[Edited 2024] Chapter IV - The Wrong Guy

6.5K 296 10
                                    

Ginawang pangsakal ni Jiwon sa lalaking nakadapa ang strap ng kanyang backpack. Wala siyang pakialam kung nasasaktan na ito.

Ang Jiwon Natividad na nangako noon sa sarili na hindi makikisali sa problema ng iba ay naglaho na nang mga oras na iyon. "Nasaan ang bag na ninakaw mo?! Ilabas mo na! Talagang ipinasa mo pa sa kasabwat mo, ha! Hindi ka na nahiya! Ang laki-laki ng katawan mo, nagnanakaw ka pa! Hindi ka na naawa sa matandang ninakawan mo!" bulalas niya.

Halos hindi na makahinga ang lalaki. Tinatapik na nito ang mainit na sementadong bangketa na animo'y isang atleta na suko na sa laban.

Noon lang napagtanto ni Jiwon na sobra na ang pagsakal niya. Niluwagan niya ang kapit sa bag at marahang umalis sa likuran ng lalaki. "Huwag kang tatakas. Tatawag na ako ng pulis." Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng P.E. pants at tinawagan ang pinakamalapit na presinto.

Matangkad ang lalaki kumpara kay Jiwon, kaya't nakayuko itong tumayo upang hindi masyadong masakal sa strap ng backpack na hawak pa rin ng dalaga. Hinihingal ito nang lumapat ang paningin sa dalagang nakahuli sa kanya. Hindi siya makapaniwala na tumatawag talaga ito ng pulis. Sa inis ay mabilis niyang inagaw ang cellphone.

"Cellphone ko 'yan! You thief!" reaksyon ng dalaga. Sinubukan pa nitong abutin ang smartphone ngunit hindi niya kaya sapagkat nakataas ang kamay ng binata na may hawak noon. Pakiramdam niya ay sinusubukan talaga nito ang kanyang pasensya.

Pinutol ng lalaki ang linya, pagkatapos ay basta na lang inihagis ang cellphone pabalik sa nagtatatalon na dalaga.

Muntikan pa iyong hindi masalo ni Jiwon.

Tinanggal rin ng lalaki ang bag sa kanyang leeg. Basta na lang rin iyong inihagis kay Jiwon. Offended sa perceived insult nito sa kanya, galit nitong sinabi, "Hoy, bata! Hindi ako ang magnanakaw! Nakikita mo 'to?" Proud niyang ipinakita ang identification card niya bilang isang police lieutenant. Sa buong buhay niya ay noon lang siya nakatanggap at nakaramdam ng ganoong klaseng insulto.

Namilog ang mga mata ni Jiwon. Hindi siya makapaniwala na napagkamalan niyang snatcher ang isang lawman. Isama pa na maaaring nakasagabal siya sa paghabol nito sa totoong magnanakaw.

"Dahil sa 'yo..." Isang hakbang ng Lieutenant pasulong ay isang hakbang naman ni Jiwon paurong. "Nakatakas ang totoong magnanakaw." Tumigil lang siya sa paghakbang nang makalabas na ng sidewalk ang dalaga at malapit na itong mahagip ng sasakyan na dumadaan. Hinila niya ito pabalik sa bangketa.

Flustered sa nangyari, nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Tama nga ang kanyang Yaya Jing. Hindi dapat siya nakikisawsaw sa problema ng ibang tao. Fifty-fifty ang chance na sa huli ay ikaw pa ang magiging masama sa ginawa mong pagtulong. Tulad ng sitwasyong napasukan niya.

Muli niyang isinuot sa dalawang balikat ang backpack. Isa lang ang nakikita niyang solusyon sa sitwasyon na iyon.

"Anong sasabihin ko ngayon sa lolang nanakawan?" tanong sa kanya ng inis na Lieutenant. "Ang mabuti pa sumama ka sa akin para—"

"'Yung magnanakaw!" biglang sigaw ni Jiwon kasabay ng pagturo sa kabilang kalsada. Sino nga namang mag-aakala na utu-uto ang matangkad at may itsurang police lieutenant? Nang nilingon nito ang direksyon na itinuro niya ay 'tsaka siya nakakuha ng pagkakataon na makatakas.

Pero hindi iyon ganoon kadali. Hindi iyon katulad ng kanyang inaasahan. Bago pa siya makatakbo ay mabilis siyang nahuli nito sa backpack na suot niya.

"Tatakas ka pang bulilit ka, ha!" nakangising saad nito sa kanya.

At nang mga oras na iyon, sakto na natanaw ni Jiwon ang isang kahina-hinalang lalaki. Tumatakbo ito habang palinga-linga. Suot nito ang isang oversized shirt, baggy cargo pants, at hawak ang isang red shoulder bag. Ang lady's bag na iyon ay obvious na hindi parte ng outfit nito. Dahil doon ay na-isip ni Jiwon na may posibilidad na iyon na ang totoong snatcher.

Desperada niyang itinuro ang lalaki, ngunit hindi siya pinaniwalaan ng Lieutenant.

Hindi mahuhulog ng dalawang beses ang binata sa bulok na tactic ng dalaga. Ipinagpatuloy lang nito ang pagkaladkad sa kanya palayo.

Ngunit patuloy pa rin ang pagsigaw ni Jiwon, "That's the thief! Ayun siya! Maniwala ka na sa 'kin this time! I'm telling the truth! He's right there!" At nang mapagtanto niya na hindi na makikinig pa sa kanya ito ay sinubukan niyang makalusot sa strap ng bag. Parang scene sa isang comedy show, nagawa niyang makatakas. Nagtatakbo siya papunta sa direksyon kung saan niya nakita ang magnanakaw.

"Bata!" narinig niyang tawag sa kanya ng Lieutenant, ngunit hindi niya iyon nilingon. Sa isip-isip niya ay tsaka na lang niya aayusin ang gusot na nagawa pagkatapos niyang mahuli ang totoong snatcher.

Ipinagpatuloy niya ang pagtakbo hanggang sa ma-corner niya ang hinahabol sa isang eskinita. Ang eskinitang iyon ay pinagigitnaan ng isang lumang boarding house at isang maliit na kainan.

Nakaramdam siya ng takot nang may inilabas na balisong ang lalaki. Wala iyon sa plano niya. Ang lahat ng ginagawa niya ay wala naman talaga sa plano niya para sa araw na iyon. Ngunit naroon na siya. Wala na iyong urungan. Napagtanto niya na bad move talaga kapag unang pina-iral ang bugso ng damdamin bago ang utak. Pinag-iisipan talaga dapat ang lahat.

Ipinikit na lang niya ang mga mata nang makitang papalusob na sa kanya ang armadong lalaki. Pero imbis na masaktan dahil sa saksak, tumalsik siya na para bang mayroong tumulak sa kanya upang i-iwas siya sa papalapit na patalim. Nang maramdaman niyang naka-upo na siya sa lupa ay 'tsaka niya lang muling iminulat ang mga mata. Noon niya nakita na nakikipaglaban na ang police lieutenant sa may patalim na magnanakaw.

Hindi rin nagtagal ang labanan na iyon. Agad rin na naposasan ang snatcher. At gaya sa mga penikula ay noon lang dumating ang mga uniformed police officers.

Binitbit ni Jiwon ang kanyang backpack at umalis sa eskinita na tila walang nangyari. At habang naglalakad palayo, noon niya lang naramdaman ang hapdi sa kanyang palad. Masakit rin ang kanyang paa, ngunit balewala iyon para sa kanya. Ang mahalaga lang ng mga oras na iyon ay masaya siya na maibabalik na rin sa lola ang bag at pera nito.

Hahabulin sana ng police lieutenant si Jiwon ngunit hindi na nito ipinagpatuloy nang matanaw na hinintuan ito ng isang mamahaling kotse.

"Ang balita sa school, suicide daw ang pagkamatay ni Renz," casual na sabi ni Kit. Iyon ang unang lumabas sa bibig niya nang makasakay sa backseat ng kotse ang magandang dalaga. Sayang nga lang at sa front passenger seat siya naka-upo, magkatabi sana sila sa likod. At nang makita ang confusion sa mukha nito ay ipinakita niya ang group chat ng klase nila kung saan pinag-uusapan ang nangyari kahapon.

Sandaling ini-scan ni Jiwon ang group chat bago huminga nang malalim. Hindi siya sang-ayon sa mga nabasa. "I'm sure there's a truth na hindi pa lumalabas. Something's off sa pagkamatay niya. 'Yung position ng katawan, it was facing the sky and not the ground. Kung suicide nga, bakit siya tumalon nang nakatalikod? Nakataas pa 'yung kanan niyang kamay. Naghesitate ba siya for the last second?" Ang mga tanong na iyon ay nangangailangan ng kasagutan. Mga kasagutan na magpapatahimik sa nagdududang isipan niya.

"Pero suicide na daw ang conclusion ng mga pulis. Ititigil na yata nila ang investigation."

"They can't! It can be an accident or worse..."

Tiningnan ni Kit si Jiwon na parang nagtatanong.

Tuloy ng dalaga, "Homicide."

LOHIKA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon