~• Stella's POV •~
*kriiiiingg!! Kriiiiingg!!*
At sa wakas recess na makakakain narin ako.
Niligpit ko muna yung mga gamit ko at lumabas na papuntang cafeteria, kabisado ko na kasi lahat mga buildings dito.
Habang papunta na ako sa cafeteria, aksidenteng may nakabangga sa akin at pag tinggin ko, si Tricia pala. Tss.
"ano ba!? Tuminggin ka nga sa dinadaanan mo!" Tapos tiningnan niya ako ng masama
"Sorry" paumanhin ko sa kanya kahit na hindi ko naman kasalanan
"Alam mo ang tanga mo, hindi ka nababagay dito! Tingnan mo nga yung outfit mo, mukha kang manang! Walang ka fashion fashion! Eew!"
Makapagsalita naman to wagas, ako pa ang tanga at hindi raw ako bagay dito. Bakit? Siya lang ang pwede dito? Magaganda lang ang pwede dito? Hampas ko sayo tong bag ko sa mukha mong puputok sa kolorete ehh. Haaay nakuuuuu
"Bakit? Ikaw lang ang pwede dito? Kapal mo no, hindi sayo tung school" ganti ko. Oha! Kahit ganito lang ako may pagka maldita din naman ako. Lumalaban ako kapag nalagpasan na niya ang anger meter ko
"What?! Wala kang karapatan pagsabihan ako ng ganyan!!" At aakmang sasampalin niya ako, pumikit ako at hinintay na may dumapo sa mukha ko yung kamay niya kaso wala naman. Kaya umaangat ako ng tingin....
At dun, nakita ko si Adrian na nakatalikod sa akin na ngayon ay hawak na ang wrist ni Tricia. AAAHHHHH!! Adrian kaya mo yan! Go go go!
"Kung wala kang gawing matino, lumayas ka sa harapan ko at wag na wag mong aawayin si Stella kundi ako ang makakalaban mo" banta niya kay Tricia. Natakot naman siya kaya nagmamadaling umalis siya kasama ang mga alipin niya. Psh duwag!
Humarap sa akin si Adrian at ngumiti. Argh! Wag mo akong ngi-ngitian! Nakakatunaw
"Uhh. Salamat sa pagtanggol sa akin kay Tricia" nakangiting sabi ko sa kanya
"Wala yun, palagi ka ba niya ina-away?" Tanong niya
"Hindi naman. Actually ikalawa pa lang ngayon" sabi ko sa kanya
"Ahh, sabihin mo saakin kung inaaway ka na naman niya ha?" Sabi niya
"Naku! Wag na, kaya ko naman ang sarili ko" nahihiyang sabi ko sakanya
"Sus, ano pa't friends tayo diba?" Sabi niya. Nagulat ako dun pero hindi ko pinahalata
"Ahh, sige salamat, hindi kaya nakakahiya?" Tanong ko
"Ba't kanaman nahihiya? Wala yun sa akin" sabi niya. Sige kung mapilit siya
Habang naglalakad kami papuntang cafeteria nag uusap din kami
"Ilan kayong magkakapatid?" Tanong niya
"Dalawa lang kami. Yung isa lalake grade 2, si Tristan Kenneth" sabi ko
"Ahh, so sky blue din yung mata niya?"
"Hindi, bale ako lang yung namanahan ng Lola ko. Si mama at papa hindi din" paliwanag ko
"Ahh, okay" hindi nagtagal nandito na kami sa cafeteria
"Ako na lang mago-order , my treat. Ikaw nalang maghanap ng mauupuan natin" sabi niya
"Okay sige" sabi ko, sinong hindi aayaw? Libre to guys! LIBRE hahaha
Nakahanap naako ng table at hinintay nalang si Adrian. Habang hinihintay ko siya may kumalabit sa akin kaya nilingon ko....
YOU ARE READING
Campus nerd turns to a Campus Princess
Novela JuvenilStory about family, friends, school, and love You know guys, alam niyo yung masakit. You keep judging people even though you don't know them. Porket nerd ako malandi na? Pwes nagkakamali kayo. Ibahin niyo ako If your curious about my story. Well, r...