D A T I

34 2 2
                                    

ELENA P.O.V

Lahat ng relasyon Sa una lang maayos, Sa una ka lang naeexcite, Sa una ka lang may tiwala, Sa una ka lang masaya...

"Len, Punta ako jan ngayon" Sabi sa telepono ng apat na taon ko ng kasintahan? na si Joshua.

"Okay sige" sagot ko sa kanya, at agad na binaba ang tawag. Dati kapag sinasabi niya sakin yan, Naeexcite ako kumbaga parang nabubuhay lahat ng ugat ko sa katawan ko, kasi diba sinong di matutuwa pag nalaman mong bibisitahin ka ng nobyo mo. Dati ganun ako, Dati ganun kami. Hanggang Dati nalang ata talaga.

Sa apat na taon naming magkasama, andami na naming pinagdaanan. Nandyan yung di nagkakaunawaan, Nagseselosan at Nagsasakitan. Pero dati naaayos namin yun, Kaya pang ayusin ngunit lahat nga ay nagbabago at sa una lang maayos.

---

Nandito na kami ngayon sa sala, nanonood ng paborito naming pelikula. Nung panahong nililigawan niya palang ako itong pelikula nato ang una naming pinanood na magkasama, Kaya di nako nagtaka na ngayong ika-apat naming anibersaryo ay ito ang napili naming panoorin.

Habang nanonood kami, Nakahawak lang siya sa kamay ko. Dati kapag hawak niya ko ramdam ko yung init ng pagmamahal niya ngayon init nalang ng palad niya dahil siguro sa tagal niya ng hawak ang kamay ko. Maya't maya ko nararamdaman ang bahagyang pag diin ng kamay niya sa kamay ko na para bang ayaw niya itong pakawalan. Kung tutuusin ayoko ng ganito, ayoko na ng sobra niyang nilalapit ang loob niya sakin. Ilang beses ko nadin tinangkang hubarin ang singsing na bigay niya sakin noong i-katlo naming anibersaryo. Ilang beses ko na kasi itong binigay ulit sa kaniya tuwing magkikita kami pero pilit niyang binabalik, Kaya ko namang tanggihan kaso ayoko ng tinitignan niya ako na parang ako ang may kasalanan ng lahat, na parang ako ang may ginawa kaya hindi na kami pwedeng bumalik sa Dati...

"Len, anong gusto mong kainin?" Mahinang tanong niya sa akin habang inaayos ko ang ginamit namin sa panonood.

"Gabi na joshua, Hindi naman ako gutom at pagod narin kasi ako. Makakauwi kana" walang gana kong sagot sa kaniya. Ayoko ng nandito pa siya dahil hangga't nandito siya, nadadagdagan lang ang sakit.

"Please len, hayaan mo naman ako na magpakaboyfriend sayo kahit ngayon lang" sagot niya sa mahinang boses.

"Simula nung ginawa mo yun, di na boyfriend ang tingin ko sayo. Kaya please lang wag moko dramahan ngayon, gusto ko na magpahinga" Sagot ko at tumalikod na sa kaniya. paakyat nako ng hagdan ng hinawakan niya ko sa braso.

"Len ano pabang gusto mong gawin ko?" Naiinis na siya halata sa himig niya.

"Ibalik mo sa sinapupunan yung batang ginawa nyo ng babae mo. Baka sakaling masalba pa natin tong walang kwentang relasyon nato." naluluha nako, sabi ko pa naman sa sarili ko na hinding hindi na ulit ako iiyak sa tapat ng lalaking to pero lagi nalang ako nabibigo. Hinawakan niya ko sa kamay at akmang yayakapin.

"Len, Alam mong di ko na magagawa yan"

"Oh alam mo naman pala eh, so wala naring pag asang maging maayos pa tayo! Bakit ba kasi ayaw mo pakong pakawalan at pakasalan mo na yung babae mo. Isipin mo naman yung anak mo josh! Bigyan mo siya ng kumpletong pamilya." Nagpipigil luhang sabi ko at tuluyan ng umakyat. Atlis ngayon di ako nabigo di ako umiyak sa harapan niya.

---

Kinabukasan, Ang sakit nanaman ng mata ko. Magdamag nanaman akong umiyak, Hanggang ngayon di ko parin matanggap. Tuwing nakikita ko si Joshua bumabalik lang lahat ng sakit. kahit alam niya yun pilit niya paring sinisiksik yung sarili niya sakin, Palibhasa alam niyang mahal ko parin siya pero hindi na sapat yung pagmamahal para maayos yung relasyon naming matagal ng inubos ng apoy. Apoy na sinindihan niya sa piling ng babae niya, na ina na ng anak niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi Lang Ikaw. (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon