CHAPTER I : Myldred

60 0 0
                                    

                                                                  CHAPTER I: MYLDRED

                Si Myldred ay nasa 5th year na ng highschool pero walang kaibigang maituturing maliban sa kaniyang pusa.

                “Hay naku, Felidis. Buti nalang nandyan ka no?” lumapit ang pusa at umupo sa kaniyang kandungan. “ Alam mo masarap siguro na iwan ang mundong ito, siguro magiging masaya ako.”

                “Well, well… well. Hindi ka naman si Cat Woman pero lagi mong kinakausap ang pusa mo. Sumasagot ba siya ng MEOW…” tumatawang lumapit iito sa closet niya.

                Hmmp! Eto nanaman ang evil na babaeng si Erika. “ Di ka manlang ba marunong kumatok? Ano ba nag kailangan mo?” mataray niyang sabi.

                “I’m going to a party later. I need a pair of your earings.” Patuloy na pangangalikot nito.

                “Eh… bakit dito sa akin? Wala ka bang hikaw?”

                “I need kase yung bagay sa dress ko. Hmmm… eto nalang, this one is perfect!” kinuha nito ang isang pares ng pearl na hikaw.

                “ Teka, sinabi ko ba sayo na pwede kang manghiram?”

                “ Bakit? Di mo ako pahihiramin?”

                “ Hindi ka naman nagpaalam, so why should I?”

                “Alam mo wala ka na namang magagawa suot ko na. Ibabalik ko naman bukas.” Nakakaloko itong ngumiti at deretsong lumabas ng kaniyang kwarto.

Grrr… bwisit talaga ang babaeng yun! Knowing that girl, walang balak ibalik ang gamit ko nun! “Hay… matulog na nga tayo Felidis at pumunta sa ating mundo.”

                Busy si Myldred sa pagkukuskos ng sahig habang ang dalawa niyang step-sister ay busy rin sa paglalakad at pagdumi sa sahig na nililinisan niya.

                “Ano ba? Ang bagal mo naman!” sita ni Erika.

                “Ang dami mo pang gagawin. Yung kwarto ko pa!” sigaw naman ni Fiona. “ Dalian mo!”

                “Oo na” tumayo siya at dinala ang timba sa kusina. “ paulit-ulit na eh.”

                “Anong sabi mo? Nagrereklamo k aba?” hinatak ni Fiona ang buhok niya at hinila siya palabas ng kusina.

                “Aray ko! Ano ba nasasaktan na ako…”

                “Dapat lang yan sayo dahil ‘di ka marunong sumunod!” Itinulak siya ni Erika sa sahig at ibinuhos ang laman ng timbang dala niya.“ Alam mo lumugar ka kase, katulong ka lang namin diba?’

                “ Oo nga!” kinuha ni Fiona ang basahan at aktong ihahagis sa mukha niya nang isang makisig na lalake ang bumaba mula sa kabayo nito at walang anu-ano’y bigla siyang nilapitan.

                “ Huwag nyo siyang sasaktan!” nilapitan siya nito at tinulungang makatayo “ halika, sumama ka sa akin mahal kong prinsesa.”

                Tumayo siya at walang pasabing  binuhat siya nito. Namangha siya sa kagwapuhan na taglay nito. Tinitigan nito ang kaniyang mga labi at unti-unting tinawid ang espasyo sa pagitan nila. It was the sweetest kiss ever, she felt infinite.Biglang naudlot ng pantasya niya dahil sa isang malakas na tawa.Panaginip pala!! At nang magmulat siya ay sina Erika at Fiona ang nakita niyang tumatawa habang si Felidis ay nasa kaniyang harapan.

My Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon