Inang Hindi Ako Iniluwal

793 12 0
                                    

            Thank you for teaching me how to love. Showing me what the world means. What I've been dreamin of and now I know, there is nothing that I couldn't do. Thanks To You

             For teaching me how to feel, showing me my emotions. Letting me know what is real and for what's not real. What I've got is more that I'd ever hoped for and a lot of what I hope for.

              Walang mataas na bundok, maputik na daan o malalim na ilog ang maaaring humadlang upang kamiy inyong maturuan. Maysakit man o kaarawan kayoy papasok parin sa paaralan. Gagawin nyo ang lahat upang kamiy inyong mabigyan ng kaalaman.

              Anak-dalita man o may kaya ay inyong tinuturuan. Tinutulungan marating ang aming kinabukasan.
Mas nabibigyan nyo kami ng oras kaysa sa inyong anak. Mga oras na dapat nabibigay nyo sa inyong pamilya ay nabibigay nyo sa amin.

            Guro ang nagsisilbing pangalawang ilaw ng tahanan ng mga estudyante. Guro, ang nabibigay ng bagong kaalaman sa mga ito.

                Maam! Sir! Ang tawag namin sa inyo. Tinuturuan nyo kami umulan man o bumagyo. Kayoy nariyan nung kamiy bumagsak. Napakasaya nyo nung kamiy makapasa.

             Limang beses sa isang linggo ka naming kasa-kasama. Ilang oras kang nakatayo at nagsasalita. Salita na dapat naming malaman upang  kamiy magkaroon ng magandang kinabukasan.

             Ikaw ang aming gabay upang marating ang magandang kinabukasan. Ikaw ang nagtatayo sa aming pagkabagsak ngunit minsan ikaw din ang nabibigay sa amin ng kahirapan.

           Guro, ang aming mapat sasakyan papunta sa aming kinabukasan. Tuturuan kami ng bagay na hindi makukuha nino lamang. Mga bagay na dapat pahalagahan at matutunan upang maisabuhay sa darating na kapalaran.

           Ikaw ang aming ina na hindi kami iniluwal. Ngunit nagbigay at nagturo sa amin ng karunungan.

Journal Of ThoughtsWhere stories live. Discover now