TWO

6 0 0
                                    

It's official!

Kinakabahan ako. Iniisip ko pa lang na makakasama ko siya araw-araw tapos makakausap e parang sasabog na ako sa kilig!

Kaya naman todo ayos talaga ako! Sobrang plantsado ang polo ko, dapat din ay puting puti ito. Tapos yung sapatos ko ay dapat pwede ka na magsalamin.

Kaya naman over confident ako habang naglalakad ako sa hallway! 

Mas lalo akong naganahan magpakitang gilas ng makita ko siya sa dulo ng hallway na naglalakad! Mas binilisan ko ang lakad ko at hindi inintindi ang nasa paligid ko.

Kaya ko to! Kaya ko to! Kaya ko----

Rinig na rinig ko ang mga tawanan ng nasa paligid ko. Putek! 

'omggg!! gwapo pa naman! kaso tanga. ekis'

'tsk'

'nadali siya'

'tanga amputa'

Ilang mga bulungan narinig ko! Putek! Natalisod ako! NO! SINADYANG TALISUDIN AKO! 

Mabilis akong tumayo at nilibot ang paningin ko at eksaktong nagtama namin.

Umiling siya at pumasok sa classroom.

Hahabulin ko sana kaso naalala ko kung bakit ako natalisod!

Nakita ko ang babaeng may lollipop sa bibig. Siya ang pinakamalapit sa akin kaya alam kong siya ang gumawa nito sa akin!

"Sino ka?" Galit kong tanong na siyang ikinatahimik ng mga taong nanonood sa akin.

Nagkibit balikat lang siya at akmang aalis na pero mahigpit kong hinablot ang braso niya at iniharap sa akin.

"Bakit mo yun ginawa?" Hindi mo ba alam na napahiya ako sa crush ko?

"Alam mo yung kwentong 'He's into Her'? Naalala ko kasing pinatid ni Sensui si Taguro tapos sa hinaba-haba ng storya nila e sila ang nagkatuluyan dahil sa patiran. Gwapo mo kasi, baby boy! Type kita kaya kita pinatid. Malay mo katulad ni Sensui at Taguro e tayo ang magkatuluyan sa dulo?" Malanding sabi niya tapos may pahawak hawak pa siya sa dibdib ko na mabilis kong inalis. Puta! Kadiri.

Narinig kong nagtawanan ang mga nasa paligid namin.

"I hope hindi na ito maulit at sana hindi na kita makita. Pinapatawad na kita"  Mabilis kong sabi at tumalikod na papunta sa room.

Nakakahiya! Nakakainis! Anak ako ng presidente ng Pilipinas dapat hindi ako ginaganto! Pero naalala kong hindi nga pala nila alam na anak ako ng presidente. Nice

Pagpunta ko sa room e nagdadasal na sila kaya naman naghintay ako sa labas hanggang sa matapos silang magdasal at ipinakilala ako ni Ma'am sa buong klase pero syempre hindi bilang anak ng presidente.

"Saan mo gustong umupo?" Tanong sa akin ni Ma'am.

Napangiti naman ako ng makitang dalawang bakanteng upuan sa tabi ni Jesse! Sinuswerte nga naman ako oh. (Jesse, (Bakante), (Bakante)) Nakapuwesto siya malapit sa pintuan, pangalawa sa dulo ang row

"Ma'am,  doon na lang ---"

"Ma'am! Sorry I'm late. Hihihi"

Sht. Parang nagslowmo yung nasa paligid ko habang nililingon ko yung nagsabi noon. Kumalabog yung puso ko! Hindi dahil sa kung ano, kundi dahil sa inis!

"Lagi ka naman late e. Sige pasok!" Sabi ni Ma'am sa kanya.

Pinagmasdan ko siya at dumiretso siya ng upo sa tabi ng baby ko! No! Dapt ako ang uupo doon e! AKO! Bakit niya ako inagawan ng pwesto?

"Wala ka bang balak umupo?" Nagising ako ng nagsalita si Ma'am kaya no choice ako kundi ang umupo sa katabi ng bruhang ito!

"Nice. Nagkita na naman tayo, baby boy!" Mahinang sabi ng bruhang ito na tuwang tuwa!

"Walang nice." Suplado kong sabi.

Ang malas ng araw ko! 

Nagpatuloy ang araw ko na umaasa na may sitting arrangement pero wala! Nagtapos ang araw na walang naganap na sitting arrangement kaya buong school year ko ay katabi ko itong bruhang ito!

"Maria, halika na! Sabay na tayong umuwi." Rinig kong sabi ni Bruha sa Jesse ko!

Nandito lang ako sa upuan ko at hindi kumikilos. Kasi nakikinig ako sa kanila.

"Lou, wait lang." Anghel na anghel talaga ang boses niya para sakin!

"Excuse me, Mikhail right?" Bigla akong napa-ayos ng upo at naubo pa ako ng bahagya ng lumapit siya sa akin at kinausap ako.

"Y-yes." Putsa. Nauutal ako!

"I want to say sorry." Malumanay niyang sabi.

Narinig ko namang umismid si Bruha.

Wait? Bakit ba nagso-sorry ang baby ko?

"Wait. Bakit ka nagso-sorry?"

"Sa ginawa ni Loucel kanina." Nakayuko niyang sabi.

So, Loucel pala ang pangalan ni Bruha? 

Syempre dahil baby ko na ang nagso-sorry, bait baitan ako! Pero gagantihan ko si Bruha balang-araw!

"It's fine. Wala yun sa akin." Nakita ko naman ang pag-ngiti niya ng malawak! Lalo tuloy bumilis tibok ng puso ko.

"Bakit ka ba nag-sosorry dyan? Dapat ako magsa-sabi nun e! Inaagawan mo naman ako ng lines sa baby boy ko! Tangina naman oh."

"Ano ba yan, Loucel! Huwag na huwag kang magmumura sa harapan ko!"

Ang bait naman ng baby jesse ko! Perfect na perfect talaga siya para sa akin.

"Tss. Halika na!" Yaya ni Bruha kay Baby Jesse ko. Bakit ba madaling madali itong umuwi?

"Huwait naman! Mikhail, saan ka nakatira? Gusto mo bang sumama sa amin pauwi?" Putek! Nagliwanag bigla mundo ko! Niyaya ako ng baby ko1 Kung panaginip man ito wag na sana akong gisingin.

"Sa Villaluz lang. Sa may apartment!" 

"Nice baby boy! Kapit bahay ka lang namin ni Maria!" Tuwang tuwang sabi ni Bruha at inakbayan pa ako! Inalis ko naman agad kasi baka magselos yung baby ko.

Atsaka ano? Kapitbahay ko lang sila? Ibig-sabihin ba nito ay sa apartment lang din sila nakatira? PUNYETAAAAAAA!!!! SOBRANG KINIKILIG NA AKOOOO

"Loucel, tigilan mo na si Mikhail." Saway ni Baby Jesse ko sa bruhang ito.

Pero wait! Ano sabi ni bruha?

'Nice baby boy! kapit bahay ka lang namin ni Maria!'

'Kapit bahay ka lang namin ni Maria!'

'Kapit bahay ka lang namin ni Maria!'

'Kapit bahay ka lang namin ni Maria!'

'Kapit bahay ka lang namin ni Maria!'

'Kapit bahay ka lang namin ni Maria!'

So. meaning makakasama ko rin si Bruha? 

What the fuck!

The Modern Marya Chlara (The Modern Maria Clara)Where stories live. Discover now