Wattpad ay palawakin

158 0 0
                                    

Sa mga lumilipas na mga panahon ay unti-unting umiiba ang galaw ng henerasyon at ng mga tao. Lalong lalo na sa pagsulat ng mga iba't ibang klase ng aklat at gayundin sa mga mambabasa ang pagsulat ng mga iba't ibang kwento o istorya ay nagmula sa totoong buhay ng mga manunulat o di kaya'y mga katangisip lamang ng mga manunulat na nagbigay inspirasyon sa mga kapwa manunulat gayundin sa mambabasa.

Ang mga mambabasa ay nag bigay sin ng halaga sa pagbasa at pagtangkilik sa mga iba't ibang kwento sa larangan pagsulat, ang pagsulat sa aklat at ng mga kwento ay nag simula kina Gat Jose Rizal at Francisco Balagtas na ang kanilang mga sinulat ay naging laman ng leksyon sa pag aaral at dahil sa kanilang pagiging malikhain marami ang nahikayat na magsulat ng mga kwento.

Unti unting yumabong ang pagiging dakilang manunulat ng mga pilipino sa panahon ng mga larangan, hindi lang sa aklat nakagawa ng kwento pati na rin sa paglikha ng pagkanta na isa rin sa nagbigay ng aliw at inspirasyon sa mga pilipino pati na rin sa buong mundo.

Sa mga nakaraang panahon ang pagsulat ng ng kwento ang kanilang kaligayahan na nagbigay sa kanila ng pagkakataon na ipahiwatig ang kanilang nararamdaman kung ito ba'y saya at lungkot sa bawat paglipas ng panahon na marami na ang mga taong larangan sa pagdating sa pag gawa ng kwento.

Lahat ng tao ay biniyayaan ng iba't ibang talento sa pagkanta, pagsayaw, drama at iba pa ngunit sa lahat talento ang pagsulat ang nag bigay ingganyo sa lahat ng tao dahil sa nakikita dito ang malikhain ng natatanging obra, obrang nangangailangan ng malawak na isipan, matamang isip at di mawaring imahinasyon.

Bilang isang mamayan karaniwan na sa ating lahat ang may kanya kanya na tayong libangan, hilig at interest na nagbibigay ng kasiyahan sa atin. Tila ang layo layo na talaga ng henerasyon noon at ngayon maraming bagay na ang nagbago sa pamumuhay ng bawat tao dahilan para masabing  tunay na nasa modernong panahon tayo.

Isang magandang halimbawa ang aspeto ng pagbabasa kundi dati rati , lahat ng mga kabataan aklat ang ginagamit sa tuwing nagbabasa ng mga babasahin ngayon dulot ng na rin ng makabagong teknolohiya ang mga imposilbe noon ay naging posible dahil sa kasalukuyang panahon nakapagbabasa na tayo ng maraming kwento na galing sa magkakaibang genre gamit ang ating computer, laptop at cellphone.

At isa pa sa pinakapopular na produkto ng teknolohiyang tinatangkilik ng maraming kabataan sa kasalukuyamg panahon ay ang Wattpad na isang uri ng Socia Networking Site. Ang Wattpad ay ang aksesibilidad nito ay para sa mga manunulat at mambabasa ang isa sa mga naging daan upang tuluyan itong makilala at hangaan ng publiko partikular na ang mga kabtaang pilipino.

Kaya naman habang tumatagal lalong dumadami ang mga taong nakakilala at sumuporta nito sa Wattpad wika ang siyang dahilan kung bakit mas maraming bumabasang kabataan ang gawa ng mga manunulat sapagkat nagsusulat sila gamit ang wikang alam ng mga manunulat at nang mambabasa dahil hindi gaanong malalim ang mga salita ang kanilang ginagamit.

Ang panitikang wattpad maituturing pa rin itong anyo ng makabagong panitikan, sa pamamagitan ng wattpad patuloy na pakikisabay ng mga kabataang manunulat sa mabilis na pag usad ng teknolohiya gamit ang computer at internet higit na nakikinabangang ang mga ito sa mabilis na pagkakatuto.

Ang panitikang wattpad ngayon ay patuloy na umaakit sa milyong milyong bilang ng mga mambabasa at manunulat lalong lalo na sa mga kabataan sa katunayan dahil sa wattpad nakilala ang mga ibang kabataanng manunulat.

Nagkaroon din ng pag asa ang ilan upang makilala at mailathala ang kanilang mga kwento ang iba pa nga ay nangangarap na maisapelikula pa ang kanilang mga istorya na sinulat  marami na rin ang natulungang mag-aaral sa kanilang aralin at proyekto dahil napakadali kasi nitong ma access kahit walang internet o load ang cellphone at maaring mabasa ang mga akda at kusa din itong uma-update kapag may internet na kaya naman ang mga hilig magbasa ay hindi kailangan pang magbitbit ng mga libro.

Ang wattpad nag bigay din ng magandang kasanayan sa mga mag-aaral na kagaya ko dahil natututo kaming magsulat at nahahasa din ang pagunawa dahil ang wattpad ay may malaking ambag sa ating bansa, dahil sa wattpad malilinang ang abilidad ng isang tao kasi nagsisimula sa pagbabasa hanggang dumating ang panahon na kailan may nabuo nang iba't ibang ideya sa kanilang isip dahil unti unting ng gagana ang imahinasyon sapagkat maraming na pulot na paraan, istilo at kaalaman sa mga binasa malaki ang naitutulong nito sa pag-unlad ng kabataan.

Base sa aking na basa magkaparepareha lang ang mga genre ng libro na tungkol sa pag ibig, ang wattpad may dalawang epekto ito na  positibo o negatibo na dapat huwag ipagliban ang mabubuting aral.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isang Kritika Ukol sa Panitikang WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon