Javin's POV

5.3K 105 15
                                    

Javin’s POV

                “Kuya! Naawa na ako kay Lee. Kuya bakit natitiis mo siya? Bakit kaya mo siyang tingnan na nasasaktan.” Sabi ng kapatid ko. “Pano kung may lalaking iwan din ako tapos maging katulad ni Lee. Hindi ka ba maaawa sakin? “

“ Hindi mo kasi naiintindihan. Itong sakit na nararamdaman niya ngayon saglit lang yan. Kesa pag pinatagal ko pa to... mas lalalim lang yung sakit.”

“Eh kuya kung mahal mo naman ang isang tao gagawin mo naman lahat para sa kanya diba?”

“ Oo. “

“So it means....”

“ Sige na. Aalis na ako.”

Mahal ko si Lee. Hindi lang siya mag w-work out. Mas masasaktan lang kaming dalawa.

Lagi ko siyang binabantayan... lagi ko siya sinusundan. Masaya na ako makita siyang unti-unti nagiging okay. Mas ok ng mag mahal siya ng iba.. masakit man para sakin na makita siyang masaya sa iba pero iisipin ko nalang na para sa kanya rin to. Para hindi siya masaktan ng sobra.

Sana ako yung kasama niya kapag malungkot siya, masaya siya. Pero hindi pwede. Masakit rin para sakin na iwan ko siya.. gusto ko ipaalam sa kanya yung tunay na dahilan pero hindi pwede mas ok na yung ganito.

Sana yung susunod na lalaking mamahalin siya ay yung laking tunay na mag mamahal sa kanya at hindi siya iiwan. Sa nakikita mukang okay naman yung lalaking lagi niyang kasama.

Madalas ako mag text sa kanya pero hindi ako nag papakilala.Minsan gusto ko siyang tawagan makinig ko man lang yung boses niya pero hindi yun tama. Dapat nga hindi ko na siya sinusundan eh, dapat hinahayaan ko nalang siya mag move forward sa life.

**^*^**

Hmmm. Ano ba talaga ang problema ni Javin?

abangan sa huling 6 na parts. 

Does Age Matter?(Student-Teacher Affair Book Two!) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon