Part:24

172 7 0
                                    

*Blaze POV*

Inaabaangan ko pa rin ang sasabihin ng doktor sa amin kung anong kalagayan ni gaby , kahit na ayokong makarinig ng bad news

" Maraming nawalang dugo sa kanya at masyadong malalim ang mga balang tumama sa pasyente kaya nahirapan kaming tangalin ito .. And sad to say to tell you Mister Machine na lang ang bumubuhay sa kanya at kung magising man sya , isa na yung himala " Sabi ng docktor kaya napa upo ako sa sahig dahil nanlalambot ang mga tuhod ko dahil sa narinig ko

Nakita ko din ang daddy nya na naka yuko at patuloy na hinihilamos ang muka nya gamit ang mga kamay at halatang nasasaktan sya dahil kay gaby

" N-No " mahinang usal ng daddy ni gaby kaya napa iyak na din ako ... Hindi pa sya pwedeng mawala sa amin , kailangan pa sya ng gang nya , Nang daddy nya nila sarra , Kailangan ko pa sya at mas gugustuhin ko na alang ding sumod sa kanya kung mawawala sya sa mundong ito

Dahil magiging miserable ang buhay ko at saan pa ako huhugot ng lakas kung yung mismong mahal ko iniwan na ako .. Para saan pa tung buhay ko kung wala na sya ?

" Tito wag po tayong mawalan ng pag asa , Gagaling po sya mag tiwala tayo"  Pag papalakas ko sa loob ni tito kaya napa tingin sya sa akin at ngumite ng mapakla .. Nakikita ko sa mga mata nya ang sakit

Please gaby .. Kailangan kapa namin

***
Naiwan ako dito sa hospital at binabantayan si gaby , Gusto mang bantayan ni tito benjie si gaby hindi nya magawa dahil kailangan sya ng kompanya nila

I saw her angellic face , Napaka amo ng muka nya na wala kang makikitang parte na pagiging gangster nya

Ano nga bang nag tulak sayo para pumasok sa pagiging gangster ? Pano mo ba nasisikmurang pumatay ng tao ? Pano na lang kung sarili mong buhay ang kapalit ng ito ?

Gaby pinapahirapan mo ako !

Bvvt! Bvvt !

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito .. Unregistered number pero natatandaan kong number pero nakalimutan ko kung kailan ko to huling nakita

" Hello?" tanong ko sa kabilang linya

"Hey ! blaze ! Where are you ?" Nag pintig panga ako ng marinig ang boses na yun

Ara

" Why do you care ?" Walang emosyong tanong ko

" Your so harsh babe huh " Sabi nya kaya parang dumaloy ang dugo ko papuntang ulo ko

" Shut up ! Ano bang kailangan mo ?"Tanong ko dahil iritang irita na ako sa kanya

Hindi nya ba talaga nararamdaman na ayoko na sa kanya ! Na ayoko na syang makita ! na ayoko ng mag ka salubong ulit ang landas namin ! Na ayoko ng maramdaman ang present nya dahil tapos na kung anong meron kami !

" Ikaw ! Ikaw lang naman kailangan ko blaze eh ! Im still inlove with you !" Sabi nya kaya nag init na talaga ang dugo ko

" You still inlove with me huh ? Naririnig mo ba sinasabi mo ara ?! Sorry  im inlove too but not you " Sabi ko kaya napatawa sya na parang baliw

" Kanino ? kay gaby ? Blaze hindi ka nya mapapaligaya , Ako kayang kaya kung gawin sayo ang pangangailangan mo" Malandi nyang sabi kaya nag dilim na ang aura ko at hinig pitan ang hawak sa cellphone ko

" Hindi ko kailangan ang katawan mo ara ! Sa tingin mo ba magugustuhan kita dahil jan ? Nag kakamali ka ! kung nakukuha mo ang ibang lalaki sa paganyan ganyan mo pwes Hindi ako !" Sabi ko sabay end call at sinadya ko ring patayin na lang ang phone ko para hindi na muli syang mmaktawag

Ilang minuto pa pumasok ang doktor para e check ang kalagayan ni gaby , Tumingin sya sa akin nang malungkot

" your the fiance right ?" tanong nya kaya napatango ako

"Humihina na ang katawan nya , At kailangan nang maagapan ang lahat ng parte na , Na damage dahil sa mga bala na tumama sa mga ito , Dahil kung mag tatagal na ganito pa ang kalagayan nya maaari syang mamatay " Sa ng doktor kaya napakuyom nanaman ang mga kamao ko

Kailangan ko gumawa ng paraan , Ayokong tumunganga na lang dito habang yung babaeng mahal ko nag hihirap

Lumabas muna ako para maka pag isip isip , Dumating na din kasi sila sarra at rance at sila ang nag bantay kay gaby sa hospital

Nag lalakad ako papuntang dorm ng may yumakap sa akin ng back hug kaya napatingin ako sa gumawa non
at hindi nga ako ng kamali si ara nanaman

" please bumalik kana sa akin" sabi nya kaya naitulak ko sya ng hindi sinasadya

" Ano ba ara ! Hindi na kita mahal at si gaby na ang mahal ko ! Mahirap bang intindihin yun ?!" Galit kung bulyaw

" Alam kung delikado ngayon ang buhay ni gaby .. Handa ko syang tulungan , Basta bumalik ka lang " Sabi nya kaya napa atras ako

Handa nyang tulungan si gaby ? Pero ang kapalit eh ako ?

" Please blaze tutulongan ko syang gumaling basta bumalik ka lang " Biglang nakita ko sa isip ko ang kalagayan ni gaby na nag hihirap at dahil dun naiiyak ako

Hindi kayang mawala sya .. Siguro kahit ayoko mang gawin to .. Gagawin ko para kay gaby

Sana mapatawad nya ako

" Sigurado ka bang matutulungan mo sya ?" Walang emosyon kung sabi at tumango na lang sya

" Ang daddy ko ang pinaka magaling na dortor sa U.S. At handa akong ipagamot sa kanya si gaby para gumaling na sya , Kaya please bummalik kana sa akin "Nag mamakaawa nyang sabi kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang pumayag sa gusto nya

Sana mapatawad nya ako

*Gaby POV*

Nasan ba ako ? Bakit puro puti ? Patay na ba ako ?

Noooooooooooooo!

Hindi pwede ! maraming nangangailangan pa sa akin ! Sh*t pano ako makakalabas dito ?

" Anak" May narinig akong malambing na boses sa likod ko kaya napaharap ako

.May nakita akong babae sa hindi kalayuan at hindi ko masyadong maninag ang muka nya kaya lumapit ako sa kanya , At hindi nga ako nag kamali

Ang mommy ko

Napayakap ako sa kanya at may tumulong luha sa mga mata ko

"M-mommy" Nauutal kung sabi

"Oh anak bakit ka umiiyak? Hindi kaba masaya na kasama mo na si mammy ?" malambing nyang sabi at naramdaman ko namang hinahaplos nya ang buhok ko

" Hindi mo lang alam mommy kung gaano ako kasaya dahil nakita na kita , Halos wala na ngang mapag lagyan ang saya ko" sabi ko at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya

" Ang laki mona , Anak kailangan mong lumaban para sa kanila , Kailangan mo pang mabuhay kailangan ka pa ng daddy mo " napatingin ako sa kanya at naka ngite sya sa akin

"Marami ka pang pag subok na haharapin anak at alam kung kakayanin mo itong lagpasan , Basta isipin mo lang ako ,kami ng daddy mo mahal na mahal ka namin" sabi nya kaya may pumatak nanaman na luha sa mga mata ko

"Kakayanin ko po para sa inyo mommy , Lalaban po ako " sabi ko at nakita ko namang nag lalaho na sya at napa ngite ako dahil nakita ko na din ang mommy ko

"Anak finally ligtas kana"

"Bessy gising kana ! Ililibre mo pa ako ng ice ream"

"Gaby gising na "

-----------
Continue?

The Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon