TMOAK 3

79 1 0
                                    

Chapter 3

Erin’s POV

Maaga akong papasok ngayon. Wala lang maaga kasi akong nagising eh. Hindi ko na inantay magising yung dalawa kasi ang sarap pa ng tulog nila lalo na si Rain. Napuyat ata kahapon. Kinwento ko kasi sa kanila yung past namin ni Ji.

Mamaya ikwekwento ko rin sa inyo. Lol. Nagtataka kayo kung bakit gabi na magkakasama pa din kami? No, hindi kami nag overnight or something. We’re living in the same roof kasi. Malaking bahay ha. Regalo samin ng mga mom namin kasi 17 na raw kaming lahat at kelangan na daw naming maging independent. Cool diba?  Binigyan pa nga kami ng kanya kanyang kotse kaso hindi pa daw namin pwede i-drive kasi under age pa.

Pero nang dahil sa magaling ako at maganda ako, drive drive ko ngayon ang BMW M9 ko. I love this car! Hihi. Paalis nako ng subdivision namin ng may madaanan akong malaking bahay. Huminto muna ko saglit para matignan. Shizz ang laki lang! Tapos ang daming cars sa loob. Ang yaman naman ng may ari neto! Panigurado mga negosyante may ari-

TAMA BA TONG NAKIKITA KO?? Si Baekhyun iniluwa ng bahay na yun kasunod niya si Chanyeol? Sa kanila ‘to? Nakatira sila sa isang bahay? Omg! Magkapatid ba sila? O baka naman may kabaklaang nagaganap! Hindi ‘to pwede akin lang si baek akin! Natigil naman ako sa pag iilusyon ko ng lumabas yung may rainbow na buhok at si Kris. Lahat sila naka-uniform. Ang aga rin nila papasok ah. So it means na hindi lang pala kay Chanyeol at baek ang bahay na’to? So kanino to?

ISIP

ISIP

ISIP

ISIP

ISIP

ISIP

ISIP

ISIP

ISIP

ISIP

ISIP

ISIP

ISIP

ISIP

ISIP

ISIP

Brainblast! Aha! Alam ko na! Parang situation din namin! Sa buong barkada nila ‘tong bahay! Kaya siguro maraming cars kasi tig iisa sila! At walang baklaang nagaganap! Ang talino mo talaga Erin. Mwahahaha.

Yes alam ko na rin yung bahay ni Baek at malapit lang pala ‘to sa bahay namin. Pwedeng lakarin. HIhi. Dadalawin ko nga siya minsan. Kinikilig ako. :”> Pero teka, kung silang lahat ay dito nakatira, paniguradong andito rin si Ji! Aish! No, okay lang yun. Wala na naman kami eh. Wala nalang yun.

Sumakay yung apat si iisang sasakyan. Wow!!!! Galaxy Ferrari 458! Ang ganda!! Ang artistic siguro ng may-ari nito!!! Kanino kaya ‘to? Rich kid! Hindi sila Convoy? Baka nagtitipid sa gas. Lol. Nakita ko na si Kris yung umupo sa driver’s seat. Siya mag-da-drive? It means na sa kanya ‘to? O mali ako? Ang cool niya talaga! Tinuloy ko na ang pag-da-drive ko. Mauna nako sa kanila.

Pagdating ko sa school ay konti palang yung tao. 6 palang kasi eh 7 nagsisimula yung klase. Bakit ba eh gusto ko maaga pumasok ngayon eh. Walang basagan ng trip. Bigla nalang sumagi sa isip ko yung mukha ni baekhyun. Kyaaa. Kinikilig ako. Ang cute cute niya kasi talaga. Hagikhik lang ako nang hagikhik habang naglalakad sa corridor. Lakong pake. Wala namang nakakakita sakin eh.

Pagdating ko sa classroom, nandito na siya. Kilala ko na agad likod palang. So nauna pala siya sa mga kabarkada niya? Kelan pa naging Early bird to? Dahan dahan akong pumasok sa classroom at umupo sa upuan ko. Buti nalang nasa may bungad to! Hayy, Ayoko kasi siyang magising eh. Di ko alam gagawin. Syempre ano ba kayo may awkwardness parin no! At sige aaminin ko, andun pa rin yung dug dug dug tuwing nakikita ko siya pero hindi na katulad nung dati.

The magic of a kiss [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon