Hapon noon, dagsa ang mga sasakyang pauwi at mga sasakyang papunta pa lamang sa kani-kanilang destinasyon.
Papunta ako sa kompanya na humahawak sa akin bilang artista. Oo artista, artista na umaarte para sa iba. Pilit na nagpapasaya para sa iba. Taong pumepeke ng sariling damdamin para sa iba.
Sa aking bintana, natigil ang aking pagmumuni-muni ng may kumatok na isang bata. Busabos at nangangayat, nanghihingi ng limos para sa kumakalam na sikmura.
Kukuha na sana ako ng limang daang piso na sa tingin ko ay sakto para makakain sya ng 3 beses kahit sa ilang araw lang. Nang marinig kong pina-alis ito ng aking driver. "Bakit mo pina-alis?" tanong ko. "Ah eh.. kasi Sir hindi dapat tayo basta-basta nagtitiwala sa mga taong panlabas lang ating nakikita dahil hindi natin alam kung ano talaga ang intensyon nito. Baka imbes na ipangkain baka sa kabalustagan lang gamitin ng bata ang pera nyo sir. Nasayang na ang pera nyo pati tiwala na pinanghahawakan mo ay masayang lang din." - sagot
Napaisip ako bigla hindi pala dapat ibinibigay ito sa mga di mo lubusang kilala dahil mahirap maloko..
Lahat gustong maka-usad. May ilang nainis na, walang choice, at nanatili para maghintay.
Ilang oras mahigit ng makarating na kami sa kompanya. May pag-uusapan daw tungkol sa aking bagong endorsement. Patakbo ko ng tinungo ang kwarto na pagmemeeting nito. "Im sorry, Im late!". -pagbungad ko
Lahat sila natigilan pati ang babae sa harapan na mukhang nagpepresent ng kanyang idea sa proyekto. Ngunit malaki ang naging katanungan sa aking isipan dahil sa kanyang mga mata makikita mo ang sakit sa pusong minsang iniwan kang luhaan

BINABASA MO ANG
The Wise Heart
Teen FictionPusong minsang napaglaruan ng tadhana at ngayon takot masaktan muli