Chapter 3: Introduce Yourself

22 3 0
                                    

Grace's POV


Ang init...


"Pamasahe po."

Nandito kami sa loob ng jeep. Naalala ko tuloy yung lalaking nakasalamuha namin noong nakasakay kami papunta sa school para mag-enroll.


(FLASHBACK)


May katapat akong isang lalaki na may kaharap na isang lalaki rin. Nag-uusap sila ng nonsense. Gusto niyong malaman? Basahin niyo.


"Brad. Parang may gusto sakin yung electric fan sa bahay." sabi ng katabi ko.
"Pa'no mo nasabi?"
"Eh sa palagi syang lumilingon sakin. Kahit saan ako, lumilingon sya. Yung parang hinahanap niya ko."
Pinatid naman siya ng lalaking kausap niya.


"Buang gyud ka." [Trans: Baliw ka talaga.]
"Kabalo man ko." [Trans: Alam ko.]
"Proud kaayo ka?" [Trans: Proud ka pa talaga?]
"Syempre, proud kaayo." [Trans: Syempre, proud talaga.]


Napabuntong hininga nalang ako. Ilang minuto,narinig ko ang boses ng driver.
"Boy, san kayo bababa?"
"Sa semento po, manong!" sabi nung katabi ko.
Biglang napahinto ang jeep kaya napahiga siya.
"Bumaba ka nang bata ka! Tinatanong ka ng maayos tapos pilosopong sagot lang sagot mo sakin? Baba." bumaba naman siya habang kinakamot ang batok niya pero yung isang lalaki, hindi.


"Hoy Russell! Bumaba ka dyan! Samahan mo ko dito!"
"Bahala ka dyan." sabi niya tapos lumarga na ang jeep.
"Brad! Hoy brad!-" at tuluyan ana kaming nakalayo. 


Yung lalaking naiwan dito sa jeep, napatawa nalang. Russell daw ang pangalan. Nung bumaba kami sa school, bumaba rin ang lalaking yun. Laking gulat namin ng bigla syang napahiyaw.
"Ay kabaw!" humarap siya.


"Oi! Brad!"
"B-brad.."
Luh? Diba sya yung kanina na pinababa?
"Wow brad. Halos sabay lang tayong nakarating ah?"
"Syempre"
"Ano sinakyan mo?"
"Wala."
Wala? Imposibleng makarating sya dito nang ganon kabilis.
"Anong wala? Ang layo ng binabaan mo kanina."
"Tinakbo ko." What?!!
"Ang bilis mo naman atang tumakbo."
"Runner kaya ako ng simbahan noon kung may binyag."


*SILENCE*.. Yan kami ngayon. Nagkatinginan kaming tatlong babae. Napatingin uli kami sa kanya at napatingin yung runner kuno.
"Joke."
Nag-usap pa sila kaya nauna na kaming pumasok.

(END OF FLASHBACK)

Nagbayad na kami at bumaba. Pumasok na sa campus. Hay.. Miss kong mag-aral. Ilang minuto ang inabot namin bago namin nahanap ang mga pangalan namin sa isang papel. Pumasok kami sa classroom.

 Pumasok kami sa classroom

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Summer RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon