"Mr. Leader or what so ever, pwede bang mag pahinga na muna tayo, kanina pa tayo nagpapaka-genius dito." reklamo ni Precious na sya namang sinoportahan ng mga kasama namin doon. "May bukas pa naman for these di ba?"
"Ok five minutes break." sabi ko. Halata namang ayaw nila ng five minutes lang. "Sige 30 minutes." ayan at napalitan na nang kasiyahan ang kaninang di maipinta nilang mukha.
Nagdala si Mrs. Jefferson ng cookies at gatas as his son Macky requested. Dala-dala naman ng yaya nila ang anim baso para sa amin. Mga dalawang o tatlong minuto din nang tuluyang may nagsalita sa amin.
"Bakit di ka naniniwala sa multo Seth?" tanong ni Lenard. It breaks the silence just for a while, with all of them staring at me.
"What?" tanong kong may pagtataka.
"We need answers" sabi ni Charles.
"What for?" tanong ko but they just fixed their eyed on me. "Ok sige."
"Noon pa man minulat na ako sa mga kababalaghan at misteryo sa mundong ito. Hindi ko malaman kung paano ba ipapaliwanag noon ang aking takot sa tuwing nakikita ko ang aking sarili na mag-isa sa dilim. Wala pa akong nakikita sa kanila, wala din akong nakakasalamuha ni isa sa kanila."
"Napakarami ko nang narinig na kwento tungkol sa mga nilalang na nagpapakita umano sa mga tao. Katulad nalang ni mama noon na nakakita na daw ng dwende sa dati nilang tirahan sa Isabela. Nakakita daw sya ng isang maliit na nilalang, mahaba ang mga balbas at malalaki ang mga kamay, malaki para sa kaniyang mga braso. Tumakbo daw ito at tumagos sa pader nang sumigaw si mama ng pagkalakas-lakas.
"Nalaman ko nalang na hindi lang mga dwende ang narito sa lupa na naninirahan kasama natin. Mayroon daw babaeng nakaputi, mahaba ang buhok at lumulutang sa hangin; mga higanteng nakatira sa malalaking puno at naghihithit ng malalaking rolyo ng tabako; mga nilalang na hati ang katawan, lumilipad at kumakain ng bata sa sinapupunan; at mga ligaw at di matahimik na kaluluwa na nagpapakita at sumasanib sa mga hayop, laruan at sa tao."
"Habang lumalaki ako, nalaman ko na wala naman talagang ganon. Tinatakot ko lang ang sarili sa mga bagay na nasa isip lamang. Para lang akong tanga na naniniwala noon sa mga nilalang na hindi naman totoo."sabi ko.
Natahimik na ang lahat pagkatapos ng pagkwento ko."Sige na bukas nalang natin ituloy ang paggawa ng project natin." sabi ko. "Gusto nyo mag-movie marathon?" pero nananatili parin silang tulala at walang imik. "Oi, cheer up."
Tumayo na sila at pumunta sa sala. Bumunot ng isang CD at nakita ko ang cover ng movie na iyon, LIGHTS OUT, isang foreign horror movie. Sana panindigan nila ang choice nila. Kumuha si Macky ng popcorn sa kusina at pumunta sa sala.
Nakakatawang isipin na nasa gitna ako ng sofa. Walang gustong maupo sa kabilang upuan, malayo sa karamihan. Nararamdaman kong gumigitgit ang mga katabi ko papunta sa akin, masikip na nga ang mundong ginagalawan ko, papasikipin pa ng mga taong ito.
Alam kong takot na takot na sila, habang yung dalawa doon sa gilid, si Lenard at Precious ay nagchachansingan na. Yung tatlo naman todo ang banat sa popcorn na nagkandalaglag na dahil sa panginginig ng kanilang kamay.
"Guys, inaantok na ako" sabi ko.
"Luh, baka naman natatakot ka na." sabi ni Lenard. Hahaha, porke ikaw pasarap-sarap ang buhay dyaan.
"Di halata ano? Kanina pa kayo nanggigitgit dito." sabi ko sabay alis sa sofang kinauupuan ko.
Nagpunta na ako sa room ni Macky, alam kong doon ako matutulog. Binuksan ko ang pinto papunta sa balcony. Umupo ako sa isang iron chair doon at tumingin sa mga stars.
![](https://img.wattpad.com/cover/160762006-288-k15432.jpg)