ONE

28 0 0
                                    

Mikhail's POV

"Mom, please! I want to enroll in that school." Pakiusap ko kay Mommy.

"Son, napakarami nating pera! Pero bakit sa public school mo pa gustong mag-aral?"

Paano ko ba sa sabihin? 

'Mom, nakita ko na kasi yung pangarap kong babae.' - definitely NO! 

'I always pray that I hope one day na makita ko siya. And finally, Mom! Nakita ko na siya. Ngayon nyo pa ba ako pipigilan?' Mali! Mali! Maling-mali! Lalong hindi ako papayagan ni Mom na lumipat sa school na yun.

"It's just, Mom. Gusto kong maranasan ang nararanasan ng mga batang  nag-aaral doon. Lahat ng gusto ko, nandyan agad. Hindi ako nabubully kasi presidente ng Pilipinas si Dad. Lahat pinupuri ako. Paano ko malalaman ang mga bagay na mali sa akin?" This is all true. But at the same time it's half life.

Napabuntong hininga si Mom. Alam kong papayag siya! Lagi ko silang sinusunod ni Dad. Eto lang ang hinihiling ko sa kanila bukod sa wag nila akong ipakilala sa buong mundo na anak nila ako.

"Okay, fine. But honey please bodyg---"

"Mom, no guards with me please. I can have them pero sana ay nakatago sila. Ayokong layuan katakutan ako ng mga kaklase ko. Baka konti lang ang mga maging friends ko!" 

I have friends naman pero paano ko malalapitan ang mga kaibigan ng taong gusto ko kung may mga bantay ako sa tabi ko? Baka mamaya ay pagtawanan ako.

"Okay! What else do you want?"

"Hmmm. Sana walang makakaalam kung sino talaga ako. I want to keep my feet low."

Napa-irap si Mom. Ayaw niya ng ganto. Gusto niya ipaalam sa buong mundo na anak niya ako pero ako lang itong ayaw ng ayaw kaya sa mga events na dinadaluhan nila ay hindi ako kasama. Sa school ko lang na pinapasukan ngayon ay alam nilang anak ako ng presidente pero outside the school wala ng may alam.

"Okay. Ipapa-ayos ko na ang lahat kay Butler John para next week doon ka na papasok sa gusto mong school. For now, I need to sleep! Good night, honey. We love you!" My mom hug me tight and kiss me before she go to their bedroom.

Success! I hope mapasagot ko siya.

Kinuha ko ang stolen picture niya sa wallet ko.

Nakaupo siya sa library ng school nila habang nagbabasa  ng libro.

Sa tuwing nakikita ko ito stolen picture niya ay napapangiti ako.

Tandang-tanda ko pa kung paano ko siya nakilala.


Angono National High School

Basa ko sa isang papel na pupuntahan namin.

Bibisitahin ko kasi yung pinsan ko na nags-shooting sa school na ito, his name is Froster Daced. He is a movie director, film maker, or whatever.

"Master pwede na po kayo bumababa. Ang mga bodyguards po ay nakapalibot na. Gusto nyo po bang samahan namin kayo?"

Umiling ako at bumaba na sa sasakyan. Nasa loob na pala kami ng campus ng school.

Nilibot ko ang paningin ko, maganda ang school. Matataas ang building at may puro tig-tatatlo ang kwarto sa bawat palapag. Malaki ang gym. Public school daw ito. 

Wala rin ako makitang mga students na pagala-gala. Baka kasi oras ng klase nila?

Naglakad ako papunta sa direksyon na sinabi sa akin ng pinsan ko kanina.

'Canteen 2'

Medyo nalilito na ako dahil sa dami ng building na pinapasukan ko.

Nakakita ako ng canteen kanina pero sabi ng nagwawalis ay canteen 1 daw iyon tapos may tinuro siyang direksyon na mas ikinalito ko pa.

Saan ba pwede magtanong? Wala kasi akong nakikitang mga teachers.

"Sir? Excuse me po."

Napatingin ako sa babaeng mala-anghel ang boses!

Tumngin ako sa kanya na may malawak na ngiti. At mas lalong lumawak ang ngiti ko ng makita ko siya.

Tapos yung puso ko biglang bumilis ang ngiti ng makita ko ang ngiti niya. Hala! Anong nangyayari sa akin? Hindi naman ganto tibok ng puso ko ah.

Maaliwalas ang itsura niya na para bang kapag stress ka na ay tignan mo lang ang nakangiti niyang mukha ay mawawala na ang stress mo. 

"Uhm, miss? Saan dito ang Canteen 2?" Tanong ko ng mas malawak ang ngiti ko.

"Gusto nyo po bang samahan ko kayo?"

Napahawak ako sa puso ko. 

'Heart, bakit ganyan ang nararamdaman ko?' kausap ko sa puso kong nababaliw na.

Wala sa sariling pumayag ako.

"Ano pong gagawin nyo sa Canteen 2? Alam ko po kasi na sarado yun dahil may nags-shooting."

Pati boses! Anghel na anghel. Nasa langit na ba ako?

"Nandoon ang pinsan ko. Yup, nags-shoot sila for upcoming movie."

Tumango lang siya.

Bakit ganoon? Feeling ko sobrang bagal ng oras? 

"Nandito na po tayo."

Huh? Bakit parang ang bilis naman? Parang kanina lang e

"Kahel!" Napatingin ako sa tumawag sa nickname ko. 

It's Frost, my cousin.

"Bakit ang tagal mo?" 

"Naligaw ako. Buti nga e sinamahan ako ng --" Tumgin ako sa paligid ko para sana pasalamatan siya sa pagsama sa akin dito kaso nawala na siya.

Napahawak ako ulit sa puso ko kasi parang naninikip. Tapos nararamdaman ko na parang nanghihinayang na nalulungkot ako.

Bakit ganoon?

Ilang linggo akong hindi pinatulog ng babaeng yun kaya naman sabi ko sa bantay ko na tukuyin at kumuha ng litrato niya.

At nagtagumpay ako. Nalaman ko ang lahat sa kanya. 

Siya na yung babaeng dinadasal ko.

Jesse Maria Chlara


The Modern Marya Chlara (The Modern Maria Clara)Where stories live. Discover now