May stage fright ako. Nanginginig, nanlalamig, at namamanhid habang nakatayo ako sa harapan ng lahat. Kasabay ng pagtulo ng mga pawis mula sa noo ko ang pag-iingay ng mga kabog sa dibdib ko. Lumakas pa ito nang lumakas. Bumilis pa ito ng bumilis.
"A-a-ako siiii Yo- - -nah. Yonah!"
Ang weird ko noh? Pero honestly, yun lang talaga ang mga salitang nabanggit ko nang mga oras na yun.
Malamang nagtataka kayo kung ano ang eksenang yun. Nagpakilala lang naman ko sa harap ng mga bago kong kaklase. Oo, bago sa akin ang lahat. Panibagong school, panibagong teachers, panibangong friends at higit sa lahat . . .panibagong love life. . . . .
Hahahaha love life talaga? Well, hindi ako nagtransfer sa school na 'to para maghanap ng love life. Hindi talaga. . .Promise!
Pero kasi, ang love ang nakahanap sakin dito.
"Excuse me lang po. Sino ho sa inyo si Lance?", tanong ko sa limang binata na nag-go-good time good-time dun sa may ilalim ng puno. Apat ang nakaupo, at in fairness, lahat gwapo. Ewan ko lang sa isang nakatayo ngunit nakatalikod sakin.
Teka! Kung itatanong mo kung bakit ko hinahanap si Lance, yun ay dahil siya raw ang Class President namin. At sa kanya ko iaabot ang mga school files ko dun sa dati kong school.
Sino si Lance? He plays one of the biggest part of my story.
"Ako si Lance"
Tumigil saglit ang mundo ko nang mga oras na yun. Mula sa mahahaba nitong pilik mata, tangos ng ilong at mapupula at maninipis na mga labi, nadala ako. Nadala ako sa kagwapohan ng taong humarap sa akin.
Ngumiti siya.
Ngumiti siya sabay sabing, "If you stare at me a little longer, you might fall in love with me"
Siya pala si Lance, ang Class President namin. Akalain mo, gwapo na nga, responsable pa. Kaya ayun, na-starstruck ako. I smiled back at him.
"So . . . anong section ka?"
Anooooo??!!! Shunga lang? Bakit naman niya natanong kung anong section ako eh samantalang magkaklase lang naman kami?
"Section 4-B", syempre kalmado parin akong nagresponse kahit napapansin ko na ang ka-engotan niya.
"Ohhh," he said.
Then yun na nga. Akala ko marerealize niya na yung katangahan niya. Pero hindi eh. Nakakaasar na pagtatawanan niya ako at ako pa talaga ang iniisip niyang hibang.
"Na-starstruck ka kaya gusto mo na kaagad lumipat sa section ko?", tanong niya na mas nagyabang pa nung sinabayan siya sa pagtawa ng mga kasama niya.
"Seryoso ako", short response ko.
"Totoo yun Coiz, Transferee at bagong kaklase natin siya", sambit ng isa sa mga kasama niya.
Hayyy naaaku, epal talaga. Hindi ba talaga niya napapansin na siya ang pinagtatawanan ng mg kasama niya? Hmmm!! . . . Pero anyways, nagising rin naman siya agad.
Teka muna. . . Marahil nagtataka kayo kung paanong hindi niya ako kilala where in fact nagpakilala naman ako sa harapan nila kamakailan lang. Well, siya lang naman ang nag-iisang estudyante na sarap na sarap ang tulog habang nagpapakilala ako sa klase. Weirdo no? Paano naging Class President ang ganun ka-immature na estudyante? So ganun na pala ngayon? Kagwapohan na ang pamantayan ng pagiging nominado?
"Tigilan mo na nga 'yan K," sabay tayo ng isa pang matipunong lalaki at lumapit at ngumiti sa akin. "Ako talaga si Lance. Pasensiya ka na kung napagtripan ka ng kaibigan ko"
Wait! So hindi siya si Lance? Myyygaaaad, pinagtripan lang pala ako!!!
Arkey Munoz Herrera o mas kilala sa pangalang K . . .the most flirtatious at Paasa Guy of the century. Yun ang tanging bansag sa kanya ng buong campus. Sa katunayan nga, nagiging apelyido niya na yun. And as expected, he doesn't care at all. Tingin ko he loves being called PAASA. Although hindi ko siya ganun ka kilala, yun na ang natanim sa isip ko mula nang makilala ko siya. At si Lance, siya ang pinaka matalik na kaibigan ng Sickong yun.
Iba si Lance kay K. Sincere yung mga hi's niya sakin. Actually sa aming lahat, hindi lang sa akin, I guess. Everytime na nagkakasalubong kami, lagi niya akong ningingitian. At dahil bago ako sa school, he took responsibility on me. Minsan nangungumusta siya, tinatanong kung how do I feel about my new school. At nagiging kampante naman ako lalo na nung sabihin niya sakin na I can always run into him whenever I need help. Lalo na sa mga oras na yun kung kailan nag-aadjust pa ako.
Kung itatanong mo naman kung how do I feel about him, well, I'm not quite sure about it. He's so perfect and freaking cute. Siguro dahil sa singkit nitong mga mata at pagiging confident sa sarili kaya mukhang mabentang mabenta ito sa mga babae. Napakadaling lapitan at sobrang bait. No wonder kung bakit siya ang naging Class President.
But there's one thing na sobrang ipinagtaka ko. A girl named Lyka told something on me. . .
"He's flirt, loves fooling around every way he can, just like how K does. Be careful with them"
BINABASA MO ANG
My Flirtatious Guy
Romance"What's good in him? He may look perfect, but. . .he is Slutty, Flirty, Idiot and Freaking annoying. He likes to tease anyone, fooling around whenever he can. So what's good in him?", ang tanong na lagi kong inuulit ulit sa sarili ko. Until he becam...