habang nakalahad na naman sakin.

I immediately get my sling bag and my wallet, I gave her the money that is really intended for her and Hiro. Hindi naman niya inuubos yung pera sa sugal, binibigyan naman niya ng allowance si Hiro at may panggastos naman na natitira dito sa bahay. Pero binibigyan ko parin ng extra money si Hiro para sa pag-aaral niya.

"Buti nalang at maganda trabaho mo doon sa Maynila. Aba eh kahit prodigal ka at mana ka sa Papa mo eh may pakinabang ka." she said and she even roll her eyes to me. "Para naman po sa inyo Mama kung bakit ako nakikipagsapalaran sa Maynila eh."

"O siya sige, kumain ka nalang wag na maraming kuda." sabi ni Mama habang binibilang at pinipitik-pitik ang mga papel na pera sa kamay niya. Napailing nalang si Hiro sa ginawa ng kanilang ina.

---

"Ate, bakit wala ka paring boyfriend?" tanong ni Hiro habang nandito kami sa may kanto at kumakain sa mga tuhog-tuhog. Hay, namiss ko dito. Napatingin naman ako sa kanya habang nginunguya yung kwek-kwek niya.

"Sira, hindi ko naman kailangan ng boyfriend no." sabi ko nalang habang natatawa. Napanguso naman siya. "Basta Ate pag nagka boyfriend ka, pakilala mo saken ako. May mga pagdadaanan muna siyang mga pagsubok sa mga kamay ko." sabi niya habang tumatawa ng nakakaloko. Natawa naman ako sa kalokohan ng kapatid ko. Daming alam eh.

"Tara na nga't umuwi na tayo." sabi ko sabay tapon ng cup ng samalamig sa basurahan. "Oo nga, may rank game pa nga pala kame." sabi naman ni Hiro at nauna pa saking maglakad.

I get my phone from my pocket, nag-on ako ng data sabay scroll up and down sa FB ko as usual. Nakauwi na kami sa bahay at heto ako, nakahilata sa kama ko. Hays, namimiss ko talaga bahay dito kahit weekly naman akong umuuwi. There's no place like home talaga!

Nagcheck ako ng phone and bigla nalang itong tumunog. I check the notification and woah, sa tantan pala. I open it, si Andrei pala!

Andrei: Good evening Hayley! Nag dinner ka na ba? :)
Me: Good evening, not yet. Ang aga pa para mag dinner ah. Kakakain lang namin ng kapatid ko sa labas ng tuhog tuhog eh.
Andrei: Advance lang ako mag-isip no. Hahaha. Wow! You know, I like kwek-kwek. My favorite street food here in the Philippines.
Me: Oh, same here! Any way, if I may ask half Filipino ka diba? Based on your pictures kase eh.
Andrei: Yup! And half Australian. My Mom is an Australian, my Dad is a Filipino.
Me: Ahh, I see. Ako naman half Korean, half ginseng. HAHAHAHAHAHA
Andrei: Hahaha! Silly! Napatawa mo ko dun ah. Anyway, thanks for chitchatting with me. Kahit papano, nakalimutan ko ginawa ng EX ko.
Me: Nako, wala yun. Kalimutan mo na muna yun.
Andrei: Its not that easy, Hayley. We're 4 years in a relationship. I can't believe a nakaya niyang itapon yung pinagsamahan namin na yun.
Me: 4 years? Woah, I understand that. Hindi ka man lang ba siya nag-try i-approach ka after that?
Andrei: No. No chat. No text. Nothing at all.

Ang saklap naman pala nung nangyari kay Andrei. If I am on his position, I know I would feel the same way too. I stop chatting for a while and stares at the ceiling of my room. Why do I feel like I want to fix his broken heart? Nagkakagusto na ba ko sa kanya? Duhh. Para wala pa ngang isang araw kame magkausap. Anong kalokohan yun, Hayley?

Andrei: Let's hangout sometimes when you're free. Would that be fine?

Huh? Hangout agad? Luhh? I chuckles and send him a message as well.

Me: Uhm, why? Hindi naman ako maganda and nahihiya kase ako. Baka di ka naman mag-enjoy kasama ako.
Andrei: Hahaha, silly. Who told you you're not beautiful? Why would I heart you in the first place? That's why we're match now :)

Eh? I smiled widely to his reply. Grabe, ang bolero naman nito. Nasa isip rin siguro neto na bet ko siya, kase syempre nag heart din ako sa kanya. Luhh! Nakakahiya! Teka lulusutan ko to. Hahaha.

Me: Ano malay ko ba, mamaya napindot mo lang eh haha.
Andrei: Nope, you're cute. So I click heart :)

Shems! Bolero talaga neto, hahaha ano ba yan. Sige na nga enebe peyeg ne ke hahaha

Me: San naman tayo pupunta non if ever?
Andrei: Uhm, anywhere you like.
Me: Hmm, how about MOA? Gusto ko sana sumakay sa ferris wheel eh :)
Andrei: Yep, sure. Sa MOA tayo.
Me: Pero kase, di talaga ko maganda at masaya kasama. Baka ma disappoint ka.

Eto na naman ako sa anxiety ko hays, hirap maging panget. Ikaw ba naman kase, half Australian yung makakasama mo. I mean, oo Pilipino rin siya. Pero based on the pictures kase mas nananalaytay yung dugong banyaga sa kanya. Sky Blue eyes, wavy blonde hair, pointed nose and pinkish lips. Hays..

Andrei: Nope, you're pretty. And I know mag-eenjoy tayo ;)

That was his last message to me bago ako nakatulog, sobrang antok ko. Ni hindi na nga ko nakapag dinner sa sobrang antok ko. Kinabukasan, lumuwas na rin agad ako pa Manila. Ngayon kase kami magkikita ni Andrei.

Ewan ko ba, excited ako at the same time kinakabahan ako. Hahaha. Exactly 12:00 PM nasa QC na ko since di pa ko naglunch. Dumaan muna ko sa McDo. Nag-order ng favorite kong Chicken Fillet Ala King hihihi.

After that umuwi na ko, nilakad ko nalang since walking distance lang naman to mula sa apartment namin ni Louie. Bukas pa daw siya uuwi dito kaya wala pa siya, anyways. Nagpahinga lang muna ako sandali.

Kinakabahan talaga ko, baka mamaya mapangitan si Andrei sakin bigla nalang akong iwan. Hays hahaha. Overthink pa Hayley, ne?

Anyways, naligo na ko kase dapat 3:00 PM nakaalis na ko. Sobrang traffic ba naman sa Manila kahit malapit lang parang malayo na rin sa sobrang traffic eh. 5:00 PM pa naman yung usapan namin ni Andrei. Plano ko talaga ako yung mauna dun, ayoko paghintayin siya dun no.

Naligo na ko na medyo matagal, matagal kase talaga ko maligo. Hahaha. After that nagbihis na ko. Nagsuot nalang ako ng maroon top na off shoulder, tapos denim skirt na hindi naman masyadong maiksi at masikip. Yung saktong komportable naman ako. Then pinartner ko sa cream sandals ko.

After that, nagkilay lang ako ng konti, blush on saka liptint. Usual get up lang, di kase ako sanay maglagay ng kung anu-anong kolorete sa mukha. Pinlantsa ko lang yung buhok ko kase trip ko. Hahaha!

Then I carried my black sling bag. Laman lang yung mga essentials ko. Then umalis na ko. Nilock ko yung apartment namen tapos nilakad ko na yung bus stop. Malapit lang naman kaya keri lang kahit mainit. Tamang antay na ko ng bus dito pa Pasay. SM Mall of Asia.

Ilang minuto rin akong naghintay, maya maya may dumaan na rin sa bus sa wakas. Umupo ako sa tabi ng bintana, my favorite spot. Maluwag pa nga yung bus eh. Sabagay hindi pa naman kasi rush hour.

Parang kinakabahan ako na excited na ewan na masaya. Ewan, oo alam ko kakakilala lang namin. Tapos sa tantan pa. Pero alam niyo yung feeling na parang matagal na kame magkakilala? Ganon yung naf-feel ko eh.

Maya-maya lang nakarating na rin ako sa MOA. Dun muna ko nag-antay malapit sa may ferris wheel kase dun yung usapan namin na magkita kame eh.

Chinat ko muna si Andrei. Friends na rin kame sa FB eh. Hehehe. Ang daming tao, sana makita niya agad ako hays. Hahaha. Ayun.

Active now

Me: Andrei nandito na ko, san ka na?
Andrei: Hey, on my way there. What's the color of your shirt?
Me: I see. Naka maroon ako. Hintayin nalang kita dito ah.
Andrei: Yup. Can't wait to see you! ;)

Napangiti naman ako sa chat niya na yun. Okay, kinikilig. Hahaha. Iba talaga mga banatan ni Andrei eh no. Ganon ba talaga siya ka sweet? Aww. Mas lalo tuloy akong na excite makita at makasama siya. Sa tingin ko gentleman siyang tipo ng lalaki. Hay Andrei..

---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Steamy NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon