Chapter 2

52 1 0
                                    

Kinabukasan, tuloy lang ang paggkukunwari kong may gusto ako kay sir..

pero kahanga hanga naman talaga siya ehh.. tuwing magpapasa ako ng seatwork at homework lagi nyang sinasabi

"YOOOWWWNN!"

tapos lagi nya ako binibigyan ng 100 na score.. magaling dw kase ako magconstruct ng words..

at siyempre na katulong yun sa pagpapanggap ko! pero sa tingin ko may infatuation ako sa kanya.. pero yun lang yun kase sir ko siya at kelangang galangin..

Halos lahat naman ng aming mga kaklaseng babae ay may crush kay sir.. yung mga lalake naman insecure kaya ayaw makinig sa discussion (mga bastos kase)

Isang araw.. dumating si sir na may dalang laptop at monitor..

Pinaggawa pala niya kami ng powerpoint! techie!!

pero ganun pa man.. di parin mapigilan ag kaguluhan sa room.. may nag lalangit lupa, kumakain, nagkkwekwentuhan.. tapos bigla nalang siyang umales at may mga estudyante nalang from the other section na kumuha ng gamit niya..

SIMULA NOON DI NA BUMALIK SI SIR..

edi ang lakas ng asar sakin ng mga kaibigan ko na ewan ko ba kung kaibigan ko nga!

Isang araw.. last day of exam..

Eh.. natural! 2 hours lag pasok namin so.. inaya nila akong gumala!

meron akong 100

si Jane naman na pagkayamanyaman ay walang pera.. tsk tsk tsk..

di namin alam kung saan kami pupunta..

and then kumain nalang kami sa bahay ng lola nila...

after a minute sabi ko..

"tutal nakakain na tayo ehh magwindow shop nalang tayo sa puregold!"

pumayag sila so pumunta maki sa puregold..

at habang naglalakad.. kinakanta namin yung "chiningchining" actually Qing fei te yi ang title nun kaso di rin namin maintindihan ung words kaya ginawan namin ng sarili naming lyrics... (walang katapusan na Chiningchnining.)

nang kami ay nasa sakayan ng tricycle, dalawa ang kinuha namin (ang tataba kase nila)

ako at si Jane ang magkasama tapos sila Faye at Len naman sa kabilang tricycle..

pagdating namin sa bayan, dumeretso ang mga loka sa jollibee..

"Huy! di pa tayo kakaen! kakakaen lang naten diba?" tawag ko sa kanila just before they enter..

"ahh.. oo nga pala" sabi ni Len sabay sarado ng pinto ng jollibee..

"so saan tayo pupunta?" tanong ni Jane

"sa Puregold nga diba?"

hhaaaayy may mga Alzeimer ata ang mga loka..

so pumasok kami sa Puregold.. wala kaming ginawa kundi magselfie, tmingin sa salamin, paglaruan yung monitor na nagsasabi ng presyo ng product... ikot ikot lang.. nagpapalamig.. free taste.. sumayaw sa harap ng CCTV (di ako kasama dun)..

hanggang sa naisipan nalang naming bumili ng chocolate..

syempre bago bumili ng chocolate selfie muna..

pumila kami para magbayad.. medyo mahaba ang pila kaya selfie ule.. upload nlng sa fb mamaya..

nang malapit na kami sa unahan ng pila.. nakita namin yung dati kong kaklase na dati rin nilang kaklase..

nagHI lang sila saaken and then yung dalawang magpinsan lumapit dun sa mga yun at naiwan kami ni Faye..

nakapagbayad na kami at lahat pero wala parin sila.. so umalis na kami at naghintay sa labas..

lumipas ang ilang minuto di parin sila umaalis..

"haaay.. ang tagal naman nila" reklamo ni Faye..

"hayaan mo na syempre yung mga yun matagal na nilang hindi nakikita tayo.. araw araw nang nakikita yung pagmumuka naten" sabi ko

lumipas pa ang ilang minuto..

"syempre sino ba naman tayo para mainterrupt yung reunion nila diba? minsan lang naman sila magkakakita ehh hayaan na natin."

Lumipas ang isa pang minuto..

"siyempre tayo yung kaibigan so tayo nalang yung magadjust kelangan natin silang intindihin kase KAIBIGAN lang naman tayo eh"

"teka teka! wala naman akong sinasabi ahh? Hannah! sabihin mo nga! naiinis ka na ano?" asar ni Faye

"hindi.. gawa lang ito ng mga hormones na pinoproduce ng hypothalamus ng utak ko.." Nerdy kong sagot..

"haay Hanah, ayan ka na naman..Ano kaya kung pagtaguan natin sila?" sbi ni Faye

""sigeh sigeh!!"

kaya tumakbo kami palabas ng Puregold..

pagkatapos nakita namin si Ariel..

"ARIIEELL!!" pagtawag ni Faye

napalingon naman si Ariel at bumati sa amin.

"Oh! bat kayo nandito? nasan sila Len?" tanong ni Ariel

"ahh wala lang nagikot-ikot lang.. nandun sila sa loob nakikipagkwentuhan sa mga dati nilang kaklase" sagot ko

"AHH GANUN BA.. oh! ayan na pala sila oh!" sabay turo sa dalawa sa likod ng salamin.

"Oy Hannah! yung card!" sabi ni Jane

"huh? anong sinasabi mo?" pagtataka ko.

"loka! di namin makukuha bag namen! akin na ung number!" sagot ni Len

"ahhh oo nga pala" sabay kapa sa bulsa ko para hanapin..

"alah! nasaan na!"

"HAAA???" nabulabog ang dalawa

"Joke lang! ito oh!" sabay abot sa kanila yung number..

So naglakad na kami papunta sa Jollibee na kanina pa nila hinihintay..

And then nakasalubong namin ang pinsan nung dalawa.. (yung tumugtog ng gitara)

"Hoy Earl!" tawag ni Jane

Ahhh so Earl pala yung pangalan niya... ang cute ahh..

So lumapit sa amin si Earl..

Grabeh ang tangkad pala niya..

"Saan kayo pupunta?" tanong niya with a cute voice.

"Sa jollibee kakain lang" sagot ni Faye..

Whaaatt?? kilala rin siya ni Faye at close sila???

"Faye, magkakilala kayo?" bulong ko sa knya..

"Oo! magkaklase kaya kami nyan noong elementary!" sagot ni Faye..

"Libreh mo kami Earl!" sabi ni Jane..

"Cgeh!" sabi niya..

Naririnig ko kapag nagkwekwentuhan sila na pag may allowance siya talagang manglilibre siya..

N/a

Hi po! tuloy lang po ang story hanggang next part! thanks!

Friend ZonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon