Alexandra's POV.
Masakit maiwan lalo na at alam mong hindi mo alam ang dahilan.
Maiwan at umalis ng walang paalam.
Ngumiti habang may luha sa mga mata.
Tumawa kahit mabigat ang dinadala.
Hanggang kailan ?
Hanggang kailan mo dadalhin ang mga bagay na kahit ang taong minahal mo ay wala ng pakialam sa nararamdaman mo.
Umaasa ka na sana bumalik siya sa piling mo kahit alam mo sa sarili mo na malabo na itong mangyari.Sana matapos na ang lahat. Lahat ng sakit na aking nararamdaman sa araw at gabi na dumadaan. Iyan ang laging sinasabi ko sa aking sarili.
Ang makalimutan ang nangyari sa madilim na kahapon na nag-daan.
Ngunit paano? Saan ako mag-sisimulang kalimutan ang lahat kung ang sarili ko ako ay nahihirapan at nangangapa kung saan, kung saan malayang bumabalik ang ala-alang nag-daan na pilit aking kinakalimutan.
"Gusto ko ng kalimutan ka aking mahal."
Huling salita bago ako tuluyang balutin ng antok at maka-tulog.
Nagising ako ng may maramdamang tumatapik sa aking mga pisnge, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata upang makita kung sino ang taong ito.
Sa wakas ay gumising ka rin habang ginugulo ang aking buhok na may ngiti sa kanyang mga labi- Kuya Matthew
Tsk! Ginu-gulo mo lang naman yung buhok ko kuya.
Hahaha alam na alam mo talaga ang ugali ko bunso- Kuya Matt
Napangiti na lamang ako sa tinuran ng aking nakatatandang kapatid bago ako tuluyang bumangon at pumasok sa banyo.
Narinig ko namang sumara ang pinto ng aking kwarto. Ibig sabihin lamang ay lumabas na ang aking kapatid.
Salamat kuya ang tanging naibulong ko sa aking sarili, salamat dahil palagi kang nasa tabi ko upang ako'y pasayahin at patawanin.
Nang matapos akong maligo at mag-suot ng damit ay lumabas na ako para mag-tungo sa hapag kainan, naabutan kong nag-aayos si Mama ng aming almusal at nag-babasa naman si Papa ng newspaper habang umiinom ng kanyang paboritong kape.
Si kuya naman naabutan kong abala sa pag-pipindot ng kanyang cellphone kaya hindi niya namalayan ang pag-upo ko sa kanyang tabi.
Siguro ay ka-text niya si Ate Kristel ang matagal na niyang girlfriend na ngayon ay fiance na niya. Ang galing nga e, childhood friends pala sila dati tapos ngayon ikakasal na. Masaya ako para kay kuya dahil sa wakas makakasama na niya yung taong mahal na mahal niya. ^_^
Nag-simula na kaming kumain ng sabay-sabay habang nasa kalagitnaan kami ng pag-kain ay napatigil ako at hindi ko inaasahan ang sinabi ni Papa.
Ang banggitin ang pangalan ng taong matagal at gusto ko ng kalimutan si Gabriele Monteverde, ang taong iniwan ako ng walang dahilan at walang paliwanag at ngayon ay bumalik ng hindi ko rin alam ang dahilan.
Ganun rin si Kuya Matt na natigil rin sa kanyang pag-kain at sabay na tumingin sa akin na halata sa kanyang muka ang pag-aalala at sa kanyang mga mata na nag-tatanong.
Nginitian ko lamang si Kuya at sinabing "Okay lang ako" upang mawala ang kanyang pag-aalala sa akin.
Gusto kong mag tanong kay Papa ngunit hindi ko kayang ibuka ang aking bibig para itanong ang gusto kong sabihin sa kanya.
Namutawi ang katahimikan na kahit si Mama na may kausap sa kanyang cellphone ay natahimik din.
Alam ni Mama ang epekto sakin ng banggitin ni Papa ang pangalan na iyon, kaya ng tignan ako ni Mama ay may lungkot sa kanyang mga mata na kahit sina-sabi ng kanyang ngiti sa mga labi na magiging okay din ang lahat.Alam kong nasasaktan din si Mama at ayoko na pati siya ay ma-apektuhan ng dahil sakin, ayoko na pati siya ay nasasaktan at nalulungkot ng dahil sakin. Nginitian ko si Mama para mawala ang lungkot sa kanyang mga mata at ganun rin ang ginawa ko kay Kuya.
Bakit bumalik pa ang gago na yun?! ang tanong ni Kuya kay Papa. Para ano saktan at paiyakin na naman niya ang kapatid ko?
Si Kuya ang bumasag ng katamikan.
Kuya okay lang ako ang tanging salita na lumabas sa bibig ko.
Hindi ! Hindi ka okay Alex alam ko yun. Dahil alam ko ang ugali mo kilalang-kilala kita, dahil kung okay ka dapat masaya ka hindi yung nakangiti ka nga pero may lungkot sa mga mata mo.
Nasasaktan din ako Alex ang makita na nasasaktan ka ng dahil sa lalaking yun! Bilang Kuya mo mas masakit sakin na nakikita kang umiiyak araw-araw ng dahil sa walang kwentang lalaki na yun.- Kuya Matt
Natahimik ako sa sinabi ni Kuya at napa-isip. "Masaya nga ba ako?" Dahil kung Oo, hindi ako maaapektuhan ng ganito.
Tama naman si Kuya bakit ko nga ba tinatago kung ano talaga yung nararamdaman ko. Why I am selfish? Why ? I am always pretending that I'm okay, even it's not.
Family ko sila kaya bakit kailangan kong ipakita na okay ako kahit hindi naman? Sila lang naman yung nakakakilala sakin kaya bakit ko nga ba tinatago sa kanila.
Hindi ko namalayan na may luha na pa lang tumulo sa mga mata ko dahilan para bigla kong punasan ang mga ito.
Muling nag-salita si Papa at sinabing bumalik ito para dito na ulit muling mag-aral.
Bakit kailangan mo pang sabihin yun Dad at ipaalam ang pag-balik niya?- Kuya Matt
Para maging handa ang kapatid mo sa kanyang pag-balik dahil duon siya mag-aaral sa AleZar University na ating pagmamay-ari dahil maari silang mag-kita dun.
Nakinig na lamang ako sa pag-uusap ni Papa at Kuya dahil wala akong lakas ng loob para mag-tanong.Madali kong tinapos ang aking pag-kain kahit na wala na akong ganang kumain pa, dahil ayokong mag-alala na naman sila sakin lalo na si Mama.
Matapos kong ubusin ang laman ng aking plato ay nag-paalam na akong aakyat at pupunta na ako sa aking kwarto.
Nang makapasok at maisara ko ang pinto ng aking kwarto ay iniisip ko parin ang sinabi ni Papa, bakit? Bakit nga ba bumalik ka pa kung kailan sinisimulan na kitang kalimutan at alisin ang sakit na aking nararamdaman.
Yan ba yung gusto mo ang lagi akong saktan at pahirapan? Dahil kung "OO" panalo kana dahil pagod na pagod na ako bago tuluyang umagos ang luha na kanina ko pa pinipigilan pumatak.
Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa mapagod ako at makatulog.Hi guys hows the update? Okay lang ba? Sorry kung may mga mali ha sana wag kayo magalit sakin.
Wag niyo din po kalimutan mag vote at comment ha. Thankyou po. Godbless.
YOU ARE READING
After the Rain
Teen FictionSa buhay natin may dadating at may aalis. Aalis para sa gusto ng magulang nila at aalis para sa kanyang kapakanan. At aalis para iwan at saktan ka ng hindi mo alam ang dahilan. At may dadating. Dadating para pasayahin ka sa sakit na iyong dinadala...