Prologue
Maraming Sekreto. Hindi lang isa, Hindi lang dalawa. Hindi lang tatlo. Mahirap mabuhay sa mundong puro rebelasyon ang nagaganap. Mahirap maging pusa sa mundong puro lobo ang nakapaligid, Mahirap tumayo sa sarili mga paa at para bang sa mundong ginagalawan mo ikaw na lamang ang tanging walang alam sa nangyayari.
Ako si Winter Ysabelle. Minsan Hades ng Secret Assassins, Minsan Gangster Boss at Minsan pa Boss pa ng lahat ng Mafia Boss. Ang gulo hindi ba? Yan ang tinutukoy kong mundo ko. Magulo. Mapanganib. Pero hanggang kailan ako lalaban? Hanggang saan ang kakayanin ng powers ng isang babaeng 19 years old pa lamang ay sinusuong na ang ganitong klase ng buhay... At hanggang kailan ako matatali sa isang kasal--Isang kasal na kaya ko tinanggap ay para manatiling ligtas ang mga mahal ko.
Sa bawat desisyon na magagawa ko, Sa bawat laban na tatahakin ko. Mababago ko kaya ang mga bagay na magulo? Matatapos kaya nito ang panganib na anino na ng Pangalan ko?