TOMA + PAGNANASA = GAHASA

16.4K 58 12
                                    

Binuksan ko ang pinto. Naroon siya sa labas. Sa may sofa. NagaayOs ng kanyang gamit. Tapos na ang gabi… Wala narin ang tama. Wala na ang hilo ng nakaraang gabi. Tumitig siya sa akin. At ako naman ay napatitig rin sa kanya. Nakayuko siya at nag-ayos ng kanyang mga gamit. Matagal ang titig na iyon sa aming dalawa. May kakaiba sa kanyang mga mata. Apoy ang nakita ko. Malamang galit. Galit na gustong ilabas. Ngunit nakakabingi ang katahimikan. Ang pagtitinginan na iyon ay dagli ring natapos. Tahimik ang lahat. At ako walang maalala.. Nagsimula narin akong ayusin ag sarili. Dumiretso sa CR at nagbawas. Parang may mali. Parang may kakaiba. Ano ba ang nagyari kagabi? Wala akong maalala. Meron, ngunit mga kakaunting detalye. Ang hilo at sakit ng ulo ay unti unti nang sumisipa sa aking katawan, kahit pa sabihing unti na itong nabawsan dahil sa tulog. Mabigat parin ang aking katawan. Ngunit hindi kasing bigat ng aking nararamdaman. Pilit kong binabalikan ang gabing nagdaan. Ano ba ang nangyari. Hindi ko alam. Malamlam ang umagng iyon, kahit mainit dama ko ang kulimlim sa paligid. Nagsimula naring magising ang mga taong kagninay lumpasak sa higaan. Nagsilabasan na sila sa mga kwarto. Tapos na ang araw sa bahay na iyon. Kailangan nang umuwi. Pero may pangyayaring naiwan. Isang bakas , ng masidhing pagkakamali.



Sa aking pagsakay sa jeep, unti unting bumabalik ang mga nangyari. Pilit ko mang isipin hindi malinaw ang lahat. Parang isang panaginip. Ngunit parang totoo rin. Ano ba ang ginawa ko? Binalikan ko ang mga pangyayari. Ayaw ko mang isipin, parang nagyari nga iyon. Hindi ko maalala pero ang mga labi ko ang nagsasabing, oo nangyari nga. Hindi ko lubos maisip na nagawa ko iyon. Sana panaginip lang. Panaginip lang. Sana.


Ako ang huling dumating sa bahay na iyon. Magsisimula pa lamang silang tumagay ngunit nakarami narin. Wala pa akong kain, walang hapunan. Ngunit napilitan naring makisalo sa uhaw ng lalamunan. Mainit na dumampi ang bawat alak sa aking bibig. Nakaharap ako sa kompyuter. Ilalaro ang paborito kong Dota. Habang tumatagay. Dahil nga huli akong dumating. Kelangan kong humabol sa ikot ng baso. Mataas ang bigay at lagay ng generoso sa baso. Pero wala na akong magagawa kundi inumin ito. Makailang baso pa lang, umikot na ang paningin ko. Marahil sa gutom at pagod mula sa araw na lumipas nahilo agad at tinamaan ako. Hindi ako masyadong nalalasing. Ako marahil ang pinakamatagal kung tutuusin na matumba sa barkada. Pero ng sandaling iyon. Ako ang unang tumiklop. Lumpasak agad ang aking katawan. Naroon na ngay tinatakasan ko na ang ikot ng baso. Wala na akong paki. Ang sabi koy gutom kasi ako. Baka hindi ko kayanin. Pass muna. Lagi kong sambit kapag sa akin na ang tagay. Maya maya pa ay tuluyan ko na silang tinakbuhan. Sa bakanteng kwarto, ako ang naunang lumupasay. Wala na akong paki. Pagod ako. Hindi ko na kaya. Kayat tulog ang isinagot sa hiling ng pagal na katawan at lasing na kaluluwa. Dinig ko ang tawanan at kulitan sa labas habang nakahiga sa kama. Umiikot na ang paningin. Ganoon pala ang pakiramdam ng malasing. Sa unang pagkakataon, sa tinagal tagal ko bilang isang manginginom. Iyon pala ang pakiramdam. Kakaiba. Kayat ilang sandli pa. Tuluyan nag pumikit ang aking mga mata. At sa himbing ng tulog ako ay nagpasasa.


Wala roon ang aking nobya. Nagpunta sa Ilocos , para sa isang paglalakbay ng klase nila, requirement dahil sa kurso niyang turismo. Ako naman nahihilo. Lumalim ang gabi at unti unti nang nanahimik ang paligid. Ang kaninay masasayang halakhakan at kulitan ay napalitan ng katahimikan. Mukhang bagsak na ang lahat. Syempre ako ang nauna. Lugmok sa higaan. Sa kalagitnaan ng gabi. Naramdaman ko na may roon akong katabi. Isang babae. Hindi ko alam kung sino. Madilim ang kwarto. Wala akong maaninag. O dahil sa kalasingan pikit ng aking mga mata. Panaginip ito, isang panaginip. Yun ang nasa isip ko. Panaginip na maari kong lakbayin at patunguhan. Sino ang makikialam. Wala, dahil nga sa panaginip ay walang makikialam sa aking kamalayan. Paano mo nga naman papasukin ang panaginip ng iba. Yun ang akala ko.

Unti unting gumapang ang aking kamay sa katawan ng babae. Hindi ito kumibo ng una. Malayang gumalaw ang mga daliri sa kanyang bisig. Hindi ko napigilan ang sarili, marahil hindi ko napigilan ang panaginip. Lumapit ako. At hnawakan ang kanyang mukha. Nang pakiramdam ko ay ayus naman sa kanya ay saka ko siya pinaibabawan. May damit ako. At siya rin naman. Sa ibabaw, sa madilim na kwarto hinanap ng aking mga labi ang labi niya. Nang makita ay pinupog ito ng halik. Sa umpisa ay malumanay. Ngunit sa huli ay nagsalita siya.
“Stop. Please. No. Stop.”

TOMA + PAGNANASA = GAHASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon