ULTRA SEVENTEEN

822 32 0
                                    

Jonel Point Of View

Habang tinutupi ko ang mga gamit ni Lola para ilagay sa kanyang maleta, nararamdaman ko ang bigat ng sitwasyon. Pinaalalahanan ng gobyerno ang lahat ng ahensya na lumikas na ang mga tao papunta sa mga itinakdang security hideouts bilang paghahanda sa posibleng digmaan. Malayo ang lugar na ito sa aming bayan, kaya't kailangan nilang maglakbay papuntang Norte mamaya. Mayroon ng mga private jet na maghahatid sa mga tao doon mamaya lamang.

"Sigurado ka bang 'di ka sasama sa akin, apo?" Tanong ni Lola habang nakatayo sa pintuan ng aking silid, pinapanood ako nito't tila nangungusap ang kanyang mga mata.

"Mas maigi pong kayo na lang at ang iba pa nating kamag-anak ang lumikas, Lola. May mga gampanin po ako rito, at kailangan kong gamitin ang espesyal na kapangyarihang binigay sa akin ng taga-ibang mundo," sagot ko habang sinasara ang maleta. "Mag-iingat po kayo roon. Huwag niyo po akong alalahanin, kaya po namin ito ni Julian," dagdag ko saka tumayo at lumalapit kay Lola, nakatitig ito na wari'y nag-aalala.

"Ipangako mong dadalawin mo kami roon," aniya saby gawad ng isang mahigpit na yakap.

Ngumiti ako at niyapos ang likod ni Lola. "Oo naman po. Magkikita pa tayo, Lola,"

Habang sa ganoong posisyon ay siya namang may kumatok sa pinto roon sa sala kung kaya bumitaw ako at sinuri ito.

"Friend, nandito na iyong mga susundo sa mga lilikas. Tara ihatid na natin si Nanay sa labas," wika ni Julian tsaka pumasok.

Muli akong napatingin kay Lola saka ito hinagkan sa noo. "Magiging ayos po ang lahat. Kung sakali mang may signal doon ay susubukan ko po kayong tawagan. Sa ngayon, bigyan niyo muna kami ni Julian ng oras para hanapin si Larry," bulong ko kung kaya tumango si Lola.

May dalang bigat sa aking puso ang paghatid namin kay Lola sa rito labas. Nais ko mang lumuha sa harapan niya, pero mas pinili kong ikubli na lamang ang aking emosyon upang hindi niya ako alalahanin sa evacuation zone. Habang papalapit ang isang agent, kaagad kaming nagtago ni Julian sa hardin upang hindi kami makita.

Tumikhim ang lalaking agent. "Kayo lang po ba, Nanay?" Tanong nito tsaka binuhat ang mga bagahe ni Lola.

"Opo, sir," nauutal nitong wika. Bago pa man siya lumakad ay muling lumingon si Lola sa aming bahay na wari'y nangingilid pa ang kanyang luha. Napayakap na lamang siya sa kanyang sarili at lumakad palayo.

Dahil doon ay hindi ko na napigilang pumatak ang luha sa aking mga mata at pumakawala ng isang buntong hininga. Naramdaman ko namang niyapos ni Julian ang aking likod kung kaya napatingin ako sa kanya at doon binuhos ang aking nagbabadyang emosyon.

"Friend, isipin na lang natin na para sa kanilang lahat ito. Alam naman natin na kapag sumama tayo ay walang lalaban sa kasamaan ng Philippine Thugs Association dito sa lugar natin. Lalo na't nagkalat ang mga alien breed sa ating lalawigan," malumanay na wika ni Julian.

Nagpunas ako ng luha at saka tumayo. "Alien breed?" Tanong ko.

"Oo. Ayon sa balita kanina ay mas naging kumplikado pa ang problema sa ating bansa dahil sa umano'y breed ng alien at espiritu. Napag-alaman daw ito kahapon lang sa Tarlac, dahil may kung anong hindi kilalang nilalang ang nanggulo mismo sa isang bayan doon," paliwanag ng aking kaibigan dahilan para kumunot ang aking noo.

"Ibig sabihin ba nito marami na sila? E sino ang pumatay doon?" Panguusisa ko tsaka lumakad papasok ng aming bahay.

"Malamang ang Philippine Army at Philippine Airforce ng bansa natin. Nagtulong-tulong daw sila para puksain iyon," aniya habang sumusunod sa akin.

"Kung gano'n kailangan nating mahanap si Larry at maibalik sa lalo't madaling panahon. Malaki ang tulong nito sa grupo natin, siya lang ang may kakayahang isara ang portal ng ibang dimension. Kung sakali mang hindi ito maagapan agad ay hindi lamang ang PUTA ang iisipin natin kundi maging ang mga alien breed," usal ko saka umupo rito sa sofa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Utra Gays Galaxy (Fantasy 2020 Remake)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon