Chapter 1

12 0 0
                                    


Noon, loner talaga ako. Kahit isang kaibigan nga wala ako kasi madalas ako 'yung umiiwas sa mga tao dahil natatakot ako sa kung ano ang sasabihin nila sa akin. Pero ngayon, may best friend na akong maituturing, isang taong mapagkakatiwalaan, 'yun bang kapatid na ang turingan ninyong dalawa. Oh, by the way, ako nga pala si Park Shin Ha or better call me by the name Hannah. I have two names kasi, ewan ko ba sa mommy ko kung bakit ganoon ang names ko. Ang arte! Hindi, charot lang hahaha... I am an only child but I am not spoiled brat kahit na mayaman kami. Nga pala, ang BFF ko ay si Myra Santos. Mabait din siya at parating nasa tabi ko. Well, ang mom ko naman ay mabait din sa akin. She always try her best para magkasama kami araw-araw kahit na may trabaho siya. We don't have maids kaya nasanay ako kay mommy.
I remember when I was 9 years old, parati niya akong nilalambing, hehe kahit ngayon naman eh malambing pa rin siya sa akin at syempre ganoon din ako sa kanya. Actually, sikat ako sa school namin kaya nga takang-taka ako kung bakit wala akong ka-close friends dati. Pero, okay na. Andyan naman si Myra para sa akin eh.

"Bes, anong gusto mong kainin?" Tanong sa akin ni Myra noong nasa canteen kami.

"Uhm... Sige 'yung burger na lang." Sagot ko

"Okay." Pagsang-ayon niya.

"Kamusta naman? Wala ka pa ring kaibigan bukod sa akin," Biro ni Myra

Jusme! Imbis na hinahanapan mo ako ng kaibigan ay ganyan ka pa. Pero kahit na, basta maswerte pa rin ako.

"You're so... ugh!" Sabi kong medyo galit.

"Ikaw naman... Joke lang naman..." sabi niya sa akin.

Pag balik namin sa classroom ay hindi pa naman kami late. Sa tingin ko nga, kami 'yung pinakamaingay sa classroom, eh at minsan nasasaway ng president. Hahaha! Laugh trip 'yun.

Minsang umabsent si Myra at hindi ko talaga kinaya. Ni isa sa mga classmate ko walang lumalapit, p'wera na lang kung may kailangan. As usual, ganoon naman sila parati sa akin, eh.

Nung pumunta ako sa canteen, ako lang mag-isa. Hay, na-miss ko tuloy 'yung pag-uusap namin sa canteen. Habang mag-isa lang akong nakaupo sa upuan, may lumapit sa akin na estudyante rin, tapos lalaki pa... yuck...

"Mag-isa ka ata ngayon, Shin Ha." Biglang bati sa akin nung lalaki.

"Sino ka? Bakit mo ako kilala? Duh, I don't know you well so stop calling me by my name. Ughh." Pagsusungit ko.

"I'm sorry. Hindi ba sikat ka dito sa school?" Tanong niya sa akin.

"Oo, pero hindi talaga kita kilala." Sabi ko.

"Okay lang naman 'yun." Sabi niya sa akin. "By the way, ako nga pala si Marco Reyes." Pagpapakilala niya.

"Share mo lang?" Pagsusungit ko uli.

"Grabe ka naman. Ang ganda mo na sana, eh kaso ang sungit mo." Pagtatampo niya.

Kakaloka naman toh! Ni hindi nga kita kilala eh tapos gaganyanin mo pa ako? Choice mo naman na samahan ako dito eh.

"Edi umalis ka! I don't need you, too. Choice mo na pumunta dito, not mine." Pag-irap ko sa kanya.

Marco's POV

Kung hindi lang kita mahal eh magagalit talaga ako sa'yo. Pasalamat ka't mahal kitang babae ka. Hay naku. Oo alam ko mas matanda ako sa'yo pero ikanga nila, "Age doesn't matter" kaya ipu-pursue ko 'tong pag-ibig ko sa'yo.

------------------------------------------------------------------------------

Nagfe-Facebook ako noon sa iPhone ko nang biglang may nagpop-up notification sa phone ko tapos sabi "Marco Reyes sent you a friend request."

"Peste." Sabi ko sa sarili ko.

Syempre naman ay inistalk ko muna 'yung lalaki na 'yun.

"Oh, okay happy family naman pala sila ng pamilya niya." Sabi ko sa sarili ko.

Napansin ko na may kaya ang pamilya nila at napansin ko rin na siya ang panganay sa kanilang magkakapatid. Habang nag-aaral siya ay nagtatrabaho rin. Nakita ko rin ang picture niya na nasa gym siya.

"Hot pala 'tong peste na 'to." Sabi ko sa sarili ko.

Bukod pala sa kapogian ay hot din, tapos mabait pa hihihi... Nalaman ko rin na Grade 10 student na siya.

"Ha? Totoo toh? 18 years old na pero Grade 10 pa lang." Sabi ko sa sarili ko at hindi makapaniwala.

In-add friend ko siya at maya-maya rin ay nag-chat na siya sa akin.

*Conversation*

Marco: Hi miss beautiful

Shin Ha: Ano ba?

Marco: Aminin mo nga sa akin.

Shin Ha: Anong aaminin ko sa'yo? Okay ka lang?

Marco: Inistalk mo ako noh?

Onti, hahaha ang pogi mo naman pala at ang hot pa.

Shin Ha: Hindi ah! Ikaw napaka-feeling mo porket pogi ka lang.

Marco: Salamat!

Shin Ha: Ugh...

Nahuli tuloy ako... lagot na...

Marco: Wala man lang bang you're welcome dyan?

Shin Ha: Ugh! Peste!

Marco: Ilang taon ka na nga uli?

Sa sobrang inis ko, binlock ko siya. Pesteng yan!

Kinabukasan, pumasok na uli si Myra tapos lahat kinuwento ko sa kanya.

"Myra..." Sabi ko

"Ano? Na-miss mo lang ako eh, ayiiee." Biro niya sa akin.

"Jusme! Alam mo ba kahapong recess may isang Grade 10 na lumapit sa akin tapos kinausap ako." Pagkukuwento ko.

"Oh tapos?" Sabi niya.

"Akalain mo nga namang kilala ako?" Sabi ko. "Nagduda pa nga ako kasi paano niya ako nakilala?" Sabi ko.

"Ah... Share mo lang?" Pagbibiro niya.

"Tss..." Sabi kong inis na inis.

"Uy, joke lang." Pagbawi niya.

"Pwes hindi ako natatawa." Pagsusungit ko.

------------------------------------------------------------------------------

Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon