CHAPTER II : THE PARTY

8 0 0
                                    

CHAPTER II : The Party

"Myldred, pahiram ako ng necklace ha?" pa-sweet na bungad ni Erika nang pagbuksan niya ang mga ito.

"Ako naman pahiram nung dress mo. Di mo naman ginagamit eh." Singit naman ni Fiona.

"Wala ba kayong mga damit, at yung sa'kin ang pinagdidiskitahan nyo?" Iritadong bulyaw niya sa dalawa. " Sa iba nalang kayo manghiram!"

"Eh kasi hindi mo naman ginagamit noh..." halatang na-offend si Erika.

"Hoy, Erika, hindi naman hiram ang ginagagawa mo eh. Kasi hindi mo naman binabalik!"

"Ang yabang mo! 'di 'wag! Isaksak mo sa baga mo! Halika na Fiona."

"Tingnan natin kung maka-attend ka ng year-end party!" makahulugang sabi naman ni Fiona.

"Grabe! Nakakapikon na talaga ang dalawang yun. Binantaan pa ako, sila na nga lang itong may kailangan! Hmmp, makapaghanda na nga lang, last day na to e..."

Napag-isipan ni Myldred na suotin ang dress at pares na jewelry na binigay ng kaniyang mama noong birthday niya. "Bagay ba sa'kin Felidis?" nakangiting nagpaikot-ikot pa siya.Nahiga siya sa kama at nangarap na kasayaw niya ang kaniyang Prince Charming. Naroon sila sa malawak na hardin.

"Let me take you to this world. Let ma love you. Let me hold you forever in my arms."

"Oh... my dear Prince you can!" kinuha niya ang unan at pinaghahalikan habang si Felidis ay nakatingin lang sa kanya. "My Prince..." tumatawang naghanda na siya, pero habang nasa loob siya ng shower ay may masamang balak pala ang dalawa niyang pinsan.

"Dalian mo na!"

"Ano ka ba, 'wag ka namang maingay mam'ya marinig tayo ni Myldred." mahinang sabi ni Fiona.

"Lock na ba?"

"Oo, tara na!" nagmamadaling lumabas ang dalawa.

"Felidis, ikaw ba yan?"

"Baliw talaga yun no? kausap na naman ang pusa niya." Tumatawang sambit ni Fiona habang palabas ng pintuan.

Nang matapos si Myldred mag-shower ay sinubukan niyang buksan ang pinto, pero naka-lock ito sa labas.

"Fiona? Erika? Hindi ito nakakatawa! Buksan niya ang pinto."

"Fiona!!! Erika!!!"

"Meow..."

"Felidis? Gi=rl please open the door." May mga narinig siyang kaluskos, si Felidis yun, sinusubukang buksan ang pinto. "What am I doing? I'm talking to a cat."

"Tita!" Malapit na siyang mawalan ng pag-asa dahil hindi naman siya maririnig ng kanyang tita. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto.

"Felidis? Good girl, Thank you." Hinalikan niya ito at mabilis nagbihis ng kaniyang damit.

"Ang dalawang iyon! Malilintikan talaga sakin yun! Pati ang mga susuotin ko tinangay!" Habang abala siya sa pag-aayos ay hindi niya naman namalayan na pumasok na pala si Felidis sa bag niya.Pagkatapos niyang magbihis ay nagmamadaling bumaba na siya. Nagulat pa ang kanyang tita nang makita siya. " Oh... kala ko ba hindi ka pupunta?"

"Huh?" maang na tanong niya.

"E sabi nila Fiona, 'wag ka na daw gisingin dahil di ka pupunta."

My Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon