Chapter Thirteen: Miss Nerd

577 12 3
                                    

Meg's POV

"So, how's Australia?" awkward na tanong ni Shiela kay Leif habang kumakain kami ng breakfast dito na nagpalipas ng gabi si Leif.

Hindi na siya pinauwi ni Blair at baka makatulog daw siya sa daan.

Akalain mo un, jetlag pa siya nung pinagpapatay niya ung mga hostage nila ni Blair.

"Mabuti naman. Ikaw, I heard na President ka daw ng Student Council's ng Riverdale. That's a huge responsibility." sagot naman ni Leif kay Shiela.

"I know, but don't worry I got this. I am such a great President na hindi pa ako nangungurakot ni isang kusing at ever since na ako ang naging President ay bumaba na din ang nabubully sa school." proud na proud na sinabi ni Shiela.

"That's good." matipid na sagot ni Leif tsaka ulit nanahimik kaming lahat.

Wala man lang ni isa ang nagsasalita, tanging mga matatalim lang na mga tingin kay Leif ang umiiral.

Kung nakakamatay lang ang tingin siguro napatay na nila si Leif kanina pa.

Pero its been awhile nang nakita kong huli si Leif simula noong rinecruit niya sila Jake na mamuno ng Genesis pagkatapos namatay ni Liam na siyang leader ng grupo.

Pero I doubt na alam nila Jake 'yun dahil si Blair noon ang saglit na namuno sa Genesis bago naging sila Jake. Tsaka its going to be obvious naman kung malaman nila un.

"Bakit ka nga pala umuwi dito Leif? Vacation?" tanong ni Louis kay Leif.

"Nope.Umuwi talaga ako at dito ko na ipagpapatuloy ang pagaaral ko." paliwanag ni Leif.

"Umuwi o pinalayas? Bakit naubusan na ba ng eskwelahan sa Australia kaya ka nanaman nandito? Anong susunod England? Switzerland?" maangas na tanong ni Kyle tsaka niya tiningnan si Leif ng masama.

"Hindi, believe it or not pinauwi ako ni Nonno. Bakit natatakot ka bang maagaw ko ang pagiging heir nang Head ng family sayo, cous?" maangas din na tanong ni Leif kay Kyle sabay ngiti nito.

(A/N: Nonno: tawag ni Leif sa Lolo nila ni Kyle)

Oo nga pala, kahit kailan di sila nagkakasundo sa pagkakaalam ko. Hindi ko alam kung paano pero sa mga kwento ni Blair close naman.

Noon 'yun, pero ngayon kinamumuhian na sila nila Kyle kung ano man kasi ang ginawa nila Blair at Leif sa kanila.

Hindi ko naman kasi sila nakilala agad-agad, by occassions lang like parties and stuff pero si Leif matagal at isa siya sa mga bestfriends namin. I remember, nung the first time lang talaga naming nag-hang out na kami lang nila Shiela at sila Kyle.

"MEGUMI FATIMA SHIZOUKA~~!! Omygulay andito ka na!" sigaw ni Shiela sa akin sa loob ng coffee shop na halos pinagtitinginan kami ng lahat ng tao.

Tangina, kaingay niya talaga kahit kailan. Ilang buwan lang akong nawala pagkatapos namatay nila Liam at Joe tsaka umalis pa ng Pinas si Blair.

"Shutup, Shiela." nahihiya kong binulong kay Shiela sabay upo ko sa kabilang side ng table.

"So, kamusta ang Japan? May nakilala ka bang mga Japanese boys?" usyoso niya sa akin sabay taas ng kilay niya na may ibang meaning.

"No, and hindi ako pumunta sa Japan. Pumunta ako ng Korea, kasama 'yung pinsan ko at 'yung mga kaibigan niya." kwento ko.

The Secret Life Of A Gangster Queen (Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon