Emile's PoV
Gusto ko na talagang makapagtapos ng pag-aaral para matulungan ko na ang pamilya ko. Kaya naman nagpupursigi ako sa pag-aaral ko
"Emile baka naman may natira ka pa diyan?" bulong sakin nung isa kong kaklase sa likuran ko
"Ssshhh!, tumigil ka nga diyan, makinig ka na lang kay Ma'am Cameron oh" suway ko sa kanya
"Grabe ang kuripot mo naman hahahaha, oh eto oh kawawa ka naman" sabay abot sa nanghihingi kong kaklase
"Fuck you!, eh limang piso lang to eh" matigas na sabi niya
"Asa ka namang bibigyan kita ng malaking pera" sabi pa ni Sonny
Hindi ko na sila pinansin sa halip ay nakinig na lang ako kay Ma'am Cameron na nagtuturo ng physics
"I have a question, what is a physics Mr. Cook?" Tanong niya kay Sonny na nakikipag-usap pa rin dun sa nanghihingi kong kaklase. Agad namang napatayo si Sonny
"What is a physics?" muling tanong ni Ma'am kay Sonny
Hindi makasagot siya makasagot sa tanong ni Ma'am pero hindi mo siya makikitaan ng takot at pagkahiya pero nahahalata ko na galit na siya
"I repeat my question Mr. Cook, what is a physics?" muling tanong ni Ma'am
Umupo agad si Sonny kahit wala pa siyang naisasagot sa tanong sa kanya
"Ipatawag mo mga magulang mo bukas ah!" sigaw ni Ma'am Cameron
Nagsimula nang magkaroon ng bulungan sa aming klase dahil may 2 nang nagrereklamo kay Sonny
Nagsimula na uling mag-discuss si Ma'am pero si Sonny ay nag-drawdrawing lang ng mukha ng isang anime
"Psssttt!" sitsit ni Annabelle sa kanya "Makinig ka na kasi eh" dagdag pa nito pero sinenyasan lang siya ni Sonny ng bad finger
"Humanda kayo saking lahat" dinig kong bulong ni Sonny
Subukan mo lang talagang magsimula ng away mamaya ako na makakalaban mo
Maya-maya ay tumayo siya habang si Ma'am Camerom ay nakatalikod dahil nagsusulat sa pisara
Kumuha ng isang tsok sa sahig si Sonny at agad na ipinukol sa ulo ni Ma'am Cameron
"Who's that?!" sigaw na tanong ni Ma'am pero walang sumasagot sa tanong niya
"S-Si Mr. Alex Emile Parsons" pagsisinungaling ni Sonny kaya nagulat ako nang ako ang sisihin niya sa ginawa niya mismo
Napatingin naman sakin si Ma'am at sumigaw
"Get out of my class Mr. Sonny Cook and Mr. Alex Emile Parsons!!!" sigaw niya habang galit na galit ng sobra
Una akong lumabas ng pintuan ng classroom at umupo muna sa isang silya na nakalagay sa tapat ng classroom namin. Maya-maya pa ay lumabas na rin ang bintangerong sira-ulo
"Gago!" sigaw ko kay Sonny
Natawa siya matapos akong sumigaw. Nababaliw na yata tong mokong na to eh
"K-Kawawa nadamay p-pa! Hahahaaaha!" sigaw niya habang tumatawa ng malakas. Umalis siya sa harapan ko pero hindi ko alam kung saan siya pupunta pero siguro sa cafeteria dahil doon yung daan kung saan siya nagtungo
Sinundan ko siya kung saan siya dumaan kanina para malaman ko kung saan talaga siya pupunta, hanggang sa makarating nga ako sa cafeteria ng university
"Hoy Sonny!" sigaw ko sa kanya pero ngumisi siya ng nakakainis sabay tumawa ng mahina
Tumayo siya at pumunta sa ordering area para bumili ng pagkain niya kahit tapos na ang break time
"Gusto mo?" pang-aasar na tanong niya habang kumakain ng waffles at softdrinks
"Timawa" ang tanging sagot ko sabay alis
Hindi na muna ko bumalik sa klase ni Ma'am Cameron dahil baka galit pa siya sakin at kay Sonny kaya pumunta muna ko sa library para magbasa ng mga libro na gusto kong mabasa para sa aking pag-aaral. Kainis kasi tong bintangero na yun eh dinamay pa ko sa kalokohan niya tuloy napalayas ako sa klase
Kumuha muna ako ng isang libro sa book cabinet at agad na naupo sa mga bakanteng upuan
Ako lang ang nandito pati na ang isang librarian na nagbabantay
"May klase ka pa diba?" tanong niya habang nasa kanyang table
"Pinalabas po kasi ako ni Ma'am Cameron kasi po dinamay ako sa kalokohan ng kaklase ko" malunanay kong sagot sa kanya
Hay naku! Gusto ko nang bumalik sa klase 7:55 na pagkatingin ko sa wall clock ng library kaya binalik ko na ang libro at agad na umalis para pumunta sa tapat ng classroom ni Ma'am Cameron
Saktong pagkarating ko ay kakalabas pa lang ng mga kaklase ko pero tinawag ako ni Ma'am at kinausap
"Im so sorry Mr. Parsons, wala ka ngang kinalaman sa pambabato sakin ng tsok kanina dahil sinabi sa akin ng isang mong kaklase na si Mr. Cook ang may gawa nun" paumanhin ni Ma'am Cameron
"I understand po Ma'am Cameron kasi po napahiya din po kayo kanina sa klase dahil kay Sonny" sabi ko
"Im sorry talaga ah, sige na Mr. Parsons pumunta ka na kay Ma'am Catherine Hamilton baka mahuli ka" sabi niya kaya pumunta na ako
Naghintay pa pala sakin ang mga kaibigan ko
"Pasalamat ka Emile may nagsabi na hindi ikaw ang may kasalanan kundi si Sonny" sabi ni Claudia
"Speaking of Sonny, nasaan nga ba siya?" tanong ni Pascal
"Nandun sa cafeteria nag-rerelax lang" sagot ko
"Sasama ka ba sa mga magrereklamo bukas sa Dean's office?" tanong naman ni Natalie
"Ewan ko lang" sagot ko
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa tapat ng classroom ni Ma'am Hamilton isa sa mga paborito kong teacher dito sa university. Wala pa rin si Sonny rito pero ang barkada niya ay nandito na
"Pasok na" utos ni Ma'am Hamilton na siyang ginawa naming lahat
YOU ARE READING
GOOD GANG VS BAD GANG
Teen FictionAng kwentong ito ay ang matinding paglalaban ng dalawang gang sa loob ng kilalang paaralan dito sa Pilipinas. Good Gang: Tumutulong, Matapat, Loyal, Pinagtatanggol ang mga kaibigan, Matino Bad Gang: Nang-aapi, Nagsisimula ng away, Nananapak, Nananad...