Nandito na kami sa classroom at hinihintay na lang namin yung adviser namin. Sa may tabi ako ng bintana pumwesto para maka pag day dream ay, este maka pag relax pag maingay. Katulad ngayon ang iingay ng mga grupong lalaki sa likod talo pa nila ang mga nag abroad. Daming yawyaw. Yung mga kaklase namin ngayon, iba dun kaklase din namin dati. Yung iba, kilala ko lang sa tabas ng mukha.
"Bespal, ito na ata ang best year ko evaah! Alam mo yun, ang tagal ko siyang pinag-nasaan. Ngayon abot kamay ko na talaga siya. waah! kinikilig ako best!!!" ang bruha ibinunton ang kilig sakin.
"kadiri ka bespal ah. May hidden desire ka na sa CRUSH mo palang. How maniac you are." seryosong pag kakasabi ko, pero gusto ko ng matawa dahil sakanya.
"Ikaw din pala grabe sakin e. Makasabi ka diyan." sabay hampas sakin. Aba! nawiwili sa pag hampas sakin. Ginantihan ko nga, hanggang sa nag bugbugan na kaming dalawa. Hahaha. chos. kulitan lang yun.
Nahinto kami kasi dumating na yung adviser namin na mukhang bata pa.
"Hi class! I'm your adviser for the whole year. Call me Ma'am Lee o Ms. Lee. Please be good para mag-kasundo tayo." mukha namang mabait si Ma'am namin, ang ganda niya pa lalo pag nakangiti.
"Yes Ma'am!" sabi namin.
"Gusto niyo ba sitting arrangement o wag na?" Tanong ni Ma'am Lee samin.
"Wag na po Ma'am!" mabilis na sagot namin. Ayoko nga. badtrip ang nagpauso ng sitting eklavu na yan.
Pero kahit walang sitting arrangement sa adviser namin, sa ibang subject di naiwasan. Alternate na boy at girl pa. Napalayo tuloy ako ng isang chair kay bespal ko. (arrangement: Kate, yung Crush niya at Ako) Ang layo di ba, di ko siya mareach :( Pero ako lang ata ang nalulungkot. yung Bespren ko, ayown armalite ang bunganga~ kachikahan ang crush niya.
"ay, Rain si Elise Jill Dellosa nga pala.." pinutol ko dila ni bespal, masyadong maraming ng nalalaman.
"Elise na lang po." -_-
"wow. Jill! Haha. ang kyut! Jack pre! meet your partner Jill." sabi ni Rain sa lalaking nasa kanan ko.