Mahal na pala kita

95 1 0
                                    

Mahal na pala kita

Written by GiaDii

This is my first poem.Sana ma enjoy niyo ^_^

Kung sakaling hindi ako mapakag-update sa mga On-going stories,gagawa po ako ng one shot :)

~**~**~**~**~**~**~**~**~**~**~**~**~**~**~**~**~***~**~*~***~**~**~*~*~*~*~***~*****~*~*

Sabi ko nung una sa naging bulinggit na lang ako

Dahil lagi na lang akong naiistress

Iwas dito iwas doon,lagi na lang akong OP dito

Sana man lang marating ko ang pinakamagandang success

Simula nung pumasok ako napansin agad kita,

At my first sight ko akala ko mas matanda ka pa

Iyon pala,magkasing edad lang pala tayo

Ang maganda pa,parehas tayong matalino

I wouldn't like to admit pero ikaw agad ang naging inspirasyon

2nd day of classes pa lang excited agad ako

Parang nagustuhan agad kita ng walang rason.

Pero wala eh,ganun talaga ang tingin ko sayo

Ikaw na ang inasahan nang magkaroon na ng Test

Ayokong isipin pero tingin ko ikaw ang highest

Pero nung lumabas na ang resulta

Himala ang hair ko ang haba pala

Kinabukasan lumapit ka sa'kin

Na parang tingin ko ang trono'y pinag-aagawan natin

Nagtanong ka para sa solusyon

Kung paano masasagutan ang problem na nasa kumplikadong sitwasyon

Nagulat na lang ako sa isang saglit,

Lumipas lang ang araw para ba tayong naglalapit

Lagi kang lumalapit sa kung ano mang merong problema

Di ko alam kung paano pero na-accomplished mo dahil natulungan kita

Naalala ko may  lecture tayo na related sa romance

Kaya utak ko mas lalong nag-advance

Di ko namalayan nandiyan ka pala sa aking likuran

At di ko namalayang nakwento sayo ang lovelife sa nakaraan

Feeling ko,FC ka ba o ano?

Parang halos ata ng tungkol sa'kin naitanong mo

Kinulit mo pa nga ako at inasar na parang isanlibong araw

Tapos kinabukasan,first time kang umabsent ang nasabi ko na lang 'aw!'

Aw kasi walang atang mangungulit sa'kin

Sa trono ko sa academics parang walang aangkin

Sa recitation feeling ko ako lang ang nagsasalitang mag-isa

Tsaka ko napagtanto,namimiss na pala kita

Pagkatapos nun pumasok kang muli

Pero nang magka eye-to-eye tayo parang bumalik sa dati

Narinig ko nga sa isang lesson di mo maintindihan

Nagtaka pa nga ako iba na ang iyong nilapitan

Ako mismo,ang lecture na yun hindi ko rin maintindihan

Nagpaturo ako sayo pero nakitungo ka na parang walang pinagsamahan

Ang masaklap pa,nalaman kong close pala kayo ng dati kong kaibigan

Kunwari manhid pero ang masaktan,hindi ko madepensahan

Sumunod nun nagkaroon tayo ng Extra Activity

Nagkatoon tayo ang nagkatabi

Nakatira na ata ako ng droga ng masilayan ang iyong ngiti

Sana nga,magkasundo tayong muli

Di ko man nalaman ang dahilan,pero wala akong pakialam

Kung bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa

Ang mahalaga ay bumalik tayo sa dating pinagsamahan

Makulit ka na naman,dahil diyan salamat kay 'tadhana'

Napansin ko sarili ko sa sumunod na mga araw

Kapag wala ka,wala sa hugis ang aking galaw

Kabaligtaran nito,nasa outer space ata ang aking ngiti

Laging ganito parang kinikiliti

Minsan pa nga pagkausap ka,ako ay nauutal,

Nakakakilabot dahil napansin mo ito

Ang palusot ko ito ay natural

"Yan ang katangian ng isang nagmamahal",sabi mo

Oo nga no?! Katangian nga pala yun ng taong nagmamahal

Pero wala namang couple ang nauutal sa isa't isa

Naalala ko may single pala na halos magmukhang hangal

Hindi siya nasalo,sobrang lakas kasi ng pagkakahulog niya

Kung ganun naconfirm ko na

Mahal na pala kita

Hindi ko alam kung saan o kailan nagsimula

Sana lang wag mo munang mahalata

Dahil ayoko munang masaktin ulit

Ang pagkabata ko ay hindi naging sulit

Isa pa wala na kong karibal sa recitation

Dahil sa word na 'love' , pababaan ng pride ang solusyon

Sana sa mga dadating pang panahon

Maramdaman mong hindi mo lang ako kakumpetisyon

Sana rin naman ang pag-ibig kong ito parang pagkain,

Kahit mahal na mahal kita may matitira sa'kin.

~***~***~***~***~***~***~***~***~***~

Na-enjoy niyo ba?

Thanks for reading :)

@GiaDii

 

Mahal na pala kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon