[Edited 2024] Chapter XI - Kung Ikaw ay Masaya

5.3K 231 15
                                    

Tila ramdam ni Jiwon ang literal na pag-ikot ng mundo. Sa tuwing sinusubukan niyang buksan ang kanyang mga mata, mas kumikirot ang ulo niya dahil sa gumagalaw at malabong paligid. Hindi nagtagal at napagtanto niya na nakasakay siya sa sasakyan at mayroong lalaki sa driver's seat.

Ang lalaking iyon ay nagha-hum sa tono ng isang sikat na tagalog nursery rhyme na Kung Ikaw Ay Masaya. Naging nakakakilabot ang tono noon dahil sa mabagal at mahinang pag-hum.

Dumagdag iyon sa takot ng dalaga hanggang sa muli siyang nawalan ng malay.

***

Ika-lima ng Setyembre, naantala ang klase sa Section Hertz nang dumating ang mga pulis. Limang estudyanteng babae sa section na iyon ang kanilang sadya.

Binakante ang buong library upang gawing temporary interrogation room.

Testimony of Yna Jane Robles:
"Si Jiwon po? Huli ko po siyang nakita kagabi. Magkakasama po kami sa XYZ Club. Nagpaiwan siya sa table, ayaw niya kasing sumayaw. Nu'ng... binalikan namin siya, wala na siya sa table. Nag-worry nga kami, eh. Kaya tinext siya ni Kayla. Si Kayla lang kasi ang may number ni Jiwon. President kasi namin siya."

Testimony of Kayla Xien Gumabat:
"Magkakasama nga po kaming nagpunta sa XYZ Club, pero naunang umuwi si Jiwon. Nag-text pa nga siya sa akin." Ipinakita ni Kayla ang text message ni Jiwon sa pulis na kaharap.

From: (Hertz) Jiwon N.
Sent: September 4, 10:06 PM
Received: September 4, 10:07 PM
Message: Uwi n q. Bka pglitn n q n tatay.

"Hindi siya ang nagtext nito. Hindi ganito mag-message ang pamangkin kong 'yun." Napahigpit ang pagkakahawak ni Captain Teodore sa cellphone ni Kayla.

Testimony of Mary Claudine Pantalunan:
"Ang sabi ni Hanny may nagbigay daw ng cocktail kay Jiwon."

Testimony of Hannylet Reyes:
"Si Cathy ang nagsabi nu'n sa akin. May mga lalaki daw sa kabilang table na nagbigay ng free cocktail kay Jiwon. Hindi ko alam kung totoo. Hindi ko naman kasi nakita."

Testimony of Cathy Anne Torez:
"Bumalik ako sa table para kunin 'yung cellphone ko. Nadatnan kong nag-serve sa kanya 'yung waiter ng mojito. Ang sabi nu'ng waiter pinabibigay daw ng mga lalaking nasa kabilang table. Tinukso ko pa nga si Jiwon. Sabi ko sa kanya first time niya sa club pero may nabingwit agad siyang boys. Sinabi ko rin sa kanya na hindi matapang 'yung cocktail, p'wede niya 'yung inumin." Cathy realized something. "Oh my gosh! Hindi kaya may halong drugs 'yung mojito?"

"Kilala mo ba 'yung mga lalaki?"

Cathy winced. Sinubukan niyang alalahanin ang mga mukha ng mga lalaking tinutukoy niya. "Hindi po. Pero kung makikita ko ulit sila, mamumukhaan ko po."

Hindi kuntento si Captain Teodore sa mga statements na kanyang nakuha. Alalang-alala na siya sa kanyang pamangkin na nawawala. Mapapanatag lang ang kanyang kalooban kapag nakita na niya itong muli. "We need more information. Detective Sariin, i-check mo lahat ng CCTV sa buong paligid ng XYZ Club. Lieutenant Lim, hanapin mo ang mga lalaking tinutukoy ng mga kaibigan ni Jiwon."

Naisip niya, "Kung isa 'tong kidnap for ransom, ano pang hinihintay ng kidnapper at hindi pa siya tumatawag?"

***

Nagising si Jiwon sa ingay ng malakas na ulan. Malalaki ang patak nito na siyang nagdudulot ng nakakabinging ingay mula sa lumang yerong bubong. May mangilan-ngilang butas ang bubong na tinapatan ng mga palanggana at timba.

Tila ba isa iyong abandonadong bahay. Madumi at maalikabok. Malalanghap rin ang amoy ng kalawang bukod sa singaw ng lupa.

May lamesa sa gitna, nakapatong doon ang mga lumang kasangkapan tulad ng mga plastic plates, cups, at kaldero na may mga panis at inaamag na pagkain. Sa sobrang katagalan na nakatiwangwang, pinamamahayan na ito ng iba't-ibang insekto.

LOHIKA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon