CHAPTER 2

17 4 7
                                    

♡When I Met Him/Her♡

___________________________

Krystal's POV

"Wait! Ikaw!? "
Sabi sa akin ni Tyrone na ipinagtaka ko.

"Kilala mo siya Tyrone? "
Tanong ni sir Ken sa kanya.

"I guess... "
Sabi nito habang nakatitig sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Anyway Ms. Krystal Gomez, our president will decide of what's your punishment. So just listen to him, he's handsome, so I know you'll do.okay?"
Sabi ni sir Ken na nakangisi sa akin at tuluyan ng umalis.

Napansin ko namang nakatitig sa akin ng masama ang secretary nila.

"Dapat mahirap ang parusa niyan, lalo na't ARMY siya. ARMY'S are one of our biggest enemies."
Sabi ng secretary na si Kitty Dumaguit ng makita niya ang I.D lace ko na BTS kaya inisnaban ko siya. Siguradong Arianator itong babaeng ito. Halata naman sa pormahan niya.

"So ikaw nga! Ikaw nga si Coward Kpop fangirl! "
Sabi sa akin ni Tyrone.

"Ahh! Ikaw nga! Ikaw si Asu- hmmmm. "
Sasabihin ko na sana ang pangalan niya sa FB pero tinakpan niya ang bibig ko.

"Shhh! Tumahimik ka nga. Ikaw pa lang ang nakakaalam nun! "
Bulong niya sa akin.

"What are you whispering Tyrone darling? "
Tanong ni Kitty kay Tyrone.

Yucks! Darling daw?  Pwe!

Binigyan naman siya ng 'WEH!? ' na tingin ng iba pa dito ganun na rin si Tyrone.

HAHAHA! Sabi na assuming lang ang talandi!

"Haist! Tara nga sa office ni Sir."
Inis na sabi ni Tyrone at hinigit niya ako papunta sa office ni sir Ken pero wala ito dito.

"Hey! Wait for me-"
Sigaw ni Kitty habang humahabol sa amin ngunit pinigilan siya ng ibang officers.

"Kitty marami ka pang gagawin. Dito ka na lang. "
Sabi ng mga ito kay Kitty kaya hindi na ito nakasunod sa amin.

"Gusto kong makasiguro kung ikaw nga siya. Para naman alam ko kung gaano kahirap ang ipagagawa ko sa iyo."
Sabi nito na ikinakunot ng noo ko. Hinawakan niya ang cp niya at kita kong binuksan niya dito ang FB app at maya-maya ay itinapat niya ang cellphone sa akin na para bang tinitingnan niya ang mukha ko sa FB at sa personal, ngumiti naman ako gaya ng lagi kong ginagawa kapag magseselfie at ia-upload sa FB.

"Ahh ikaw nga. Ang cute mo pala sa personal."
Mahina niyang sabi..

Kyahhh! Cute ko daw! Maingget kayo please!

"Anong sabi mo? "
Nakangiti kong sabi kahit napakinggan ko naman ng malinaw ang sinabi niya.

"Sabi ko, ikaw nga. Akala ko kasi poser ka lang."
Seryosong sabi nito sa akin.

Love Grown At A Fanwar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon