Nakatingala siya sa malaking mansion. Oo mansion! Anong trabaho ang inoffer ni Race?
"Ano naman trabaho yan?"
"You'll be our P.A"
"You mean Personal Alalay?"
"Personal Assistant. Ikaw lang magchecheck ng schedule namin. Reremind mo lang kami ganun, tapos yung mga susuotin namin. Isipin mo nalang may 4 na baby ka na, pero saksakan ng gwapo!"
"Teka ha. Kami ka ng kami. Ilan ba kayo? At ano ba kayo?"
"We're a band. 4 members"
"Anooo. Aba'y yanung dami nyo naman. Mgkano ba yan"
"50k basic salary. With allowance. One day day off. "
Nanlaki ang mata ko. Shet talaga! Mabilis ako makakapagloan ng bahay nito! Single detached agad!
Kaya ngayon nandito siya sa binigay na address ni Race. Kaso kanina pa siya pindot ng pindot sa door bell wala namang nalabas. Nakita nya yung puno nakadikit sa bakod. Sa tantya nya madadala naman sa hilot kapag bumagsak siya. Buti na lang at nakamaong na pants siya. Inakyat nya ang puno. Patawid na sana siya ng bakod ng nakarinig siya ng busina.
Sa gulat nya napabitaw siya sa sanga.
Isa
Dalawa
tatlo..
Walang masakit. Unti-unti kong dinilat ang aking mata..Wala na. Nahulog na ang puso ko!
Isang bughaw na pares ng mata ang bumungad sa kanya.
"What are you doing?"Kahit na nakasimangot ito, ay hindi nakakabawas sa kagwapuhan nito. Nagtitigan kami ng ilang segundo. Na tila may sarili kaming mundo.
"Aaaray! Putangina!"
Dahil bigla nalang siyang binitawan. Okay! Wala na yung ilusyon ko sa kanya. Nawala na.
"Who are you?"
Ngumiti siya "Hi I'm Leaf, 'ABand' new assistant. I was hired by Sir Race.
"You don't look like an assistant. Stalker ka ba?" Nakakunot noong sabi nito.
Kalma Leaf. . Kalma!
"Hoy! Para sabihin ko sayo! Ni hindi ko alam na nageexist kayo, lumapit lang sa akin yang si Race, Saka wala akong pera, para magtyagang mang instalk! Kahit na------"
"You are too noisy for a PA. You are fired!" Nababagot na sabi nito
Nanlaki ang matang tinignan niya ang gwapong nilalang na ito.
"FYI! You cannot fire me! First, hindi ikaw ang employer ko, it's Sir Race. Second, hindi ako mag iingay kung hindi mo ako pinaratangan. Mapanirang puri ka rin eh! and last but not the least, hindi talaga ako stalker promise" tinaas nya pa ang kanang kamay niya.
Lalong kumunot ang noo nito.
Napakaangas. Ang gwapo talaga kahit diablo ang ugali"Ang ingay naman----Hi Leaf! You're here!" Ani Race na kalalabas lang at kasunod ang ang dalawang naggagwapuhang dalawang lalaki. Yung isa ang mukhang koreano at yung isa naman ay mukhang western. Lahat sila ay nakangiti maliban dito sa impaktong gwapo na kaharap niya.
Ganda ko kaya! Parang lugi pa sa akin eh.
"Sino siya Race? Pakilala mo naman ako!"
Inakbayan siya ni Race, amoy baby powder!
"Guys meet Leaf, our personal assistant. This korean guy here is Park Jae Jin, and this one with blonde hair is Eiljandre Bautista at ang sumalubong sayo ay si Lukas San Miguel ang aming gwapong vocalist"
"She's annoying, Race fire her!" Pagkasabi ni Lukas ay pumasok na siya sa loob ng bahay.
Akmang hahabulin niya ito pero pinigilan siya ng akbay ni Race
"Chill Leaf! Kakabreak lang kasi nila ng girlfriend niya, Anyway kamusta naman ang pagpunta mo dito? Bakit di ka tumawag?"
"Wala akong load eh" parang balewalang sabi niya.
Nagtawanan ang tatlo.
"I like her already, Wanna date me?" Ani Jin
"Hep! Back off. She will be part of our family. She'll be our sister" ani Race
Ngumuso si Jin "Pero bakit, dating nirereto mo siya kay Lukas. Binibuild up mo pa si gago. Gwapong vocalist my ass"
Napakunot noo siya. Yung monggi na yun. Binibuild up ni Race?
"You can say that I am the best drummer and the most good looking man" sabi naman ni Eiljandre
"Shut up Kids! Im not. Leaf, Eli is our drummer and womanizer. And Jin guitarist and another womanizer. Lets get inside." Nakangiting aya sa kanya ni Race sa loob
Agad naman sumunod ang dalawang kolokoy.
" We heard you! Mapanirang puri ka!" Sigaw ni Eli
YOU ARE READING
Confession of a Leaf
RomanceSa gulat nya napabitaw siya sa sanga. Isa Dalawa tatlo.. Walang masakit. Unti-unti kong dinilat ang aking mata.. Wala na. Nahulog na ang puso ko!