Chapter 2: Watch Out

32 3 1
                                    

Mikhaela's POV

'Di ko naman talaga trip ang gumala kaso boring e. Kaya nandito kami sa Park. Nagpahangin muna ako saglit tapos may biglang humila sa braso ko.

"Miks! Samahan mo naman ako doon sa Ice Cream Vendor na yun!" yaya ni Grace sa'kin. Nakakatamad naman 'to. Hayst.

"Magpasama ka nalang kay Annalyn." malamig na sagot ko sa kanya. Tiningnan naman kaagad ako ni Annalyn na umuupo lang sa isang bench malapit sa isang lalaking may maraming Balloons. Naglakad nalang ako palayo kay Grace nang sumigaw siya..

"Sige na! Libre ko!!!"

Libre? Libre ba kamo?

"Hayst. Bilisan mo! Mango sakin ha!" Sa halip na mainis ako, ngumiti nalang ako at nag-antay sa kanya habang papunta sa Ice Cream Vendor sa tabi ng daan. Si Grace naman, mukhang nabadtrip. Hahah. Nang nakarating na si Grace sa lugar kung saan nagtitinda ng Ice Cream, binuksan niya ang wallet niya habang nagtatanong, "Kuya, magkano po ang isang scoop?"

"₱5 lang." Sagot naman nito.

Huh? Ang weird. Kadalasan sa mga Ice Cream Vendors na nakikita ko mukhang mas matanda pa sa'min. Pero itong Ice Cream Vendor nato? Mukha pang bagets.

"₱5 lang? Mukhang sosyal yung mga ice cream niyo tapos ₱5 lang? Sigurado ba kayo d'yan kuya?" Gulat na tanong ni Grace na agad namang ikinunot ng noo ng nagtitinda. "Bakit? Ayaw mo? Edi gagawin naming mahal---"

"Ito namang si kuya.. Nagtatanong lang naman..!" Napakamot si Grace habang tumatawa. Agad namang kumuha ng ₱10 si Grace. "Ito po. Isa-isa po kami."

"Anong flavor?"-Nagtitinda

"Ube po." Sagot naman ni Grace at nagsalita kaagad ako. "Mango lang po sa'kin." Masarap naman yung Cookies and Cream kaso Mango talaga yung first love ko. Habang nag iiscoop ang nagtitinda, Inobserbahan ko siya. Grabe. Nakasumbrero pa. Tsaka yung hairstyle bagets na bagets. Iba yung pananamit niya.

"Miss? Anong tinitingin mo diyan?"

Hala. Napahinto pala yung nagtitinda sa ginagawa niya.

Bigla siyang ngumiti sa'kin. "Pogi ko no?" Bigla siyang kumindat kaya napatawa si Grace. Ang awkward naman. Tumahimik tuloy. Sobrang tahimik ng oras na yun nang may biglang sumigaw,

"Engot! Mas pogi parin ako sa'yo!"

Napalingon naman kami sa banda ng bench na inuupuan ni Annalyn.

Napansin naming may hawak na siyang lobo.. Anong nakain niya? Bumalik yata sa pagkabata. Pero mukhang naiinis nga siya e. Siguro naiinis siya sa tinitingnan niyang lalake na bigla nalang sumigaw.

Naglakad ito palapit sa'min na ngumingiti.

"Ang epal mo talaga!" sabi ng nagtitinda ng ice cream. "Minsan nga lang 'to e. Tsk."

Inakbayan niya ang nagtinda ng ice cream at sabi niya, "Ba't 'di mo pa matanggap, Jimmy?" Tumawa siya.

So Jimmy pala pangalan ng bagets na tinderong 'to.

"Mukhang may bagong chix ka a. Ipakilala mo naman---"

"Wala akong chix!" Mabilis na sagot niya sa lalaking nakaakbay at tinanggal niya ang brasong nakaakbay sa kanya.

"Customer lang 'to. Ano ka ba.."

Natawa naman si Grace sa sinabi ng lalaki. Nang pinagpatuloy na ni Jimmy ang trabaho niya, may biglang sinabi ang lalaki sa kanya.

"O siya, maiwan muna kita. Galingan mo ang pagtitinda a para may allowance tayo. Mahal pa naman yung pambayad natin sa skwelahang papasukan na'tin." sabi ng lalaki. "Ubos na yung paninda ko." dagdag niya.

Summer RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon