(Malayang Tula)
Sa paglakad ng mga paa, kasiyahan ang nadarama
Kasama ang mga kaibigan mula ng umaga
Mga problema'y binaliwala na muna
Sapagkat ang kapaligiran na aming nakikita'y
Kakaiba sa nakikita ng mata ng ibaKulay luntian na mga dahon
Musika sa huni ng mga ibon
Katahimikan sa kahit maliit na panahon
Tila ba ang gaan ng pakiramdam
Lumulutang sa alapaapMga alaala'y binalikan
Panahong hindi pa matibay ang ugnayan
Ganto- ganito na pala kalalim ang aming pinagsamahan
Nagkwentuhan at nagtawanan
Sadyang napakabilis ng oras
Kapag ang kaibiga'y kapilingIbinuhos ang lahat ng hinanakit na nararamdaman
Isinigaw ang mga hindi masabi sa personalan
Narinig nang bundok ang lahat ng sakit
Naramdaman ang hapdi na nilalaman
Mga kinukubling pagluluksa sa kaloobanIlabas mo, isagaw mo ang lahat ng sakit
Ngayon ang oras upang ibalik sayo ang kasiyahan
Sapagkat problema't kadismayahan
Iyong dala dala sa pag-akyat mo sa kabundukan
Kalimutan mo na yanPagmasdan ang kapaligiran
Tila ba ito'y kakaiba sa nasa ibaba
Malayo sa mga usok ng sasakyan
Mga maiingay na tindera't mamimili sa talipapaHindi makukuha ng dala dalang mong kamera
Ang ganda ng tanawin
Sapagkat ito'y para lamang sa iyong mata
Pwede mong balikan ngunit hindi sa iyong galeria
Kundi sa pagbalik muli sa lugar na iyonAno nga ba ang nagpapaganda sa kabundukan?
Oo- oo naroon na ang katahimikan
Walang matang nanghuhusga
Ramdam mo ang kalayaanNgunit ano pa ba?
Mas nagiging kawili-wili ito dahil kasama ang iyong kaibigan
Mahal sa buhay, kamag-aral
Ang mga tawanan habang paakyat dito
Kulitan, takutanTunay ngang mas gumaganda ito
Ikaw?
Bakit hindi mo subukan ang mamundok
Magaan sa pakiramdam
Maganda sa paninginSadyang napakaganda nga
Ng likha ng Diyos
Sa'ting mundo