ILANG oras na nagkulong sa kuwarto si Lenlen. Nakaupo lang siya sa sahig, nakatitig nang tagusan sa dingding na katapat. Hindi siya makalabas kasi iniisip pa lang ni Lenlen na magtatatama ang mga mata nila ni Sir JC, hindi na siya makahinga.
Bakit ba kasi sila nagsayaw? Bakit...bakit parang may something sa titig ni Sir JC? Bakit kung hawakan siya nito, parang gusto talaga ang ganoong lapit nila? Ang daming bakit. Lalo na tuloy siyang naguluhan.
Bakit parang the 'feeling is mutual', Sir JC!
Pumikit si Lenlen at sumubsob sa mga palad.
Paano na ako magpapanggap na hindi nate-tense sa harap mo, Sir?
"Sahig, lamunin mo na lang ako, please?"
Napapitlag siya sa katok sa pinto. Biglang napatayo si Lenlen at hinagod agad ang dibdib. Parang singtaas kasi ng talon ng kabayo ang taas ng talon ng puso niya. Na kung posibleng mahulog, kanina pa may puso sa sahig.
Walang tunog ang mga hakbang niya palapit sa pinto. Ano bang gagawin niya para maitaboy agad ang tensiyon? Joke uli? Ano'ng joke naman? Baka magmukha na siyang OA. Baka lalo nang makalahata si Sir JC na hindi siya mapakali.
Ang tagal niyang nagtagumpay na magpanggap na walang feelings sa boss, ngayon na yata mawawasak ang 'maskara' niya.
Naulit ang katok. Nakangiwi na si Lenlen. Sunod-sunod ang pagbunot niya ng hininga. Nakailang hagod din siya sa dibdib. Isang exhale pa muna bago niya binuksan ang pinto.
Si Sir JC na naka-apron ang nasa labas.
Naka-level sa apron ang tingin niya. Hindi nagsalita ng kahit ano si Sir JC. Hinintay yata talaga ng lalaki na mag-angat siya ng tingin at tumingin sa mga mata nito.
"Early dinner na tayo, Len," sabi nito sa kaswal na tono. "Habang tulog pa si JD."
"Okay, Sir." At binawi na niya ang tingin.
"We'll talk about love after dinner. And dance again."
Nakanganga na bumalik uli ang mga mata niya rito.
Magaang tumawa si Sir JC. Napatulala siya nang ilang segundo. Ang tunog ng tawa, ang ekspresyon ng mukha—grabe!
Bakit ba ang perfect ni Sir JC? Ang hirap pigilan ang sarili na hindi mahatak ng charm nito!
"Nang-aano kayo, eh!" ang nasabi ni Lenlen. "Hindi ko na nga ma-pick up 'yong nagkahiwa-hiwalay na katinuan ko sa sayaw natin kanina, ganyan pa kayo?"
"Naghiwa-hiwalay na katinuan?" ulit nito, nagpipigil ng halakhak ang anyo.
"Nawindang kaya pati kaluluwa ko, Sir!" bulalas niya at tinawanan ang sarili. Bahala na kung ano ang isipin nito. "First dance ko 'yon sa guwapo!" Alam naman siguro nito ang taglay na charm kaya hindi na magtataka na pati siya ay tinablan. Wala na rin maisip sabihin si Lenlen kaya pabirong katotohanan na lang kaysa mamatay-matay na naman siya sa tensiyon na dala ng katahimikan. "Nakalutang pa nga sa ere kanina ang kaluluwa ko, eh. Kasi naman ang perfect mo, Sir. 'Yong mga gaya mo, parang sa fairy tale books lang nag-eexist. Nasa fantasy world kaya 'di maaabot ng hamak na mortal—" napatigil siya nang ilahad nito ang kamay.
Magaang tumawa si Lenlen.
"Ayoko na, Sir!" sinundan niya ng tawa. "Okay na ang isang beses na mawindang," nakatawang ginulo pa niya ang sariling buhok.
Hindi binawi ni Sir JC ang kamay. "Hawakan mo."
Unti-unting nawala ang ngiti ni Lenlen. Ano na naman ba ang gagawin ni Sir JC?
Maingat niyang hinawakan ang kamay nito—at hindi napigilan ni Lenlen ang paglunok na higpitan nito ang hawak sa kamay niya.
"Hawak mo na'ng kamay ko," sabi nito, nakatingin sa mga kamay nila. "Sino'ng nagsabing nasa fantasy world ako?"
Nag-skip muna ang heartbeat ni Lenlen bago niya nagawang tumawa na magaan. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin—" itinaas nito ang kamay niya at maingat na hinalikan!
Nanlaki ang mga mata ni Lenlen at biglang binawi sana ang kamay pero hindi binitiwan ni Sir JC. Magaang tumawa ito, hinila siya palapit at magaang niyakap. "Relax," sabi nito sa mahinang boses. "Kung ano ano na'ng iniisip mo." para siyang stuffed toy na ini-squeeze nito nang maingat. "Pagod lang ako, Len. Gusto ko lang mag-relax."
"N-Narerelax ka sa slow dance, Sir?"
"Yes."
"Ah..."
"At hindi nakaka-relax mag slow dance mag-isa."
Natawa siya. "Oo naman. Oo, tama 'yon." sabi niya. "Nagrerelax ka rin ba kaya...kaya may free hug, Sir?" hindi pa rin kasi siya nito pinapakawalan. Gusto man ni Lenlen ang pakiramdam, kailangan niyang gisingin ang sarili. Mahirap nang umasa at masaktan lang kapag tapos na ang magic moment.
Si Sir JC naman ang tumawa bago siya maingat na pinakawalan. "Ikaw ang gusto kong ma-relax sa free hug." Tumalikod na ito at naglakad na pabalik sa dining. Okay na ang pakiramdam ni Lenlen nang sumunod rito. "Natatakot ka ba akin, Len?" at huminto sa paghakbang, nilingon siya.
Napatingin si Lenlen sa mga mata nito. Nagkatitigan na naman sila. Hindi napigilan ni Lenlen ang paglunok.
Naglakad uli sila hanggang nasa tapat na ng dining table.
"Hindi yata takot ang tamang term, Sir," sabi niya, hindi muna naupo. Ganoon rin si Sir JC. "Hindi ko rin sure kung ano pero hindi takot. Wala namang dahilan para matakot ako, eh. Unang beses pa lang kitang nakita, ramdam ko nang mabuti kang tao, Sir. At tama ako..."
"Totoo 'yan?"
"Hindi, joke lang, Sir," biro niya. Nawala agad ang ngiti nito. Tumawa si Lenlen. "Siyempre totoo, Sir!"
"Hindi nga?"
"Totoo nga, Sir JC!"
"Hindi ka natatakot sa akin?"
Umiling siya.
"Do you trust me?"
Tumango siya.
"That's good to hear, Len."
"Basta 'wag nang mag-slow dance, ah?"
Ang lakas ng tawa ni Sir JC. Salamat na lang at mahimbing ang tulog ni JD, hindi nagising.
BINABASA MO ANG
Len's Love (PREVIEW ONLY)
Romancesequel of Hot Intruder: Marrio. unedited first draft wattpad version only