CHAPTER: TEN (THE FIRST AND THE LAST)

3.9K 134 1
                                    

*AZURE ELIZALDE*

I clutched my hands on the steering wheel before getting out of the car. I sighed and walked inside the hospital.

I asked on the frontdesk where is her room then immediately went to her.

"It's alright, Azure. You'll be fine." Huminga muna ako nang malalim bago binuksan ang pinto at saka na pumasok.

Agad na bumungad sa 'kin ang maganda niyang mukha, pagpasok ko pa lang ng kwarto. Kasalukuyan siyang binebendahan sa paa ng nurse. Pansin ko pa na puno siya ng gasgas at pasa sa pisngi, braso at binti niya.

"Zoey," tawag ko sa kanya at agad naman niya akong nilingon.

"Azure!" Nakangiting saad niya nang makita ako. Lumapit ako sa pwesto niya at naupo sa tabi niya.

Matapos bendahan ng nurse ang binti niya ay nagpaalam na ito at lumabas na ng kwarto.

"Hi," masiglang bati niya. Bahagya akong ngumiti at pinagmasdan siya.

"You look thinner," puna ko pa.

"I can't do anything about that, Azure."

"How's your therapy?" tanong ko pero nginitian niya lang ako.

"I missed you. Ito lang pala ang magpapapunta sa 'yo sa 'kin. Sana pala noon pa 'ko tumalon sa tulay."

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Are you out of your mind, Zoey? You almost killed yourself."

"Yes, maybe I'm out of my mind. You're not answering my calls, it's been a month since I came back yet you're not even visiting me. I miss you, Azure."

"Zoey. We talked about this already."

"I know. And I can't do it. Hindi ba pwedeng bumalik na lang tayo sa dati?"

"Mapapahamak ka lang kasama ako, Zoey. Alam mo namang..."

"I'm going to die anyways. Ano pa bang dapat kong ikatakot?" aniya kaya agad akong napalingon.

"What do you mean?"

"I'm still dying, Azure. The chemo therapy didn't work."

"Z-zoey..."

"And I don't want to die, not even having you by my side. Please, come back to me."

"Zoey. I can't."

"But why? Mahal mo pa rin naman ako, 'di ba?"

"I..." I stared at her and noticed that she was already crying.

Zoey never changed. She always cry whenever something is not favoring on her side. She was always like this as how I remembered her.

Zoey...was my everything back then. She was my first love and also became my last since then.

I loved her. Loved her too much, that I almost became selfish. She loved me too much that even though she knew what my life is, what I really am. She accepted it and still loved me. But I cannot be with her, knowing that she will be in danger everytime our enemies attack us.

Minsan na siyang muntik mamatay nang atakihin ako ng kalaban ng Thanatos sa isang parke. She was kidnapped by them and was caught in an accident. Nailigtas ko siya pero nang mga oras na 'yon. Napatunayan kong hindi magiging maayos ang buhay niya hanggat kasama ako.

We broke up, I broke up with her. Pero walang pinagbago. Mahal ko pa rin siya noon. At nang malaman kong may sakit siya ay halos ikamatay ko na rin. Kaya tinanggap ko nang umalis siya kasama ang pamilya niya para magpagamot sa ibang bansa. And it's been two years since the last time I saw her. Ngayong buwan ko lang nalaman na umuwi na pala siya dahil na rin sa pagtawag at pagte-text niya.

Oh! So I married an Assassin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon