Sonny's PoV
8:05 am na pero wala akong balak pumasok sa klase ni Ma'am Hamilton dahil tinatamad na talaga ako at gustong-gusto ko nang umuwi ng dorm
"Hoy boy bakit ka nandito wala ka bang klase?" tanong nung isang janitor na naglilinis dito sa cafeteria
"Eh pinalayas ako sa klase ni Ma'am Cameron eh tsaka ayaw ko nang pumasok sa klase ni Ma'am Hamilton" sagot ko
Napakamot siya ng ulo dahil sa sagot ko eh totoo naman eh. Pinalayas ako tapos tinatamad pa edi 2 in 1 na. Leche!
Lumabas yung janitor ng cafeteria aba'y ewan ko kung saan pupunta yung ungas na yun
Nanlaki ang mata ko nang may kasama niya si Dean Maxime Lefebvre. Paktay kang bata ka!
"Bye!" sigaw ko sabay takbo papunta doon sa pintuan sa likod ng cafeteria
Kinabahan ako ng habulin ako ng janitor kung saan ako tatakbo
Hanggang sa makakita ako ng isang malaking trash can kaya doon na lang ako nagtago
"Nasaan na yun?" dinig kong tanong ng ungas na janitor
Naramdaman kong sa iba siyang daan tumakbo kaya lumabas na ako sa trash can. Buti na lang kunti langvyung basura sa loob at karamihan puro papel
"Makapunta nga muna sa school ground" sabi ko sa sarili
Nang makapunta ako doon ay umupo muna ako sa isang bench at swerteng walang tao dito dahil oras ng klase, nilabas ko ang aking cellphone mula sa aking bag at nanood na lang ng Naruto
Ti-next ako ni Ken
*Hoy pre, nasaan ka na?*
Hindi ako sumagot sa message niya dahil hahanapin lang nila ako. Taksil pa man din yang mga plastic na yan
"Shit! Si Proffesor Evans!" matigas kong sabi kaya nagtago ako sa ilalim ng inuupuan kong bench at ang aking bag ay nilagay ko sa tabi ko
Nang makalagpas na siya ay tumayo na agad ako. Ang dumi na tuloy ng uniform ko sayang ang gwapo ko pa naman!
Nagulat ako ng makita na ako ng janitor na humabol sa akin kanina
"Boom!" sigaw niya kaya nagulat ako muntikan na tuloy mahulog yung IPhone ko "Hinahanap ka ni Dean Lefebvre sa office niya" dagdag pa niya. Shit hindi ako makawala sa pagka-akbay niya sakin ang laki kasi ng katawan nito!
"Kuya please patawad na oh" paghingi ko ng tawad kahit napipilitan lang ako "Ililibre na lang kita ng Ice Cream tsaka gatas" dagdag ko pa
"Ako wag mo kong suhulan baka upakan kita pag hindi ako nakapag-pigil!" sabi niya pa
Alam kong malapit na kami sa Dean's Office kaya mas lalong kumalabog ang dibdib ko dagdagan pa ng pangangatog ng tuhod ko. Nandito na kami ngayon sa tapat ng opisina ni Dean
*Knock Knock Knock*
"Come in" dinig kong sabi ni Dean
Binuksan nung janitor ang pintuan
"Please take youre sit Mr. Cook" utos ni Dean kaya sumunod ako. Loko kahit ikaw pa ang Dean dito uupakan kita ng malakas
"Bakit gumagala ka sa oras ng klase?" tanong niya "Ah janitor pakitawag nga si President Pourice Poarce" utos niya sa janitor ungas
Ang Boring din naman pala dito sa office na toh oo malamig pero wala man lang higaan para makatulog ako sa buong araw ng klase
"Answer my question Mr. Cook at kung hindi mo ako sasagutin ipapatawag namin ang magulang mo at pwede kang masuspinde ni President pati na rin ako" mahabang detalyeng boring na sabi niya. Dami mong alam tsaka okay na masuspinde kasi tinatamad na talaga ako eh pero ang problema hindi ako makakatikim ng pagkain sa cafeteria
Maya-maya ay dumating na ying janitor kasama si President Poarce
"Bakit mo ako pinatawag Dean Lefebvre?" tanong niya ulul kunyaring mabait pero godzilla din naman ang tapang niya
"May nahuli ang ating janitor na estudyante na gumagala lang sa oras ng klase" sabi ni Dean sabay turo sa wall clock
9:00 am na kaya kay Ma'am Hebert na kami isa sa pinakamagandang magtuturo dito sa university
"What is your name?" tanong ni president
"Sonny Cook" sagot ko
"Sino ang adviser mo para mapatawag natin dito?" tanong niya pa. May naisip akong magandang ideya para makaganti ako kay Prof Evans
"Si Proffesor Evans" sagot kong muli
Sumenyas si President Poarce dun sa janitor para yata ipatawag si halimaw na Evans na yun
"Mr. Cook kapag napatunayan ng adviser mo na nag-cutting class ka isususpinde kita pati na ni president at pwede pang mapatawag ang iyong mga magulang bukas" paalala ni Dean
Pota! Ang dali lang niyan edi sasabihin ko na inutusan niya akong umalis dahil ayaw niya sakin
"Mr. Cook where do you live?" tanong ni President Poarce sakin
Pero hindi ako sumagot pati ba naman kung saan ako nakatira aalamin nilang lahat
Maya-maya pa ay may nagbukas ng pinto at bumungad saming tatlo ay si Proffesor Walid Ty Evans
"Ikaw Sonny Cook bakit ka nag-cutting?!" galit na galit na tanong niya
"Bakit? Nag-cutting ba ko sa oras ng klase mo?" balik kong tanong
Hindi siya nakasagot sa tanong ko hay salamat duwag tong proffesor ko
"Please answer my question Mr. Cook, kaninong guro ka nag-cutting?" tanong muli ni Dean
"Kay Ma'am Cameron" sagot ko
Nagkatinginan sina Dean at President Poarce pero wala akong paki-alam sa kanilang dalawa basta gusto ko nang matulog ng buong araw
"Janitor ipatawag mo rin si Emma Cameron" utos muli ni Dean, nakakagigil na talaga si Dean feeling master ng university tsaka kung ako ang inutusan niya sisipain ko talaga siya sa mukha hanggang ma knock-out
YOU ARE READING
GOOD GANG VS BAD GANG
Teen FictionAng kwentong ito ay ang matinding paglalaban ng dalawang gang sa loob ng kilalang paaralan dito sa Pilipinas. Good Gang: Tumutulong, Matapat, Loyal, Pinagtatanggol ang mga kaibigan, Matino Bad Gang: Nang-aapi, Nagsisimula ng away, Nananapak, Nananad...