## ENTRY:Seatplan

62 1 0
                                    

Hoy! babaeng hampaslupa! Meron na tayong seatplan!! Excited na ako sana nalang malapit lang ako sayo :)).  Sana na nga lang talagang magkatabi tayo. At sana naman kavibes ko naman katabi ko. Usually kasi alternnate e, boy girl boy girl boy girl? You know.

Oo yan magkatabi tayo. Uy nagawa mo yung assignment sa Physics? Nakalimutan kong gawin e. hahaha. Alam ko kading may assignment, sadyang hindi na kaya ng coconut shell ko isolve kaya makikicopy nalang na ako. HIHIHI ^^V

Kunin mo nalang na sa bag ko ati!Kinuha ko naman sa bag niya, syempre mabuting mag-aaral to! hahaha. Oo ! alam ko ako na ang FEELING. Grabe, kaya naman pala hindi ko masagutan kasi mali yung nacopy ko sa board. Ayna.-__-

___

Good Morning class.

Good morning Sir! Good morning classmates! MABUHAY! :) ganyan kami ka lively bumati sa umaga! hahaha as in sigaw na sigaw! para cool. bulabugin ang buong school. hahaha

Say goodbye to your neighbors na. I have with me now your new seatplan class. Wala nang kokontra okay? At kung may problema kayo sa inyong mga seating arrangement, pwedeng pwede kayong magdala ng sarili niyong mga upuan at dun kayo sa labas. Okay?

Yes sir!

 Okay then, lets start:

 Jayronimo- Ashlee-Lindley

Kian-Riz-Mark

Phillip-Katness-Vernon

Aww. Mukhang hindi na ata kami magiging seatmates ni Katness ay. Inamets. Sana kahit papaano naman malapit ako sa kanya. :):

Jason-Kai Lie Buyya! Sa likod lang naman pala ako e. hahaha I can transfer seat XD

And Japp Say HUWAT?!?!  O.o Bakit hindi ako makagalaw?!

L

O

A

D

I

N

G

.

.

.

.

.

Bakit !Bakit! Bakit! Bakit! Nooooo!

Hoy! Umupo ka na dyan babae! Anong hinihintay mo? Buwan ng Wika? Dalawang buwan pa yun te! Hahaha. Haaay. Buti pa tong babaeng to. -.- palibhasa sobrang saya dahil hindi naman siya ang asa upuan ko. Amfufu.

Oo nga naman Kai, umupo ka na dyan? Why? Something wrong?  Sabi naman ni Phillip, wag niyang sabihing may nalalaman siya? GAWD! Hindi kaya sinabi ni Japp sa kanya? O.O halla, ano ba tong naiisip ko. AHHH! Makaupo na  nga lang na. Dibale, haharap nalang na ako kay Jason. 

Uhm, Hi Jason :)

 Oh, Kai, halika na umupo ka na dito para makaupo nadin si pareng tol. Mabait naman tong si Jason kaso kaso feel ko parang maoout of place lang ata ako dito. Parehas silang kasama sa varsity, halos ata ng nakapalibot sakin kasama sa team ah.. 

 Opo boss, andyan na po :) Buong maghapon, buong araw ang kausap ko lang is sila Jason, Katness and Phillip. Kung sakali naman groupwork lagi akong umiiwas pero may kakaiba akong napapansin dito sa impaktitang babaeng to. Mukhang iniiwasan ata ako ah? Ano naman kayang trip neto?

____

Tatlong araw ng nakakalipas, walang bago ganun padin naman kami nila Japp, kinakausap niya ako kung kailangan. Magkakatabi kami pero may kanya -kanya kaming mga mundo. At si Katness, tatlong araw na ding hindi pumapasok, nilagnat e,bukas pa daw papasok ang gaga. Ngayon ko lang napatunayan na pati ang mga Demonyita nagkakasakit. Akalain ko ba naman na hindi ako pinapansin dahil hindi ko pa daw pinapansin si Japp. Grabe. Kailangan ko daw maramdaman na hindi pansinin sa walang masamang nagawa sakin. Andaming alam talaga. hahaha Pero pagpapasok na siya saka ko na papansinin si Japp.Muahaha. Oo! ganun ako kawais! hahaha

Miss Bernal and Mr.Baren.. Anong ginawa niyong kasalanan at pinapapunta kayo ng ating punong guro sa kanyang opisina mamayang lunch break? aber aber. 

AYIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE! Hiyawan naman nila sa classroom.Pasalamat sila at wala ako sa mood kundi nakapatay na ako dito.

Ma'am? Ma'am Gemma? Seryoso ma'am? Halla, ano naman kayang ginawa ko? at bakit sa dinami dami si Mr. Baren pa? O.O     hindi kaya. . . . hindi kaya. . .

nalaman nila yung nangyari samin nung third year kami?? O.o

Yes Miss Bernal, kayong dalawa ng iyong Adonis na katabi. Bakit may problema ba?

Wala ma'am. Wala po.Pero sa Adonis ma'am meron!hahaha JOKE ^^Bakit ba kasi naaaburido ako ng ganito? Uwaaaa

Papayag ka ba dun Japp? Hindi man sumagot sa tanong ni man si Japp, ngumiti lang ito at napangiti.

Ayan ka nanaman. Wag ka nang maaburido dyan. Yan yung sa Curiculum framework. Nasabi na sakin yan ni Sir Burgos kahapon, hindi ko nga lang nasabi sayo dahil umuwi ka kaagad. Grabe, dati ako ang nagtataray sa kanya ngayon siya na. Bongga! Love ko to! hahaha Nagsawa na ata sakin ah? hahah

 Sorry naman daw po..

 Hihintayin kita dito sa classroom. 12:45. SHARP. Magsabay na daw tayong pumunta dun para isahang bigayan ng instructions, kasama natin yung iba sa kabilang sections.Napaiiling nalang na ako, bakit pati ito ang sungit sungit, menopause lang te? menopause?

_____

12:55 na! Gosh! Warning bell. Im dead. Ano ba yan. Nakalimutan kooooo. urghhhh. Nakakahiya naman sa kanila. Pagdating ko sa classroom nakita ko na si Japp. Nanlilisik ang tingin sakin, nakakatakot grabe..

Sorry, late ako. Ano pinagmeetingan niyo?

Magseseminar tayo.

Uhm, kelan naman daw?

27-30.

Huwat?!?!?! Birthday yun ni mama a :( Hanggang anong oras ba tayo sa 30? Sana naman wag masyadong late. :( Grabe naman, hindi ko man lang makakasama si mama sa birthday niya.

Birthday? Invited na ako ah? hahaha- hahahaha hay nako talaga tong Vernon na to. Hindi talaga magpapahuli sa kainan ah

Mga 4:00 siguro kasi mga 3 ang departure time natin e.Makakaabot ka pa naman siguro. Sige alis muna ako.-why so cold? hindi ba dapat ako ang nagtataray sa kanya??Grabe parang feel na feel ko na super sama ko pala sa kanya. Ngayon alam ko na yung nararamdaman niya. Sige na nga,papansinin ko na siya.

NEXT YEAR! hahahah kadii, papansinin ko na siya bukas talagang talaga :)))

____________________________

FREE: comment/ vote :)

LOVEONESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon