Minsan maswerte pala ang mga may amnesia, kasi para silang computer na pag-nareformat wala ka nang bakas na makikita sa mga virus na sumisira sa sistema nito.
Sana may amnesia na lang ako para mabura ang history ng nakaraan na hanggang ngayon bumabagabag sa aking kasalukuyan.
Habang nagkakape sa cafeteria, kami ay agad na pinatawag ni Manager Lee para sa isang meeting. "Pinatawag ko kayo para sabihin na sa atin napunta ang account ng isang insurance company. Tayo ang naatasan gumawa ng tema o ideya na kung papaano maikakabit ang isang babae sa isang sitwasyon. Yun lang and you may continue the break." walang hinga-hingang pagsasalita nito pagsasalita
Pabalik na sana ako ng bigla akong hilain ni Axl ang naging malapit na kaibigan ko dito sa kompanya, siya ang nandyan kapag kailangan ko maglabas ng aking hinanakit sa buhay.
"Steph! Sa tingin ko this is it eh.. Its time na ang kwento mo ay maisapubliko,nasasayang lang laway mo sa akin kaka-reminisce tuwing dumadating ang araw ng.." sabi nito na natutuwa sa kanyang naisip
"Ayoko, ayoko na ang memories na paulit-ulit na nagpapa-alala sa akin na naglubog sa akin pababa ay kakaawaan. Ayokong maramdaman din nila kung gaano ako ka-miserable. pagtanggi ko
"One time bigtime lang to at kung sa grupo naten makukuha ang idea malaki ang kikitain naten. pagpapaliwanag nito
Napabuntong hininga na lang ako sa kanyang sinabi pero sa kabilang banda alam ko na makakatulong ito para tuluyan na akong makalimot.
-------------------------------------------------------------
Marso 16, 2003 araw ng kasal ko. Ito ang araw na sa tingin kong pinaka-espesyal sa lahat. Sa bagong landas na aking tatahakin, kahit anong anong pagsubok ang dumating magkasama namin itong reresolbahan.
Di pa man din nakakapasok sa simbahan ang sasakyan, tanaw ko na parang nagkakagulo ang lahat kaya ang tuwa na aking nararamdaman ay napalitan ng takot.
Pagkarating sa harap ng simbahan, tinanong ko sila kung anong problema. Kung nasa loob na ba ang mapapangasawa ko. Kung bakit tensyonado ang lahat.
Walang nagsalita, umimik. Parang may bumara sa kanilang lalamunan sa aking mga tanong.
"Anak." si mama "Ma-ma-may nangyari." garalgal ang boses nito.
"Ma ano? Anong nangyari?
Bigla na lang itong napaiyak bago magsalita
"Nabangga ng rumaragasang truck ang kotse ni Ivan.
Nanlumo ako sa aking narinig, di ko alam ang gagawin dahil parang sasabog ako kahit anong oras.
Imbis na sabihin na "Hindi, hindi totoo yan!" pilit kong pinakalma ang sarili ko para maitanong kung saan to dinala.
"Ma saan? Saang ospital sya dinala? Please sabihin mo ma.. dahil gusto ko sya makita.. gusto kong matuloy ang kasalang ito."
Pero imbis na sagutin ang tanong ko, niyakap na lang ako ni mama.
"Steph." humihikbi na ito sa pagkakayakap sa akin. "Baka hindi mo kayanin, anak.."
Doon na ako sumabog, bumitaw sa pagkakayakap at mabilisang tumakbo para lisanin ang lugar.
Wala mang nakuhang sagot, napagpasyahan kong ikutin ang malalapit na ospital mahanap lang sya.. matupad lang ang aming pangarap kasama sya.
Makulimlim noon, nagbabadyang bumuhos ang ulan na tilang nakikisimpatya sa aking pagdurusa.
Ilang ospital na ang naikot ko pero walang Ivan Perez na dinala dito.
Sa pagbuhos ng ulan, unti-unti hanggang sunod-sunod at lalong lumakas ang patak.
Pinagtitinginan na ako ng mga tao na sa tingin nila ay isang kahibangan ang aking ginagawa.
Takbo dito, takbo doon ng madapa ako sa gitna ng paghahanap. Ang traje de bodang noon na kumikinam sa kaputian ay ngayon nababahiran ng putik.
Wala akong pakialam kung malinis o madumi nya akong makaharap basta gusto ko lang sya makita .
Nang may matanaw akong hospital, agad akong pumasok at agad nagtanong kung nandito ba sya naka admit.
"Yes maam, dinala sya rito around 3:00 pm."
I like the idea ha so whats next for her? tanonng ng client
Let the company to find out. wika ni Vanessa
BINABASA MO ANG
The Wise Heart
Teen FictionPusong minsang napaglaruan ng tadhana at ngayon takot masaktan muli