Pagdating namin sa field ay sumalubong sa amin ang dalawang babae at tatlong lalaking iba ang mga awra,Tumaas ang balahibo ko ng tumingin sa akin ang isang babaeAng limang yun ay nakacloak na kulay black habang nasa harapan ng limang tao ang daan-daan na estudyante,guro at mga nagtataasang opisyal ng Dwinaga Academy
Pinagmasdan ko ang field.Madaming mga estudyanteng powerful at legendary ang nakahiga sa sahig.Duguan ang mga ito kaya medyo sumikip ang dibdib ko alam kong ang limang tao na yun ang gumawa sa mga nakahandusay na estudyante
Agad akong tumakbo papunta sa field at sumingit pa ako saba'y nakita ko si Sir.Tomi na pinipigilan si Sir.Sato na sugurin ang limang tao
"Look she's here"Sabi nung lalaking nakacloak at tinignan nya ako.Medyo di ko nakita ang mukha nya pero kitang-kita ko ang mga pure black na kulay ng mata nito
Nasa gilid ako ni Sir.Sato habang nasa likuran at gilid ko naman ang iba pang miyembro ng Team Chae except kay Kozuto at Kozuti
Kitang-kita ko kung paano unti-unting nagiging black ang mukha nya na galing sa itim na ilong neto.Masama ang titig neto sa limang lalaki at nakakagat labi na lamang ito
"UMALIS NA KAYO DITO!"Nakakarinding sigaw ni Sir.Tomi sa mga limang tao na nasa harapan nila.Mga halos limang hakbang ang pagitan nilang dalawa
Inalis ng nasa gilid ng lalaking nagsabing 'look she's here' at inalis nya ang cloak.Kitang-kita ko ang pure na itim na kulay nya na halos pati iris at pupils nya ay kulay black rin,same lang sila nung lalaking nagsabi ng 'look she's here'
"Lander at your service Ms"narinig ko ang boses nya sa isip ko at alam kong sya yun dahil nung tumingin ako sa kanya ay kinindatan nya ako
"HINDING-HINDI NYO MAKUKUHA SA AMIN ANG ANAK NG PANGINOONG FAURGUSS!!"Rinig ko ang sigaw ni Sir.Tomi na halos abot na yata hanggang Ordinary World jusko
"We are the Master of Secret Tribo.And no one can distract us!"Sabi nung lalaking nagsabi kanina ng 'look she's here'.
"Tignan mo nga naman oh.Ang babaeng nagtraydor sa Dwinaga Academy,tapos tignan mo rin ang isang babaeng ang dating miyembro ng Undiscovered Tribo
At look!Ang dalawang lalaking nangmamalimos lang sa Dwinaga Academy at hahahaha!Ang isa sa tatlong anak ng pinuno ng Secret Tribo"
Halos lahat kami napatingin sa matandang babae na nagsalita.Kulot-kulot ang buhok neto saba'y nakapanglalaking gupit pa ito
Tinapon nya ang sigarilyo nya at inapakan iyon 'tibay ni lola ang tanda-tanda na nagyoyosi pa rin'.
Naglakad sya palapit sa amin at halos kami ay napatigil sa kakatitig sa limang tao na 'to.Halos ang limang tao rin ay napunta ang tingin sa matandang babae
"Fuyu nga pala ijo"Saba'y lahad ng kamay nya sa tapat nung nagsalitang 'look she's here'.Tinabig lang yung nung lalaki at inalis ang hood nya saba'y matalim na tinignan ang matandang babae
"Ay oo nga pala ijo!Ikaw pala si Hitoshi!Yung lalaking pinaplano kong patayin!"Halos mapunit na ang labi ni Lola Fuyu dahil sa ngiti nito.Nagpipigil ng galit si Hitoshi at matalim na tinignan si Lola Fuyu
"Babalik kami!Mga Secret Tribo!Tara na!"Sabi ni Hitoshi saba'y tumalon na at lumipad kasama ang apat na tao
***
<Monday>
Isang araw na ang nakalipas ng makilala namin si Lola Fuyu,Bigla na lang syang nawala ng parang bigla
Ang mga teacher at ang nagtataasang opisyal lang ang nakakakilala ng tunay na pagkatao ni Lola Fuyu
Magaling na rin si Alicion at nalaman namin na hearing pala ang kanyang special power kaya narinig nya ang pinaguusapan namin kahit tulog sya
At about naman kay Kobu ay medyo bumalik na sya sa pagiging childish.Hinihintay namin ang teacher namin sa History Subject at late na sya ng mga 10minutes
Katabi ko si Kobu habang nasa gilid ko ang bintana.Ang katabi naman ni Kobu ay si Con,"Goodmorning"Napatayo kaming lahat at bumati pabalik.
Andito na pala si Ma'am.Hayashida,umupo na kami pagkatapos namin bumati pabalik
"And our lesson for today is about 'God and Goddesses'.Sino nga ba ang God and Goddesses?At sino rin ba ang nagiisang pinakamalakas na diyos na sinasamba ng God and Goddesses?"Umayos kami ng upo dahil kung ano-anong puwesto ng pagkaupo namin."May dalawang Goddess tayo at may tatlong diyos naman tayo"
"Ang unang Goddess ay si 'Alvika'.Ang kulay ng singsing neto ay kulay White,Sya ang pinakamahinhin sa lahat at lahat ng mga kasalanan mo ay pinapalampas nya.Meron din syang kakambal na Goddess din,ito ang pangalawang Goddess na si 'Palv'.Si Palv naman ay maingay.Ang kulay ng singsing neto ay kulay Purple,si Palv ang pinakaiyakin sa lahat
Habang ang isang god naman na kasintahan ni Palv ay walang iba kundi si 'Al'.Si Al ang pinakamatapang sa lahat,lahat gagawin para protektahan ang taong mahalaga sa kanya,Ang kulay ng singsing neto ay walang iba kundi ay kulay green.
Ang pinsan naman ni Al na si 'Takeo' ang sumunod na god.Sya ang taong pinakaseryoso at misteryoso sa lahat,walang kibo pero alam nya ang gagawin at alam nya rin ang masamang tao at mabuting tao.Ang kulay ng singsing neto ay kulay Red.
Habang ang nagiisang kaibigan ni Takeo na si 'Raiden' ang pinakahuling god.Masayahin sya at matulungin,May pagkunting pagkamisteryoso rin.Ang kulay ng singsing neto ay kulay Blue"Ang cool,Halos konektado pala ang mga God and Goddesses sa isa't-isa.Which means is hindi ka magiging God or Goddesses kapag wala kang kamag-anak na God or Goddesses
"At ang pinakamalakas na god na sinasamba ng mga God and Goddesses ay walang iba kundi si 'Lord Faurguss'.Sya ang pinakamalakas sa buong fantasy world,Pinili nya lang ang mga God and Goddesses at kailangan ay busilak ang puso mo"
Kring kring kring
"Okay goodbye class"Tumayo naman kami at bumati pabalik.May free time nanaman kami yehey gutom na ako!Umalis na si Ma'am Hayashida kaya lumabas na rin kami
Pumunta na akong canteen at umurdor ng 35pesos na french fries at c2.Umupo ako sa bakanteng upuan saba'y sinimulan ang pag-kain
BINABASA MO ANG
The Secret(Book 1 of part2)
FantasyKindly read muna natin ang "Dwinaga Academy" before reading this **************************************** BookCover Credits by: -surreality Date published: 9/2/18 Date finished:9/12/18