Chapter 9 Starting Point

51 0 0
                                    

Brian POV

Kinagabihan nagising ako na medyo maayos na ang pakiramdam kaya agad akong bumaba at pumunta sa kusina upang tanungin si manang. Dahil aware naman ako sa kung anong nagagawa ko pag may sakit.

Manang? tawag ko dito.

Oh iho bakit? may masakit ba sayo? tanong naman ni manang sa akin.

Ahmmm manang ano ahmm ano na naman po ba nagawa ko sa inyo?  Tanong ko kay Manang dahil sa totoo lang kung ano man ang nagagawa ko pag may sakit ako di ko iyon natatandaan.

Sa akin wala pero kay bee ba yun? Yung magandang babae na kasama mo kagabi. Ay basta siya naku bata ka! Dahil sayo hindi siya nakapasok. Aba’y yung bata lang na yun ang nagtiyaga na mag-alaga ng matagal sayo. Sagot nito sa akin at bigla akong napa-isip.

Si Freak? Nagtatakang sambit ko.

Itong batang tho hindi naman siya Freak! Basta iho siya lang nakatagal sa pagbabantay sayo. dagdag pa ni manang.

Sige po akyat na ko. sabi ko napang habang iniisip kung ano amg nagawa ko sa Freak na iyon.

Hindi ka na ba kakaen? oo nga pala ang—hindi na natuloy ni manag ang sasabihin niya dahil nagsalita agad ako.

Hindi na po sige po. bigla akong nawalan na ko ng gana sa sinabi ni Manang kaya umakyat nalang ako para makapag-isip isip.

Tsk tsk mga kabataan talaga ngayon hirap intindihin.hindi pa niya ko pinatapos aba’y ngayon ang uwe ng ate niyang si Alexandra tsk tsk.. may sinabi pa si manang pero di ko na naintindihan pa ng maayos bahala na.

Bakit kasi dami ng magbabantay sa akin si Freak pa? Ano kayang ginawa ko sa kanya? aishh baka baka..hindi naman siguro? Sana di ko ginawa kung ano man ang nasa isip ko.

Oh Bry kanina mo pa sinasabunutan buhok mo any problem? natigil yung pag-iisip ko ng biglang my nagsalita kaya napatingin ako dito.

Tss..pwede ba Ate Alex.. Oo ate ko lang naman ang dumating sa sobrang pag-iisip di ko na namalayan ang pagpasok niya.

Balita ko kagagaling mo lang sa sakit. Ok ka na ba? At ano na naman ginawa mong paglalandi kay manangSabi na dadagdag pa ito sa pangaasar alam niya kasi ang nangyayare pag may sakit ako.

Wala! kanina ka pa ba dito?? Asar na tanong ko sa kanya.

Hindi ngayon lang kaya nga kanina mo pa ko kausap ee. sabay ngiti nito nakakaasar talga ang isang ito kung minsan di sumasagot ng maayos!

Makakaalis ka na ate sagot ko sa kanya ng nakangiti din.

Di mo ba namiss si ate Bry? Ineexpect ko pa naman na matutuwa ka. tanong nito na nagpapacute pa. Oo ganyan siya madalas magpacute.

Love HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon