BABALA:
Ang storyang ito ay bunga lang po ng imahinasyon ko. Nagsisimula pa lang ako magsulat ng stories. Marami pong mali sa storya na to such as grammatical errors, typos at kahit ano pang mali. Sa mobile phone ko lang po kasi ito ginawa kaya marami talagang mali dito. At kung may mali man bahala na po kayong umintindi dito hehe. Leave a comment and suggestion to make this story more interesting. Negative and positive comments are wholeheartedly accepted for better result of this story.
CHARACTERS:
*Sakira Ashley Nielsen- Main character
*Sky Jon Maddox- Sakira's Best friend
*Nicole Gheyy (Jay) Go- Sakira's Best friend
*Vanesse Jahn Resco- Sakira's Best friend
*Kenshin Daxus Go- Nicole's Cousin
*Clark Montenegro- Sakira's Ex-boyfriend
*Aizciere (Aishier) Mills- Sakira's Ex-Best friend
*Julian Lizz Rivera- Sakira's Academic Rival
*Beah Jade Takii- Julian's Best friend
*Aliah Nielsen- Sakira's Mother
*Kell Maddox- Sky's Mother
*Daniel Maddox- Sky's Father
*Jame Resco- Vanesse's Mother
Prologue:
Pano kung ang puso ay wasak na? Nadurog na? Wala na? Kaya pa kayang ibalik ito sa dati? Sa dating ayos na kung saan ay kaya pang magmahal nang lubos? Kaya pa kayang mabuo ulit? Mabubuo kaya ulit pag nagmahal ulit ang pusong dati ng wasak? O hindi na?
Sino ba kasing nagpauso sa PAG-IBIG na yan? At isasampal ko sa pagmumukha niya.
Masarap nga sa pakiramdam ang magmahal ka at mahalin ka. Pero sa huli, masasaktan ka rin lang naman. Sobrang pait. Masaya nga sa una, pero sa huli ikaw rin ay magiging luhaan. Nakakasawa na rin.
Ang LOVE kasi parang ganito lang yan eh...
LOVE STARTS WITH HUG AND SMILE...
Oo ganyan nagsimula ang lahat. Akala ko yung ngiting yon ang magpapabago sa dating pananaw ko sa Pag-ibig. Akala ko totoo na pero hindi pa pala. Ganyan nagsimula ang dream come true na love story ko. Dyan nagsimulang maniwala ako sa sinasabi nilang "And they lived happily ever after". Dyan nagsimulang magmahal ang wasak ko ng puso at umasang maaayos ulit ito ng bagong pagmamahal. Akala ko habang buhay na eh..
GROWS WITH A KISS...Hanggang sa yumabong ang pagmamahal na wala naman atang kahihinatnan. Mas natuto akong maghintay, magtiis, at magmahal ng isang taong hindi ako sigurado. Minahal ko siya at mas minahal pa dahil ramdam ko yung pagmamahal niya sa akin.Na unti-unting yumapos sa akin. Para akong nawawalan ng hangin dahil sa pagmamahal na yan! Pero mali ako dahil panandalian lang naman pala. Nakakatanga pre!
AND ENDS WITH TEARS...
Siguro nga tama sila. Laging may consequences ang Pag-ibig. Siguro nga pinanganak na talaga si Pag-ibig na kakambal na si Masaktan. Wala tayong magagawa dahil nagmamahal lang naman tayo. May ngiti sa una pero luha rin sa huli. Oo, nakakatawang pakinggan di ba? Pero ito ang KATOTOHANAN.
OO. Napasaakin nga siya, pero sa panandaliang panahon lamang. Minahal ko siya at ramdam kong minahal niya rin ako. Ngayon, masasabi ko bang Dream Come True na? OR Worst Nightmare ko siya? Ano kayang mangyayari?
#$©0®¶!0n
YOU ARE READING
Dream Into Worst Nightmare
Novela JuvenilSakira Ashley Nielsen is a highschool student who had a painful past. She promised to herself not to fall in love again. But then she will admire Kenshin Daxus Go, a funny guy who will change Sakira's perception in love. Til they loved each other. B...