*Rance POV*Kasalukuyang tulog ngayon si gaby at papunta na kami sa laboratoryo ni dad para sa operation na gagawin
"Ijo tama naman tong gagawin natin diba ?" Biglang sabi ni tito benjie kaya napalingon ako sa kanya
" Oo naman po tito ... Hindi nya diserve masaktan tito , Bakit ba kasi kay blaze pa sya napunta eh " sabi ko at kumuyom nanaman ang mga kamao ko ng mag flassback lahat ng sinabi nya sa akin
Hinding hindi kona hahayaan na makalapit pa sya kay gaby , Dahil sa oras na marealize nyang mali sya at babalikan nya si gaby wala na syang magagawa dahil hindi na sya maalala ni gaby
Hindi ko namamalayan nandito na pala kami sa harap ng bahay , Binuhat ko si gaby dahil tulog sya , Hirap kaya gisingin nito ..Tulog mantika
Nang mapasok kona sya sa laboratorio ni dad inihiga kona sya sa kama kung saan gaganapin ang operation .. May tinurok na kung ano si dad kay gaby , Hindi ko alam kung ano yun pero may tiwala ako kay dad
"Sigurado na ba kayo ?" Huling tanong ni dad , Nag alangan pang tumango si tito benjie
Kinalikot ni dad ang computer at may nilagay din syang mga wire sa ulo ni gaby
(A/N:Hindi ko alam tawag doon eh Haha)
At kung ano ano pang kinalikot nya sa isa pang computer ,Nakita kong may pinindot si dad at umilaw ang nasa gilid na mga monitor kung saan pwedeng ilagay ang mga memory mo at hindi basta basta mawawala
Ang pag kakasabi din ni dad pwede nyang ibalik ang alala ni gaby kung kinakailangan ng ibalik
Pero para sa akin ayoko ng ibalik ang nakaraan nya dahil alam kung mahihirapan naman sya dahil sa sitwasyon nya
at hindi ko napapansin namatay na ang mga ilaw at tinanggal na din ni dad ang suot nyang mask
" Okay na sya , Hihintayin lang natin na magising sya , Dahil tatlo o limang araw bago magising ang pasyente " sabi nya kaya napa ngite ako , Hindi mo na kailangang maghirap gaby ... Wala na sya sa isip mo nabura na lahat at masaya ako para doon
*Blaze POV*
Isang buwan na akong nag titiis na kasama si ara , at oo kalat na din sa buong campus na kami na
Sa harap ng maraming tao nag papaka sweet ako pero pag kami lang dalawa cold ako sa kanya
Hindi ko maimagine na sya makakasama ko eh
Isang buwan nadin ng malaman kung okay na si gaby at isang buwan ng nakalipas ng saktan ko sya
Miss na miss kona sya ...Bakit hindi parin sya pumapasok ?
"Diba si gaby yan ?"
"Ang ganda na nya talaga noh "
" Ang cool nya "
" Na love at first sight ata ako pre"
Napatingin ako sa mga nag bubulungan at nakita kung kumpulan sila
Napatingin ako sa pinag kakaguluhan nila and i saw her! kasam nya sila rance , sarra and ----- mattew ?
Bakit parang nag iba aura ni gaby ? Hindi sya yung gaby na nakilala ko , Kailan pa sya natutong mag suot ng croptop at hight wasted na jeans ?
Yeah aaminin ko ang ganda at sexy nya ngayon pero badgirl na badgirl ang dating nya ..
Gumilid naman ang ibang estudyante para makadaan silang apat at papunta sa gawi namin
Naglakad lang sila ng diretsyo tumingin sa akin si sarra ,rance at mattew na naka ngise pero para kay gaby para lang kaming hangin
Ni hindi nya nga kami tinignan kanina
Ibang iba na ang gaby na kilala koDumiretsyo si lang maglakad papunta sa classroom ,naramdaman ko namang humigpit ang hawak ni ara sa akin
"Get your hands off" cold kung sabi at dumiretsyo sa loob ng classroom
Nakita ko syang nakaupo sa tabi ni mattew malapit sa bintana hindi na kagaya noon na mag katabi kami
Naiintindihan ko naman sya eh
"Good morning class" Sabi ng bagong dating na prof namin
"Good Morning Prof" Sabi naming lahat
"Before we start , Gusto ko lang makausap si ms.Montecillo " napatingin naman kaming lahat kay gaby na walang emosyong naka tingin kay prof
." What is it ?" Cold nyang tanong
" Ang balita ko na ospital ka daw , okay kana ba ?" tanong ni prof
"Yeah ! " sabi nya sabay tingin si bintana
"Good to know ms.Montecillo" sabi ni prof at nag simulang mag disscuss ...
Hindi ko maiwasang hindi mapalingon kay gaby dahil talagang malaki ang ipinag bago nya
"Okay class dissmiss" sabi ni prof
Buong subject namin wala akong naintindihan kahit isa sa mga lesson namin ... Hindi ako makapag isip
Nandito ako ngayon sa field at pinapanood ang mga estudyanteng masayang nag kukulitan
At nahagip ng mga mata ko ang grupo ni gaby na masayang nag kukulitan at ganon din si gaby tumatawa na sya at mukang ang kulit kulit nya talaga kumpara sa inasal nya kanina
"Blaze" napalungon ako kay ara na kakarating lang
"Sabay na tayong mag lunch " sabi nya at iniabot pa sa akin ang isang lunch box
Hindi ko yun tinanggap at umalis sa harap nya , Ng dahil sa kanya nasira kami ni gaby ,ng dahil sa kanya nag hihirap ako ngayon
narinig ko pang tinawag nya ako pero hindi ko na lang pinansin at nag patuloy sa pag lalakad patungong rooftop
Gusto kong mag isip isip kung paano ko ipapaliwanag kay gaby ang lahat , Alam kung hindi madaling paniwalaan ang lahat,Pero hindi ko kayang makita syang masaya sa iba
Im scared to see her with someone else ...
Mas mabuti na lang sigurong mamatay na lang ako keysa makita syang masaya sa iba at ipag duldulan na may mahala na sya
Please vote💙
BINABASA MO ANG
The Gangster Queen
RomanceAng isang babaeng Childish ,Makulit , na ganster ay kaya kayang pabaguhin ang isang cold hearted na lalaki?