Seriously? Si Lance ba talaga? I don't think so. Baka naman dahil lagi silang magkasama ng sicko at mayabang na si K kaya nadadamay siya sa kabaliwan nito.
Nagtaka ako, but obcourse hindi ako agad naniwala. Oo nga, minsang hinahawakan niya ang ulo ko, to comfort me, I guess. Pero hindi lang naman ako kasi he is fair enough to everyone. So despite of what Lyka has said to me, pipiliin at pipiliin ko paring tingnan every little good thing about Lance, which I think he deserves.
Unlike K, who likes to tease anyone, bothering them every way he can. Ang laki ng pinagkaiba nila, sobrang laki. Paano ko nasasabi yan?
"Baby!!!" pagpapapansin niya sa isang magandang binibini na minsang dumaan sa classroom namin. At nung sabihin ni Anthony na boyfriend ng babae yung binatang nakasunod dito (na halatang nagalit sapagkat matalas nitong tinitigan ang sira ulong si K) agad tumalikod si K sabay kanta ng "Baby Shark doo doo doo doo." Hahahaha 😂 Kaya minsan natatawa nalang kami sa mga kabaliwan niya.
Sabi nila marami raw nagkakandarapa kay K. Well hindi ko kokontrahin yun. Mula ba naman sa ganda ng hubog ng katawan at kinis ng kutis ng binatang yun (masarap pangdisplay ika nila), sinong mag-aakalang sicko yun?
Seriously. . . What's good in him?
He may look perfect on the outside appearance . . . but really slutty enough. Kapag nawala yung good looks na meron siya, I keep on wondering kung ano na lang ang maipagmamayabang niya. "Slutty, flirty, idiot and freaking annoying" iilan sa mga bagay na naiisip ko whenever his name cross on my mind.
By the way, di ko pa naipapakilala si Krystal, the rich one. Isa yata siya sa pinakamayamang estudyante sa buong campus. Bakit? Nagdonate lang naman yung parents niya ng napakaraming libro worth of 100,000 pesos sa school namin. Hanep no? I'm just nothing compared to her. I'm just a simple girl na nagsisikap mag-complete uniform araw-araw kahit 3 pairs of uniforms lang ang meron ako. Sayang din naman yung 5 pesos na fines noh! Ganun ako ka-kuripot. Well hindi kami mayaman so bakit ako magsasayang ng pera? Pero ang 100,000, malamang barya lang yun para kay Krystal.
Well anyway, kahit mayaman siya, hindi naman siya mayabang. She enjoys being down to earth with friends na hindi mayayaman.
Pano siya nasali sa kwento ko? K loves to tease her. K always finds a way just to be noticed by her. Does he really like her? Well hindi yun ang sagot na natatanggap ko mula sa iba.
"K just loves to flirt, that's all. He's never been serious," yun din ang sagot sakin ni Krystal nung nagkaroon ako ng pagkakataon na tanungin siya.
Hindi naman sa nakiki-echos o nakiki-tsismis ako. Sadyang nagiging araw-araw na eksena lang talaga yun sa classroom namin. He keeps on bothering Krystal kahit deadma siya dito. Dahil ba mayaman si Krystal? Nakuuu ewan! Parang hindi naman yun ang dahilan kasi mayaman din naman si K. So ano ang dahilan niya? Just to flirt?
Waiiiit!!! Why should I care? Eh ano naman ngayon kung magkamabutihan sila? Love matters nila yun. At isa pa, hindi ako dapat mainvolve sa flirt na yun.
But it doesn't turned out that way. He became my matter paglipas ng panahon. How did it happen? Let me tell you paano nagsimula.
BINABASA MO ANG
My Flirtatious Guy
Romance"What's good in him? He may look perfect, but. . .he is Slutty, Flirty, Idiot and Freaking annoying. He likes to tease anyone, fooling around whenever he can. So what's good in him?", ang tanong na lagi kong inuulit ulit sa sarili ko. Until he becam...