"Tatawagan na lang kita. Thankyou"
"Okay po. Salamat po" nakangiti kong sabi.
Pagkalabas ko ng building. Agad akong napahilamos ng mukha. Graduate ako ng marketing. Kelangan ko ng magtrabaho dahil dalawang buwan na akong palamunin ng magulang ko.
"Tatawagan??!!! If I know. Ilang tao na ba ang umasa sa tatawagan?! Maganda naman ako. Sexy kaakit-akit--"
"Ano ba inaapplyan mo?"
"Marketing staff" nakasimangot kong sabi
"Bakit kelangan maging kaakit-akit? "
Sino ba tong antipatiko na ito!
"Wala lang! Pakeelam mo ba? Saka sino ka------- Shet! Ampogi mo friend"
Tumawa ito ng malakas! Nawala na ang mata nito. Wala na laglag-panty moves na si friend.
"Hi I'm Race" ani ni poging chinito
He race faster at my heart. Shet na malupet!!
"Ako si Leaf. Currently unemployed."
"Would you mind to have some coffee with me? Don't worry I have work. May panlibre ako."
Ngumiti siya ng malawak. Okay lang malasin ngayon. Lord! Sya na ba.
"Pwede lunch na lang? Gutom na kasi talaga ako."
Tumawa ulit ito ng malakas "Lunch. It's a call. Kaya pa naman siya ng trabaho ko"
Sa isang restaurant sila nagpunta
Ang sarap ng sea foods! Tinignan nyang mabuti si Race. Maputi Chinito. 5'11 height. Bagay talaga sila. Maganda naman kasi siya. Di na siya lugi kay Race."Race. Gusto mo ba ako?" Tanong nya. Wala ng ligoy-ligoy.
"Woah! Haha. You're pretty but I'm in love with someone else"
"So? Ano to? Pafall.?" Nakasimangot nyang sabi.
Tinaas nito ang dalawa nyang kamay. "Hey I just find you amusing. I can help you to get a job"
Nagliwanag ang kanyang mukha. Sabi na e. Swerte to si Race. He race my pocket!
"Talagaaaa"
"Yes."
YOU ARE READING
Confession of a Leaf
RomanceSa gulat nya napabitaw siya sa sanga. Isa Dalawa tatlo.. Walang masakit. Unti-unti kong dinilat ang aking mata.. Wala na. Nahulog na ang puso ko!