Episode Seven: Falling Deeper

3.1K 67 2
                                    


"THANK YOU, Kristoff. Sa masarap na pizza at sa ice cream," nakangiting sambit ni Toni nang ihatid siya nito sa labas ng gate ng bahay nito. Tulad nga ng pangako niya rito kanina ay dinalhan niya ito ng paborito nitong ice cream. At hindi lang iyon. Bumili na rin siya ng pizza para sa hapunan nila. Masaya nilang pinagsaluhan iyon. In his case, he was simply happy. Makita lang niya itong nakangiti ay solved na siya.

At tulad ng mga kaibigan niya, halatang nagulat din ito sa bago niyang haircut. Ngunit hindi maikaila ang paghanga sa mga mata nito upon seeing his good boy image. Iyon lang ang mahalaga sa kanya.

Hinapit niya ito sa baywang at hinalikan sa noo. "Anything for you," bulong niya. "Goodnight na muna ha?" dugtong niya. Ang totoo ay ayaw pa niyang magpaalam ngunit malalim na ang gabi at hindi tamang magtagal pa siya roon.

"Yeah," ganting bulong nito ngunit hindi agad ito dumistansiya. Sa halip ay inihilig nito ang ulo nito sa kanyang dibdib. He rewarded her with a much tighter embrace. Kung siya lang ang masusunod ay ayaw niya itong pakawalan. He wanted to hold her in his arms forever. Hindi niya alam kung bakit ngunit masaya siya sa piling nito. Parang ayaw niyang matapos ang sandaling iyon.

Ilang beses siyang nangako noon na hindi niya ito hahayaang makapasok sa sistema niya ngunit kabaliktaran ang nangyari. The more he tried to drive her away from his mind ay lalo naman itong nagsumiksik doon. Wala siyang choice kundi sundin na lamang ang dinidikta ng kanyang puso. For the first time in two years, he felt alive again and happy. Very happy. And it's all because of her. Kung saan man siya dalhin ng damdamin niyang iyon ay panahon lang ang makakaalam. Right now, all he wanted was to savor the peaceful feeling of holding her in his arms. Hindi naman siguro masama ang umasa na sa kabila ng pangit niyang nakaraan ay matatanggap siya nito.

I hope so, lihim niyang sambit. At kung hindi man ay babaunin na lamang niya sa ala-ala ang masasayang sandali sa piling nito.

"Ingat sa pagmamaneho, okay?" sambit nito sa kanyang dibdib.

He inhaled her feminine scent. "Sure," sagot niya. He wanted to tell her he would do anything for her. Kahit pa siguro hihilingin nito ang buwan at mga bituin, he would try his damnest to offer them to her. Hindi niya kayang ipaliwanag kung bakit dahil maging siya ay nalilito rin sa sariling reaksiyon dito.

"Kristoff-"

"Say it again," putol niya rito. Mabilis niyang ikinulong sa palad ang mukha nito at inangat iyon paharap sa kanya. Hindi niya maintindihan ngunit tila kay sarap pakinggan ng pangalan niya mula sa mga labi nito.

"S-say what?" nagtataka pang tanong nito.

"My name. Please say it again," pabulong na hiling uli niya rito.

"K-kristoff," sambit nito. Bakas ang kalituhan sa anyo nito. Unti-unti siya napangiti. Tama nga ang hinala niya. Napakasarap pakinggan ng pangalan niya kung ito ang bibigkas niyon. Noon lang siya lihim nagpasalamat dahil ang pangalang iyon ang pinili ng mga magulang niya para sa kanya.

"Kristoff, wha-" This time, hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Mabilis niyang inangkin ang nakaawang nitong labi. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya. Ang alam lang niya ay nais niya itong halikan nang paulit-ulit until both of them would be breathless. Noon lang niya naramdaman ang ganoon. Na kontento na siya na mahalikan lang ito at lahat ng kulang sa buhay niya ay biglang napunan ng halik nito.

"What did you do to me, Toni? Bakit parang hindi ko na kilala ang sarili ko ngayon?" tanong niya rito sa pagitan ng kanyang halik. Her lips fit his perfectly and the way her body melted against his seemed so natural. Na para bang nilikha silang dalawa para pagsaluhan ang sandaling iyon.

The Perfect Love Story [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon