Si Myldred Octavio Ludovice ay isang babaeng walang ibang alam gawin kundi ang mag-daydream at mag-fantasize. Para sa kanya, she is alone in this cruel and unfair world na walang ibang karamay kundi ang kanyang pusang si Felidis. Hindi naman siya literally alone dahil nakatira siya sa bahay ng kaniyang tita Liza at dalawang pinsang sina Erika at Fiona na ang tanging alam gawin sa buhay ay ang guluhin ang tahimik niyang mundo. May mga panahon nga na iniisip nalang niya na siya si Cinderella at sila ang evil family.
One day she finally left the evil family. Tumira siya sa bahay ng kaniyang lolo at doon natagpuan niya ang fantasy na matagal na niyang hinahanap. Isang box na naglalaman ng isang kwintas ang naging daan upang siya ay mag-travel from the time of computers and technology to the world na punung-puno ng magic at kakaibang thrill. Habang naroroon siya sa mundong iyon nakilala niya ang isang lalake na nakapagpakabog ng tahimik niyang puso.
Maraming sekreto ang kaniyang malalaman… maraming panganib ang kaniyang kailangang lagpasan and the hardest part of being there is not knowing when will she go back home to the real world. Let’s join Myldred in her exciting, funny and romantic adventure to a different world. Meow….