Chapter 2

8 0 0
                                    


Pag-uwi ko, nag-open ako ng Facebook account ko at nakita ko na may notification na naman at ang sabi ay "Grace Serrano sent you a friend request."

"Peste! Sino na naman ba 'to?" Galit na sinabi ko sa sarili ko.

Inistalk ko uli tapos nakalagay ba naman sa bio na "I'm inlove with Park Shin Ha/Hannah Garcia." Peste talaga!!! Ano 'to?

Nakita ko 'yung mga pictures at puno ng picture ni Marco.

"Ah, I know who's this na," sabi ko sa sarili ko.

Edi ayun, in-add friend ko uli 'yun. Ewan ko hahaha...

*Conversation*

Marco: Hey Shin Ha
Shin Ha: (seen)
Marco: Shin Ha
Marco: Uy
Marco: Hi
Marco: Hi
Marco: Oy pansinin mo naman ako
Marco: Oy
Shin Ha: Ano ba? Kelan mo ko balak tigilan?
Marco: Sorry na.
Shin Ha: Pwee! Peste naman oh!
Marco: Uy sorry na kasi
Marco: Uy
Marco: Sorry na please
Marco: Magrereply na yan

(The next day)

After kong umuwi galing school nakita ko ung Messages ko sa FB takti! Puno ng chat ni Marco na yan!

*Conversation*

11:30am
Marco: Hi! Kumain ka na ba? Ayaw mo kasi akong pansinin eh
Marco: Ano na? Uy? Cge kita na lang tau sa school ha? Kbye.

7:30pm
Shin Ha: Oh ano? Aasa ka nman sa reply ko?
Marco: Bakit di tau nagkita kanina? Ang lungkot ko tuloy wala akong kasama.
Shin Ha: So? Share mo lang?
Marco: Ano ba yan...
Shin Ha: (seen)
Marco: Shin Ha
Marco: Mahal ko
Marco: Kamusta kanina? Nag-aral ka naman ba?
Shin Ha: Wala kang pake!

Hayst, edi ayun binlock ko uli. Pesteng 'yun iniinis ako!

Nabuwiset ako kaya naglog-out na lang ako sa Facebook account ko tapos natulog na.

Marco's POV
Hay naku puro na lang ako block sa kanya. Pero hindi ako susuko! Bukas papansinin ko siya sa ayaw niya at sa gusto!

(The next day)

Tumunog 'yung alarm clock ko nang maaga, mga 7:30am kasi gusto kong magising nang maaga.
Nag-open muna ako ng Facebook account. Ayun, message request ang notification ko.

"Sorry na, nakakaawa ka kasi, wala kang kaibigan masyado. Gusto mo bang samahan kita?" Nabasa ko sa message request ng account name na Albert Jacinto.

Sino na naman kaya 'yun? Hay naku... pinindot ko ang accept request imbis na delete.

*Convo*

Albert: Shin Ha ko, sorry kung ang kulit-kulit ko sa'yo ha. Ayoko kasi na malungkot ka.
Shin Ha: Aba talagang!
Albert: Ako 'to si Marco. Sorry na talaga.
Shin Ha: Ughh!

Pero inaamin ko minsan, habang binabasa ko ang messages niya sa akin ay kinikilig ako!

Albert: Sorry na talaga... di na kita gagambalain.
Shin Ha: Good! You made my day!
Albert: Talaga? Salamat

Naglog-out na ako pagkatapos ay bumaba na ako papuntang CR para maghilamos.

"Ugh! Shin Ha! Umayos ka nga ha! Maayos 'yung guy sa'yo para sungitan mo lang!" Sabi ko sa sarili ko.

Pagkatapos kong gawin 'yun ay pumunta na ako sa kitchen para mag-breakfast.

"Mommy." Pag tawag ko kay mommy.

"Yes, baby?" Sagot naman niya.

"Mommy, gusto ko po sanang... mommy gusto ko po ng tablet para dalawa na gadgets ko." Sabi ko kay mommy.

"Anak? Mag-aral ka muna bago kita bigyan noon okay?" Sabi ni mommy.

Pagkatapos kong mag-breakfast ay nagshower na ako tapos nagready na papuntang school.

Nakasalubong ko si Myra sa paglalakad. Tapos ayun lahat naman pinag-usapan namin. Ultimo pagkain pinag-usapan pa, hahaha...

Maya-maya na lang natulala na ako tapos naisip ko lang 'yung mga chat ni Marco... Hay jusme!

"Bes, okay ka lang? Bes? Uy Bes! BES!" Tawag sa akin ni Myra.

"Ay sorry... shit this..." Sabi ko sa sarili ko.

"Hay naku, bes... tsk tsk tsk sabaw ka na naman ah?" Pang-aasar sa akin ni Myra.

"Kasi eh... n-napuyat na ako kagabi." Paliwanag ko.

Pag punta namin sa classroom ay late na kami ni Myra.

"Miss Santos and Miss Park! Anong nangyari? Late na naman kayo!" Sabi ng teacher namin na si Ms. Dina Tatawa

"Ms. Dina Tatawa, sorry po eh kasi naman po---" Naputol na paliwanag ko.

"No more explanations!" Galit na sinabi niya. "Sige na! Pumasok na kayong dalawa!" Sigaw niya sa amin.

Narinig ko na lang na 'yung mga pabibo at pabida kong classmates ay nagbubulungan. Kami ata 'yung pinagbubulungan, eh.

"Alam mo kasi 'yang Koreanang 'yan ay pabida... Tsk tsk tsk sipsip pa kay Ma'am Tatawa..." sabi ng classmates ko.

"Eh kayo nga 'yung pabibo dyan eh hindi ninyo ba alam 'yun?" Bulong ko sa sarili ko.

Narinig pala ni Myra 'yun hahaha!

"Uy ano ba 'yan? Pabayaan mo na nga lang sila!" Pabulong niyang saway sa akin.

"Sila kasi eh." Pagdadahilan ko

"Ano naman ngayon?" Galit na tanong ni Myra.

"Oh bakit parang galit ka dyan?" Tanong kong pabiro.

"Okay, class!" Biglang sabi ni ma'am Tatawa.

Nakita niya na sobrang ingay ng klase namin kaya sumigaw na siya.

"CLASS! Ano ba naman?! Sobrang ingay ninyo! Hindi kayo manahimik!" Galit na sinabi ni ma'am.

"Sorry po, Ma'am Tatawa." Paghingi ng tawad ng buong klase.

"Okay. Today, you need to create a video and make sure to edit it." Sabi ni Ma'am.

"Ma'am, about saan po 'yung video na 'yun?" Tanong ng aming president.

"Good you asked, my dear. Ang video ay naglalaman ng pictures ninyo at ng mga description ninyo about yourself. It's just a simple slideshow pero dapat maayos ang transitions, animations, at dapat designed, okay? I want a perfect presentation of yourself!" Paliwanag ni Ma'am.

"Kailan po ma'am 'yung deadline?" Tanong ko naman.

"Uhm... Sige next week na." Sagot ni ma'am.

Noong nag-recess kami syempre parati naman kaming magkasama ni Myra. Tapos, ayun na... tsk tsk tsk... biglang umupo sa kinauupuan namin si Marco.

"Mabait ka naman pala." Sinabi ni Marco

"Ay butiki!" Pagkagulat ko.

"Sino ka po? May kailangan po kayo?" Maayos na tanong ni Myra.

"H'wag mo nga siyang kausapin nang ganyan! Tss..." Pagkainis ko.

"Uhm, gusto ko lang sanang kausapin si Shin Ha." Maayos na sagot ni Marco.

"Tss... At bakit?" Pagsusungit kong muli.

"Oh, sige bes... Maiwan ko muna kayo ha." Sabay pag-alis ni Myra.

"Anong? Ugh!" Pagkainis ko.

Naiirita na naman ako! Ugh! Shit!

"Hi! Musta?" Tanong sa akin ni Marco.

"Sa tingin mo okay lang ako?" Pagsusungit ko.

"Kaya nga tinatanong diba?" Sarkastikong sagot niya sa akin.

"Ah okay. Well then... I am not fine." Sagot kong pasosyal.

"Gutom ka na ba? Mayroon akong--" Naputol ang sinabi niya dahil nagsalita agad ako.

"Kainin mo 'yan kung gusto mo. I don't need that! Bye!" Pagsusungit ko saka pag-alis sa kinauupuan ko.

------------------------------------------------------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon