CHAPTER 1

3 0 0
                                    

Naglalakad ako noon pauwi galing school. Hindi ko alam kung anong oras na pero batid kong sandali nalang ay tuluyan nang lalamunin ng dilim ang buong paligid.Takot na takot ako noon kahit na makikita mo sa akin ang pagiging kalmado. Isang anim na taong gulang naglalakad mag-isa sa daan at kumakanta habang sinisipa ang puting batong nakita nya kanina. Wala namang kakaibang nangyayari noon pero paulit ulit nagpi-play sa utak ko ang iba't ibang nilalang katulad ng white lady, kapre, tyanak at aswang. Mas nilaksan ko ang pagkanta ko, dahil pakiramdam ko ay may sumusunod at sumasabay sa yapak ko. Malayo-layo pa ang bahay namin.

Naisipan kong magshortcut para mabilis akong makauwi, pero alam ko ang risk na kapalit nito.Malapit man ito sa simenteryo, dun pa rin ako dumaan. Habang papalapit ako sa simenteryo,napakarami na akong naririnig na kakaiba. I heard sceams, moans at malalaking boses na tila lumilikha ng malakas na vibration sa buong paligid. Dapat pala di na ako nagdaan dito.

Tinakpan ko noon ang tenga ko para hindi marinig ang mga tunog na yon, ni hindi ko kayang lumingon. Nakaramdam ako noon ng sheer terror dahil may gumagalaw doon sa damuhan malapit sa daan, na tila ba papunta sa aking kinatatayuan, sabayan pa ng sound na AWOOOOOH. Napakaripas ako noon ng lakad habang nakita ko nalang ang sarili ko na kumakaripas ng takbo. Naramdaman ko ang malalamig na butil ng pawis mula sa aking katawan. Nanginginig ang aking kamay at nagtatayuan ang aking balahibo.

Para bagang hindi ako umaalis sa aking kinalalagyan kahit na para sa akin ay mabilis nang talaga ang aking takbo. Naramdaman ko na may humawak sa aking kamay, agad akong tumalikod at para bagang nakarinig ako ng matinis na sigaw ng babae sa aking tenga. Nagulat ako ng lubos sa aking nakita. Gusto ko man magsalita nang oras na yaon ay walang tinig ang makawala sa aking bibig.

Ten years later...

"...at kung sinoman ang pumasok sa lumang bahay na iyon ay hindi na kailan man makakalabas at magiging kampon na rin ng kadiliman habangbuhay." sabi ni Hansel habang nagkukwento sa mga kaklase namin. Hay naku! Bakit ba sila naniniwala sa mga kababalaghan na yon?

"Booooooooooo!" ginulat ko sila at halata naman na takot na takot sila sa narinig nila. "Ano ba naman yang pinag-uusapan nyo? Multo? Maligno? Ano pa ba?" sabi ko

"Ano ba naman yan Seth, wag mong gagawin ulit yun, mamamatay ako sa sobrang takot.' sabi ni Lenard.

"Wag mong binabalewala ang mga nilalang na iyon." sabi ni Macky, ayan na naman sya sa kanyang nakakapangilabot na boses. "Hindi mo alam ang kaya nilang gawin." dagdag niya.

"Brad, alam nyo matakot kayo, sa buhay wag sa patay kasi yung buhay kaya kayong patayin, eh ang mga multo, kung totoo man sila, hindi na sila makakasakit" sabi ko.

"Totoo yun brad, sabi ng papa ko, totoo daw lahat ng mga nilalang na iyon." sabi ni Charles

"Totoo talaga!" sabi ni Lenard. "I see it my self."

"Pssst...shhhhh...shhhhh..." sabi ko. " Tumigil na kayo guys, ghost and spirits do not exist." dagdag ko. "All of those are just illusions"

"Eh ano pala yung nangyari sa iyo ten years ago?" tanong ni Charles.

"It's just a sound' sabi ko. "Yung lang kasi ung nasa isip ko that time kaya alam ko, yun yong naririnig ko. Malaki kasi talaga yung nagagawa ng isip natin para tayo ay takutin."

"Kaya pala takot-takot ka ah. Kung hindi pa siguro dumating si Sir Javarez noon, baka nagpakita na sa iyo yung mga multo" sabi ni Lenard.

"Wala naman kasi ako nakita, wala kasi akong makikitang ganon." sabi ko.

The bell rung. Umalis na kami sa bench na nasa ilalim ng puno ng mangga. Alas singko y medya na at uuwi na ako. Nagsilabasan na ang mga estudyanteng kanina pang sabik umalis sa paaralang ito.

"Ma, punta na muna ako kila Macky, nandun kasi yung iba naming kagrupo. Baka dun na rin ako matutulog." sabi ko kay mama habang itinatali ang sintas ng kaliwa kong sapatos.

"Naku anak baka pwede namang ipagpabukas yan." sabi ni mama. "Baka kung mapano yung ading ko sa labas mamaya"

"Ma, malaki na ako and besides, black belter itong anak nyo ma." sabi ko kay mama. "Dito na ako ma"

"Mag-iingat anak, ha. Kapag tatawid ka tumingin sa kaliwa..." hindi ko na pinakinggan si mama, alam ko naman na yung sasabihin nya eh.

Naglakad lang ako. Ayaw ko magmotor, malapit-lapit lang naman yung bahay nila Macky eh. Sa madilim na side ng daan ako naglakad, sa hindi nasisinagan ng buwan. Malayo palang kasi ay nakita ko na yung dalawang tao, magkasintahan siguro sila, pero halatang kanina pa sila nagbabangayan. Hindi ko maaninag ang mukha ng dalawang tao na yon. Dumaan ako sa kabilang gilid ng daan upang hindi makaistorbo sa kanila.

Limang minuto ang lumipas at nakarating na ako sa bahay nila Macky. Sinagot ko ang tawag mula sa di ko kilalang tao, di naka phonebook sa cellphone ko.

"Hello?" sabi ko. Walang sumasagot. "Hello sino to?".

Di ako nakarinig ng boses pero narinig ko ang tunog na parang nanggagaling sa malayo, parang feedback mula sa microphone. At tuluyan nang nag call ended.

Nagdoorbell na ako ng tatlong beses pero walang lumalabas. Nakabukas na noon ang gate kaya naman pumasok nalang ako. May narinig akong nagbubulungan mula sa loob. Pumasok na ako sa pinto dahil nakabukas naman na yun. Walang tao noong oras na yon, naka limang hakbang na ako noon ng namatay ang mga ilaw na nagbibigay liwanag sa sala na iyon.

Nakarinig ako ng mga nakakatakot na tunog, kaya naman nagtago ako sa likod ng isang sofa. Hindi ako natatakot noon, sadya lang may dahilan kung bakit doon ako pumuwesto. Nakita ko nalang na may babaeng mahaba ang buhok, nakaputi at naglalakad pababa sa hagdan. Tumatawa lang ako that time. Nakarinig din ako ng kaluskos mula sa palibot ng sala. Nakita ko ang iba pang nakaputi na papunta sa gitna ng lugar na iyon.

"Aray ko, hindi ako si Seth" sabi ng isang pamilyar na boses. Napangiti naman ako.

"Huh? Paano? Eh kanina naman nandito sya eh." nagtatakang sambit ng isang babaeng inaayos ang buhok niyang kanina ay nasa mukha niya.

"Macky, paki taas na yung main switch" sigaw ni Lenard."Saan na yun sya?" nagliwanag na ang buong paligid.

"Nakita mo naman sya kanina dito, di ba?" sabi ni Charles na kalalabas lang mula sa kitchen.

Nakita ko ang switch ng ilaw sa likod ko at habang abala sila sa pag-uusap, pinatay ko ang ilaw.

"Hala! Anong nangyari?" sabi ni Macky na kabababa lang nang itaas ang main switch.

"Sigurado ka bang walang tao doon sa main switch?" tanong ni Dimple

"Oo" sabi ni Macky.

"Eh bakit dito lang sa sala walang ilaw?" sabi ni Precious.

"Baka naman napindot lang yung switch ng ilaw" sabi ni Macky.

"Eh sino naman ang papatay ng switch na yon?" nagtatakang tanong ni Dimple.

"Wait ah, I-on ko nalang" sabi ni Macky. Halata namang takot na ang lahat. Habang papunta si Macky, I turn the lights on.

"Boooo!" sabi ko kay Macky. Napasigaw naman siya at sunod na napasigaw ang iba pang tao sa bahay na iyon.

"Ano yon? Ano yon?" sabi ibang taong nandon sa kalagitnaan ng sala.

"Guys, ano ba naman yan." sabi ko. "Tinatakot nyo ako?" sabi ko habang nakataas ang kaliwa kong kilay.

"Sorry Seth, sorry talaga." sabi nila.

"Paano mo ba nalaman na tatakutin ka namin?" nagtatakang tanong ni Dimple.

"It doesn't matter. Gawin na natin ang project natin." sabi ko habang papunta sa room kung saan lagi naming ginagawa ang bawat project kapag kagrupo ko si Macky. "Hinaan nyo nalang kasi boses nyo" sabi ko. I know they are looking at each other that time.

ChainmailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon