Fan girl alert 2

852 13 3
                                    

"ano ba ,Jade! Tigilan mo na 'yan at Baka mailublob Kita sa baha," nanginginig na sermon Ng nanay niya mula sa labas.

"Ayokong tumigil! Gusto ko nang mamayatay!" Sigaw ulit niya

"Aba't sandali nga at susugirin ko na 'yang kapatid ninyo.Naku,talaga Naman na ginagalit ako!"

"Nay awat na...hayaan na Lang natin si bunso . Lilipas din 'yan" awat Ng pangalawang kuya niya na si Marco

"Oo nga Naman, Nay Baka mas Lalong magrebeldr kapag pinansin pa natin" dagdag pa Ng Kuya prep niya na siyang pinakapanganay sa kabilang mag kakapatid.

Anim silang magkakapatid at Siya ang pinakabunso sa kabilang lahat at nag-iisang babae. Dahil bunso ay nasanay na siyang nasusunod ang lahat Ng gusto niya. Lahat Ng request niya sa Kuya niya walang pag-aatubili na sinusunod Ng mga Ito . Pero ngayon,dahil sa bagyo ay hindi umubra ang pagiging bunso niya. Kesehodang maging guardiya sibil ang mga Ito sa labas Ng silid niya ay talagang Hindi pinakinggan Ng mga Ito ang pagmamakaawa niya.

"Kumain Ka na bunso" narinig niyang alok ng kuya JC niya mula sa labas.

Napaismid siya sa narinig. "Ayokong kumain hangga't Hindi ko nakikita si Jung Yunghwa!" Sigaw niya

"Aba't . . ." Sabi ulit Ng nanay niya.
Nag dadabog na tumayo Siya at yakap ang album Ng CNBlue na sumalkpak Siya ng higa sa maliit na kama niya . Hinding hindi talaga niya papansinin ang mga Ito kahit tumirik pa ang mga mata niya sa gutom

"Ang tagal kitang inasam-asam na Makita tapoa ngayon na abot-kamay na Kita ay Hindi Naman ako makaalis sa pesteng lugar na ito. Pesteng bagyo talaga iyan!" Panay ang tulo Ng luha niya habang kinakausap ang picture Ng crush niyang bokalista

Daig pa niya si Rapunzel dahil pakiramdam niya ay nakakulong Siya sa isang mataas na tore. Kung pwede Lang Sana niyang ilagilag ang buhok niya at gawin iyong hagdan para makababa Siya ay ginawa na niya.

Sana nga,pwede siyang lumipad papuntang Araneta. Tapos sa mismong mga bisig ni Kung Yunghwa babagsak habang nasa stage Ito at kumakanta. Sana as may isang nilalang dumating ngayon at iligtas Siya mula sa paghihinagpis niya. Sana ay may sumulpot na Genie at tuparin ang kahilingan niya na nawala na ang haha at bagyo.

Nang tununog ang cellphone niya matamlay na kinuha niya iyon mula sa ilalim Ng unan niya. Agad na binasa niya ang mahigpit damping mensahe na natanggap niya magmula pa kanina

Mitch: girl punta Ka ba sa concert? Paalis na ako . Hindi talaga ako magpapapigil kahit lumangoy pa ako sa baha
Jessie: kahit magbaon pa ako Ng salbabida basta pupunta Kami. See yah!
Alley: nasa Araneta na Kami. OMG! Makikita ko na ang CNBlue!

"Hindi kayo nakakatuwa. Magsama-sama kayo!" Mangiyak-ngiyak na inihagis niya sa Kung saan ang cellphone at padap na humiga sa kama niya isinubsob Nia ang mukha sa unan niya habang patuloy parin sa pag-e-emote.

Narinig niya ang pagbukas Ng sliding door sa may terrace Ng silid niya. Babangon Sana Siya sa pag-aakalang hangin ang may gawa niyon pero nagbago ang isip niya Ng makarinig siya Ng kaluskos sa may bandang paanan niya.

Heto pa . . Heto talaga ang isang kontrabida sa pagpa-fangirl ko eh ..
"Hoy!"
Hindi Siya tuminag at nagkunwaring natutulo
"Hoy!"
Zzzzzzz...
"Huwag Ka na magpanggap pang tulog. Wala ring maniniwala sa'yo."
"Bakit na Kasi ?" Naiinis na bumalikwas Siya Ng banging at tiningnan Ng masama ang pangahas na nilalang na basta na lamang pumasok sa loob Ng silid niya "alam mo ba na pwede ktiang ireklamo sa pulis dahil para Kang member Ng akyat-bahay gang sa ginagawa mo? Basta Ka na Lang umaakyat sa ibang bahay."

"Alam mo rin ba na pwede kitang ireklamo sa baranggay dahil kanina pa sumasakit ang tenga ko dahil sa pasigaw-sigaw mo? SA tingin mo ba,Hindi ako nabibingi kapag naririnig ko ang nakakarinding boses mo sa kabilang bahay?" Nakasimangot na balik tanong Naman sa kanya ni Trent.

"Tse!" Turan niya at inirapan ang binata . Naupo Ito sa may paanan Ng kama niya at naiinis na pinag masdan siya.

Kung tingnan Siya nito ay parang kakaibang nilalang Siya at parang ngayon Lang ito nakakita Ng kagaya niya.

Nakaka-bad trip!

Okay. . . Best friend niya ang lalaking ito. Best Friend niya Ito kahit madalas ay tinatanggi Naman nito na magkaibigan sila. Hindi pa Siya nireregla ay kilala na niya Ito.

Kung papaano sila naging mag-BFF ay isang mahabang kwento . SA sobrang haba ay mas gugustuhin pa niyang ngumawa Na Lang ngayon dahil masama pa tin talaga ang loob niya sa nangyari.

"Ano ba Kasi ang nangyari?"....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Im In Love With My Alien Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon