Hindi lahat ng lalake..
Babaero
Adik sa computer games
Manhid
Di makuntento sa isang babae
Manloloko
Bolero
May bisyo
Manyak
Laging nagpapaiyak ng babae
Pero paano naman para dun sa mga lalaking seryoso magmahal?
Pati ba kami madadamay sa ugali ng ibang lalaki?
Actually nagmahal na kasi ako na alam kong sobrang seryoso na.
Yung tipong All-in na ko, lahat ibibigay na talaga para sa kanya.
yung tipong kahit nasaan ka man, pilit kitang hahanapin at pupuntahan.
Kasi alam kong mahirap mabuo ang araw na ni isang sulyap man lang niya, di mo makikita.
Ako yung tipong, alam ko kung gaano kahalaga ang isang babae.
Kung gaano ko nirerespeto bilang babae
Kung paano ko siya mapapasaya at aalagaan.
Kahit sabihin na nating kaya ko magpa-under sa kanya, handa ako sundin lahat ng utos niya.
"EFFORT"
Isang word na madalas hingiin ng palihim ng isang babae sa isang lalake.
Mukhang mahirap kung iisipin. Sa mga taong seryoso.
Kahit di humihiling ang isang babae, dapat tayong mga lalake. sinusuprise naten sila.
Mas gusto ng isang babae yung mga unexpected.
Kaya pag-eeffort mo, baka mapasagot na yung babaeng gusto mo.
O di kaya, mas lumalim pa ang relasyon nyo.
Pero di talaga mawawala na may masaktan sa isang relasyon.
May umiiyak, nasasaktan, tataas ang pride, di magpapansinan.
Titigan ko lang pictures niya, okay na ako.
Masasabi ko ding...
"Napakaswerte ko pala.. kasi GIRLFRIEND ko na siya.. :)"
BINABASA MO ANG
It's Started with a Poser
Teen FictionHi friends! Got my senses back to work on this! eto talaga pursigido na ko ipagpatuloy to. Sana magustuhan nyo yung story kasi para saken, ito yung isang way para maishare ko yung thoughts ko. Experiences, feelings and imaginations yung puhunan ko p...