*****Zoe Pov
Nagising ako ng wala na si Cassidy sa tabi ko kaya agad akong dumiretso ng banyo. Agad akong bumaba at nagdiretso ng kusina. Nagluluto pala siya habang kumakanta. Nang mapansin niya ako ay agad siyang ngumiti. Nilapitan ko siya at niyakap tsaka binigyan ng smack sa labi niya. Nagluto siya ng bacon, egg at hotdog nagtimpla din siya ng kape.
"Hey, upo ka na dito" sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin.
"Sorry nasanay kasi ako sa bahay" sagot niya. Napakunot noo naman ako sa yaman niyang yan nagtratrabaho siya sa bahay nila.
"Your doing house hold chores?" tanong ko sa kanya.
"Yes, hindi naman kasi sa lahat ng oras may katulong na lagi kang aasahan" sagot niya mahiya naman ako bigla sa sagot niya. Puro utos lang kasi ako kila manang Fe. Kumain na kami nang may nag doorbell. Binuksan ko ito at si Jarvis lang pala. Pumasok siya sa loob saktong lumabas si Cassidy. Nakipagbeso si Cassidy kay Jarvis.
"Hey lil sis" sabi nito kay Cassidy.
"Magkapatid kayo?" tanong ko sa kanila pareho naman silang tumango.
"Seryoso?" ulit ko.
"Oo nga bakit?" tanong ni Cassidy.
"Alam na ba niya?" tanong ko kay Jarvis.
Umiling lang siya at sinenyasan akong huwag sabihin. Binatukan ko siya at tinignan ng masama.
"Maligo lang ako saglit" paalam ni Cassidy sa amin. Tinanguan ko lang siya at tinignan ko nama ng masama si Jarvis.
"Bakit di mo pa sabihin?" tanong ko kay Jarvis.
"Nahihiya ako" sabi niya at yumuko.
"Darating na si ate Mae at ang anak niyo pero di mo pa sasabihin kay Cassidy? Anong gusto mo sa iba pa niya malaman?" galit na sabi ko.
"Sasabihin ko naman eh" sabi niya at yumuko.
"Alam ko na lahat kuya, pero nakakatampo lang kasi kay mommy ko pa nalaman" sabat ni Cassidy na umiiyak. Nilapitan naman siya ni Jarvis at humingi ng tawad.
"Pakilala mo muna ako sa asawa at anak mo" sabi niya at lumapit sa akin. Yinakap niya ako kaya umakbay ako sa kanya.
"Darating sila next week" sabi niya at tumungo.
"Next week? nasa Paris ako nun eh" sabi niya at nag pout. Ginulo ko yung buhok niya
"Mag stay na sila dito bunso" sabi ni kuya at napangiti naman ako. Babae ang anak ni kuya kaya sana lang ay hindi nagmana kay kuya xD
*****
Cassidy Pov
Nasa airport na kami ng mga kaibigan ko. Tinignan ko si Zoe na siyang kasama ko, hindi na nila sinama ang mga jowa ng mga kaibigan ko. Nag paalam na ako kay Zoe.
"Ingat ka dito, kain ka on time" sabi ko kay Zoe. Ngumiti lang siya at niyakap niya ako tsaka hinalikan yung noo ko.
"I'll miss you" sabi niya. "Ingat ka doon, call me when your not busy" sabi niya at hinalikan ulit ako sa noo. Hinila na ako ng mga kaibigan ko.
"Kami na bahala dito" sabi ni Anne at kinindatan si Zoe. Kumaway na lang ako sa kanya. Umupo na kami sa eroplano.
"I like that girl" sabi ni Anne. Siniko siya ni Jhea.
"Taken na yun ateng" sabi niya pero binatukan siya ni Anne.
"Gagi alam ko naman yun hindi ko siya type at engage na ako" sabi niya at umiling.
Napangiti na lang ako at tinignan yung wallpaper ko. Kinurot ako ni Lea.
"Inlove ka na bessy!" sabi niya at kiniliti ako. Ngumiti na lang ako sa kanya. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko.
*****
Lea Pov
Tinignan ko si Cassidy na nakapikit. Natutuwa ako sa kaibigan ko dahil sa wakas nainlove na siya.
Inayos ko yung ulo niya at sinandal sa balikat ko. Sa aming apat kami ang pinaka close. Naiinggit ako sa kanya kasi masaya siya. Ako? hindi ko alam kung kailan. Nasa dating stage pa din kami ni Aldrin pero alam kong nahuhulog na ako sa kanya hindi ko lang din alam kung ganun din siya sa akin.
****
P A R I S
Cassidy Pov
Nagising ako dahil sa tapik sa mukha ko.
"Girl nasa Paris na tayo" sabi ni Anne. Tumayo na ako at naglakad. Sa aming apat si Anne ang pinakamatanda , sunod si Jhea , ako at si Lea.
Naglakad na kami at pumunta ng hotel nina Jhea. As usual sa penthouse na naman kami. May apat na room doon kaya okay lang.
Pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis. Maya maya ay bumukas ang pinto at tinawag ako ni Jhea.
"Kain muna tayo tapos pasyal tayo" sabi ni Jhea. Tumango na lang ako sa kanila.
Nagbihis na kami at lumabas. Here we go Paris!
****
PHILLIPPINES
Zoe Pov
Nandito ako kila ate Toni kasama ko si Allyson.
"Nasaan si Cassidy?" tanong niya sa akin.
"Nasa Paris nag explore kasama mga kaibigan niya" sagot ko. Napasimangot ako, namimiss ko na siya.
"Bakit di mo puntahan?" tanong ni Avery sa akin.
"Girl bonding nila yun" sagot ko at humiga. Tinawanan lang nila ako.
"Inom tayo!" masayang sabi ni Avery at kumuha ng vodka.
"Sure niyo lang na walang magtatawag ng uwak" sabi ni ate Toni. Ako at si ate Toni ay high tolerance kaya di ako basta basta malalasing.
Nakailang shots na kami ng dumating si Jade kasama si ate Mae.
"Guysssss!" sigaw ni Jade at dinamba kami ng yakap.
Tinignan ko siya ng masama."Sungit mo talaga pareng Zoe" reklamo niya. Lumapit naman si ate Mae at bumeso sa amin.
"Asan si Chloe?" tanoning ni ate Toni.
"Kinuha ni Jarvis, sunduin din niya ako mamaya" sagot niya at kinuha ang shot glass at uminom.
"Cheers para sa lovelife ni Zoelleigh" sabi niya at tumawa.
Nagtawanan kami sa sinabi niya napailing na lang din ako sa mga kabaliwan nila.
******
BINABASA MO ANG
Same Love [Girl X GirL] (COMPLETED)
RomanceAng akala ni Zoe ay depress siya dahil sa pagkamatay ng mga magulang niya dahil sa aksidente Sa pagpunta niya kay Dra. Miranda ay nakilala niya din ang anak nitong doktora na si Dra. Cassidy na siyang naging doctor niya at naging kaibigan. May mamum...